Chapter 23: How To Deal

2.3K 120 8
                                    

A/N:

Hello everyone.

I apologized for the very late update.

Somehow, the delay is not stopping anytime soon but I will post the next chapter as soon as I get the chance.

Thank you for your understanding.

Take care! :)

***

Naranasan niyo na ba iyong kinakabahan ka pero hindi mo alam kung bakit?

Ano nga ang tawag doon?

Kutob?

Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan habang nagmamaneho pabalik sa bahay namin.

Pagkatapos kumain, nagpaalam na ako kina Liz.

Gustuhin ko mang magtagal, kailangan kong umuwi dahil sa hindi ako nakapagpaalam kina Mommy.

Si ate lang at si Trish ang may alam kung saan ako pumunta.

Well, ang totoo, lagi na lang akong nagpapalusot para lang makapunta kina Liz.

Mas madali kasi ang mag-alibi kesa sabihin kina Mommy ang totoo.

Masakit sa akin ang magsinungaling dahil hindi ko naman naging ugali ang maglihim pero minsan, mas mabuti na ang ganoon dahil sa it keeps the peace.

I know it's not going to last forever.

Kailangan naming harapin ang katotohanan.

Hindi pwedeng i-deny nila ang sinabi ko.

It's very uncomfortable to deal with the truth pero mas maigi ng harapin namin kung ano ang tunay na nangyayari.

Pagpasok ko sa bahay, nakaupo sa sala sina Mommy at Ate.

Magkatabi ang magulang namin sa sofa samantalang nakaupo si ate sa tapat nila.

Wala si Trish at pakiramdam ko, hinihintay talaga nila ako.

"Mabuti at nandito ka na," bungad sa akin ni Daddy.

Lumapit ako sa kanya para humalik pero umiwas siya.

"Maupo ka, Shirley." Utos niya.

Bihira niya lang gamitin ang tonong iyon.

Ginagamit niya ito noong maliliit pa kami kung meron kaming kasalanan o di naman kaya ay kung masyadong matigas ang ulo namin at ayaw naming sumunod sa gusto nilang mangyari.

Nang lumaki na kami, nabawasan ang pagiging istrikto niya.

Malalaki na daw kasi kami at alam na namin kung ano ang ginagawa namin, most of the time.

Umupo ako sa tapat ni ate.

Tumingin siya sa akin at napansin ko na pinapaikot niya ang kanyang hinlalaki.

Gawain niya iyon kapag ninenerbiyos siya.

Kahit hindi niya sabihin sa akin, may idea na ako kung bakit meron kaming family meeting.

Si Kuya Michael na lang ang kulang at kumpleto na kami.

"Nagkulang ba kami sa pangaral sa inyong dalawa ha?" tanong ni Daddy.

Hindi kami sumagot ni ate.

"Alam niyo ba kung ano ang ginagawa ninyo sa buhay ninyo?" Si Mommy ang nagtanong.

"Ikaw, Joan. Kaya ba ang tagal mong hindi dumadalaw dito sa Pilipinas ay dahil sa meron kang kalokohang ginagawa at malaya ka sa Amerika? Nang bumalik ka dito, ang ibabalita mo ay may girlfriend ka? Buti na lang at hindi inatake ang Daddy ninyo dahil sa mga pinagagawa ninyo."

Shirley (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon