Chapter 27: The Gathering Storm

2.3K 113 6
                                    




                 

Security?

Kinabahan ako sa text ni Liz.

Agad akong nagtype ng reply sa message niya at inip na naghintay sa sagot niya.

"What happened?"

Pinagmamasdan ko ang three dots sa phone na indicator na nagtatype siya ng sagot niya.

"It's a long story."

Imbes na magtext ulit, tinawagan ko si Liz.

Ramdam ko na there's something wrong.

Anong ginagawa niya with security?

Okay lang ba siya?
Is she in some kind of trouble?

After three rings, sumagot si Liz at sinabi sa akin na she can't talk right now.

"What do you mean you can't talk right now?" medyo mataas ang tono ng boses ko.

"I'll text you back. Can you meet me at lunch? I'll tell you where,"

Kahit nagtataka, I said yes.

There's something weird sa conversation namin lalo pa at parang cryptic ang mga sagot niya sa tanong ko.

"Just tell me you're okay," may tono ng pagaalala sa boses ko.

"I'm fine," matipid na sagot niya.

I can read between the lines at sa tono ng boses ni Liz, something was holding her back from giving me details.

"I have to go now. I'll see you later, okay?"

Kahit balisa, I said goodbye to her.

After our phone call, inip ako na naghintay for our meeting.

Lagi akong nakatingin sa relo.

Pati si Mommy, napansin na hindi ako mapakali.

"Okay ka lang ba anak?" nakaupo kami sa sala.

Nanonood kami ng cooking show sa Food Network pero wala sa palabas ang atensiyon ko kundi kay Liz.

Ano kaya ang nangyari?

"I'm worried, Mommy." Sagot ko.

Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa tawag ni Liz.

"Hintayin mo na lang kung anong sasabihin niya. Malay mo it's nothing important."

Sana nga. Iyon na lang ang naisip ko.

Pero hindi ako matahimik.

Something was telling me na may nangyari.

Kung ano, hindi ko alam until makausap ko siya.

Nakita kong may message sa phone ko.

Liz texted the place kung saan kami magkikita.

Sa isang obscure na eatery sa Makati?

Alam ko ang lugar pero the last time I was there was during my college years dahil paboritong tambayan ito ng mga estudyante.

Malayo ito sa university kung saan ako nag-aaral pero pinuntahan namin dahil may mga kakilala ang barkada ko sa lugar na iyon.

May link ng map para alam ko kung saan ako pupunta.

Bakit doon kami kakain?

Kahit dalawang oras pa bago kami magkita ni Liz, nagpaaalam na ako kay Mommy.

I want to get out of the house dahil the longer I stay there, lalo akong nagiging anxious.

***

Pinarada ko ang sasakyan sa tapat ng karinderya at mula sa labas, nakikita ko na madami pa ding estudyante na kumakain dito.

Shirley (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon