Chapter 21: The Visit

2.5K 117 6
                                    




                 

Kahit my mother was initially disappointed na babae ang kasama ni Ate Joan, she didn't forget her manners.

Sinigurado niya na magiging maganda ang impression ni Trish sa family namin.

Ito mismo ang nagluluto ng pagkain at mabuti na lang at hindi naman picky ang aming bisita.

When I learned na ang kuwarto lang ni Ate Joan ang pinahanda niya before niya nalaman na si Trish ang kasama nito, hindi na ako nagtaka dahil she was expecting ate would be bringing her future husband.

To make up for what she did, pinaayos ni Mommy ang ang guest room para meron matulugan si Trish.

Kahit si ate na mismo ang nagsabi na they can share her bed, alam niya na hindi papayag si Mommy.

I was quietly observing the situation at lalong lumalakas ang kutob ko na there's more to my sister and Trish than just friends.

Masyadong sweet ang mga ngiti nila sa isa't-isa at may mga pagkakataon na nahuhuli ko silang magkahawak kamay.

Ganunpaman, hindi ako nagsalita.

Dahil biglaan ang uwi ni ate, I decided to take a week off para magkasama kami.

Siyempre pa, kasama na din sa plano ang pagpunta ko kina Liz to attend Tita Magda's wake.

***

Magaan kakwentuhan si Trish but I noticed na she's the opposite of Ate Joan.

Kung si ate ay parang kiti-kiti at laging gustong kumikilos, siya naman ay relax lang.

Complimentary ang personality nilang dalawa kaya ang kwento ni ate eh nagkasundo sila.

Kung gaano siya kahyper, kalmado lang si Trish.

Kaya nitong sakyan ang mga weird niyang trip tulad ng mga midnight cravings na hanggang sa US eh nadala niya.

Pati ako, niyayayang pumunta sa convenience store para bumili ng kung anong maisipan niyang kainin.

Pinakain niya daw ito ng balut one time at kahit masuka ito ng makita ang balahibo, pinilit nitong ubusin ang pagkain.

Pinagluto niya din ito ng adobo at pasado naman sa panlasa ni Trish.

Sanay na nga daw itong kumain ng kanin at mukhang nabiyayaan ng magandang DNA dahil sa hindi naman tumataba.

They both work in the same hospital pero sa magkaibang department.

X-ray tech si Trish at ito ang team leader sa department nila.

Three years na silang magkakilala at mahilig itong magtravel.

Nang sinabi ni ate na uuwi siya sa Pinas, she offered to bring Trish along kasi hindi pa ito nakakadalaw sa bansa.

"I've always been fascinated by your country so I figured why not?" kwento nito during lunch.

She has one other sibling who is an older girl who lives in Vancouver, si Michelle.

"She met Joan when we visited a year ago,"

Nagtanong si Mommy kung may asawa ang kapatid ni Trish.

"No," matipid na sagot nito.

Kumunot ang noo ni Mommy pero hindi pa din ito tumigil sa pagtatanong.

"Does she have kids?"

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan.

Nakafocus ako kay ate at nakatingin din siya sa akin.

Alam na naming pareho kung saan papunta ang topic kaya pareho naming hinanda ang sarili namin.

Shirley (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon