Chapter 30: The One You Love

2.7K 125 2
                                    




Nasaktan ko si Shirley.

Ang taong pinangakuan kong mahalin at paligayahin ay umalis na may sama ng loob dahil sa hindi ko alam kong ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko.

Totoo naman ang sinabi ko sa kanya.

Sa mga nangyayari sa buhay ko, hindi ko alam kong ano ang iisipin at gagawin.

I am lost.

I'm like a ship in the ocean na nawalan ng compass.

At night, lagi akong umiiyak at hirap akong matulog.

Nakahiga lang ako sa kama at nag-iisip ng mga bagay na hindi ko naman dapat pagtuunan ng pansin pero hindi ko mapigil ang isip ko.

Wala na si Mama at hindi din ako pumapasok dahil sa naghihintay ako sa resulta ng investigation ng HR tungkol sa relasyon naming dalawa.

Pakiramdam ko, gumuho ang stability na pinanghahawakan ko.

Dati, work was my salvation dahil bukod sa gusto ko ang ginagawa ko, nandoon si Shirley.

She inspired me to go on living.

Bakit hindi ko makumbinsi ang sarili ko ngayon to feel the same way lalo na at magkasama na kaming dalawa?

I've been ignoring her messages and made her worry.

What kind of person does that?

Alam ko na concerned siya sa akin pero I'm being a complete asshole sa response ko sa kanya.

I'm cold and she doesn't deserve that kind of treatment.

Pinaalala niya sa akin hindi lang isang beses na hindi ako nag-iisa.

Na kasama ko siya at ang kailangan ko lang gawin ay ang magsabi.

Pero imbes na magsalita, bumuo ako ng pader at doon ako nagtago.

Isang bagay na lagi kong ginagawa para protektahan ang sarili ko.

Sa nangyayari ngayon, tama pa ba ang ginagawa ko?

What am I protecting myself from?

From the inevitable truth na mawawala din ang taong mahal ko?

Pero wala siyang kasalanan sa nangyari kay Mama.

Ang ginagawa ko sa kanya is totally unfair.

***

Pinaandar ko ang sasakyan at dahil walang malinaw na direksiyon kung saan ako pupunta, naisipan kong umuwi na lang.

Ayokong mag-aksaya ng panahon at gasolina.

Isa pa, hindi ligtas kong magmamaneho ako na magulo ang pag-iisip.

Pagdating ko sa bahay, pinarada ko ang sasakyan sa tabing kalsada.

Sinalubong ako ni Jackie at hinimas ko ito sa ulo.

Ilang linggo ko na ding hindi nabibigyan ng pansin ang alaga ko pero hindi naman ito nagrereklamo.

Lalo pa nga itong naglalambing na parang alam niya na kailangan ko ng kasama.

Naabutan ko si Renee at si Robbie sa sala.

Naglalaro ang mag-ina ng peek-a-boo at kandong ni Renee ang anak niya.

Nang makita ako ni Renee, kumunot ang noo nito.

Umupo ako sa tabi niya.

"Nagkita kayo ni Shirley?" tanong niya.

Shirley (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon