Chapter 22: Empty

2.5K 111 11
                                    




                 

Dapat nasa funeral home ako at inaasikaso ang mga bisita pero I'm somewhere else.

Maaga akong nagising at parang wala sa sarili na nagbihis kaagad.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto kong mapag-isa.

Apat na araw ng nakaburol si Mama.

Noong una, akala ko eh wala masyadong darating na bisita dahil sa konti lang naman ang kaibigan niya.

Wala din naman siyang kapatid dahil isang anak lang din siya tulad ko.

Ang lolo at lola ko naman, matagal ng namayapa kaya nagulat ako ng maraming dumating para magbigay ng kanilang final respects.

Mga nakasama niyang guro at dating estudyante ang nagsidatingan at lalo kong namiss si Mama dahil sa mga kuwento nila.

Mabait daw ito sa kanila, mapagpasensiya at higit sa lahat, magaling magturo.

Malaki ang panghihinayang nila ng iniwan nito ang academe pero naiintindihan nila kung bakit.

Iyong iba niyang mga estudyante, may mga sarili na ring pamilya.

Meron silang mga binigay na pagkain bukod sa abuloy.

Tinawagan ko si Nella at pumunta siya kaagad sa bahay.

Pareho kaming umiyak ng malaman niya ang nangyari.

Huwag ko daw alalahanin ang trabaho namin dahil siya na ang bahala.

Magsabi lang daw ako kung meron akong kailangan.

Pagkatapos ng trabaho, diretso siya agad sa funeral home.

Pati mga katrabaho namin ay pumunta din.

Si Shirley, kahit alam kong dapat kasama siya ng kapatid niya, lagi siyang dumarating para samahan ako.

Dapat akong magpasalamat sa suporta nilang lahat pero gusto kong limutin kahit saglit ang nangyayari sa buhay ko.

Hirap akong matulog sa gabi at kung hindi pa ako pipilitin kumain, hindi ako kakain.

Lagi kong naaalala si Mama.

Hindi pa din ako makapaniwala na wala na siya.

Nakikita ko siya sa bawat sulok ng bahay namin at pati ang paborito niyang lotion, lagi kong naaamoy.

Pinapaalalahan ko ang sarili ko na guni-guni ko lang ang lahat.

Dala siguro ng lungkot kaya kung anu-ano ang naiisip ko.

May binigay na sulat sa akin si yaya noong unang araw na nakahimlay siya.

Nasa kuwarto ako noon at naghahanda ng umalis ng kumatok siya.

May hawak siyang puting sobre at nang tinanong ko kung para kanino ang sulat, sinabi niya na para ito sa akin.

"Saan galing?" nagtatakang tanong ko.

"Sa Mama mo," sagot niya sabay inabot ang sobre sa akin.

Atubiling inabot ko ito.

"Basahin mo Liz," utos ni yaya sa akin.

"Mamaya na lang po pag-uwi natin," sabi ko.

"Mahigpit ang bilin ng mama mo sa akin na kapag dumating ang tamang panahon, kailangan ibigay ko ito sa'yo at dapat basahin mo din agad."

Bumuntong hininga ako, iritado dahil sa pamimilit niya.

Ang totoo kasi, hindi ko alam kung kaya ko pang dagdagan ang nararamdaman ko.

Shirley (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon