I went straight to the mansion, tumawag ako sa office na hindi na ako makakapasok. Isang buwan din halos akong pabalik balik sa mansion dahil kay Ama, isang buwan din akong halos ginagabi ng uwi sa condo ko pag hindi ako nakakatulog kina Ama. Isang buwan ding hindi ako natulog sa condo namin ni Jade. Hindi ko kaya ang tahimik at malaking lugar, kaya hindi muna ako umuuwi doon. Pagpasok ko ng mansion ay sinalubong agad ako ni Ama.
"Apo, ang aga mo naman...pero nahuli ka pa rin kasi nakaalis na si Jade." salubong niyang sabi habang nagmano at humalik ako sa kanya.
"Kanina pa po umalis, Ama?" tanong ko.
"Oo, Apo pagkakain ng almusal umalis na siya."
"Saan daw po pupunta?" tanong ko muli kay Ama kahit alanganin ako kung alam niya.
"May meeting sila ngayon, Anak. Yon din dahilan kaya napauwi kami. Kailangan daw siya sa meeting, sa main office sa Makati." rinig kong boses sa may hagdan. Si Mama Amanda.
"Hello, Ma. kamusta po ang biyahe niyo?" sabay akap at halik kay Mama.
"Good though medyo may jetlag pa." then she gently held my face. " Are you alright, Althea? Hindi ka ba nagkakakain at natutulog ng maayos?" alalang tanong ni Mama Amanda.
"Oh! anong sabi ko sayo...Naku Apo panay ang tanggi mo pa na hindi ka naman pumayat at nangangalumata. Sige isusumbong talaga kita kay Jade dahil sa pagpapabaya mo sa sarili mo." sabi ni Ama.
"Ama, ayos lang po talaga ako." sabay balik ko kay Mama. "Masyado lang pong dibdiban sa trabaho Ma, but I'm fine... I'm good." sabay yakap ko muli sa kanya.
"Hindi ka ba tinawagan ni Jade, bakit nalaman mong nakauwi na kami?"
"Ah may nakapagsabi po sa akin na taga airport." Yon lang naisagot. ko. May tanong pa sa mukha ni Mama pero nagpaalam na ako.
- - -
We're having our meeting dahil may announcement daw si Angkong and he wants me to be present sa board and stockholders' meeting.
Maaga akong pumasok dahil kailangan ko pang icheck mga ibang kailangan at pati na rin mga schedules ko pagbisita sa mga malls. Naku naman, naayos na sa New York dito naman.
On going ang meeting ng biglang pumasok si Lauren at lumapit sa akin at may binulong. Nagulat ako at bumulong pabalik kay Lauren pero hindi siya natinag at may binulong muli. Abot hanggang tenga ng ngiti ko pagkatapos.
"Excuse me, Dada I need to go out saglit." bulong ko kay Dada who is sitting next to me. He nodded and I stood to excuse myself.
"Where are you going, Jade?" sita sa akin ni Angkong.
"I just had an important visitor to attend to."
"More important than this meeting?"
"Yes, Sir. Definitely." sagot ko na nakatitig lang sa kanya pero nakangiti. And I'm waiting for him to ask me again, ask me who?challenged ko aa kanya sa isip ko pero mukhnag nabasa niya sa ngiti sa labi ko ang sagot kaya hindi na umimik. Then i proceeded to the door.
- - -
"Are you sure?" paninigurado kong tanong kay Lauren habang naglalakad kami pabalik ng office.
"Yes, Ms. Jade, sabi ng guard sa baba she came here to see her wife then she's asking for your office." paliwanag ni Lauren. Kahit minsan hindi pa nakapunta dito si Althea. I silently smiled at the thought her wife's office.
BINABASA MO ANG
Always, My Jade
FanfictionPardon for the wrong grammars, spelling, and all. First time and not a professional writer here. Completed: October 5, 2016 Credit to the owner of the pic.