The Waiting (67)

6.2K 244 3
                                    

8 months ng buntis si Jade and maayos naman ang pagbubuntis niya dahil na rin sa pagaalaga ni Tita Karen kahit minsan ay nagaalala ako pag nagpapacheck si Jade. I'm really thankful dahil laging nasa tabi namin si Tita Karen. Hindi na madalas sa trabaho si Jade kaya nirequest ni Mama Amanda na kung pwede ay sa Alabang na muna kami tumira hanggang sa makapanganak siya na sinangayunan ko naman para na rin hindi ko ako magaalala kapag wala ako sa tabi ni Jade. Andon pa rin ang mood swings niya at mas lalong tumitindi pero inuunawa ko na lang dahil mahal ko siya, mahal na mahal. Mag to-two months na rin kami dito sa Alabang at nakikita ni Mama Amanda kung paano sumpungin ang prinsesa nila. Minsan sa kwarto ako ni Ama matutulog pag nagtampo si Jade, si Ama naman ang tatabi kay Jade. Magugulat na lang ako minsan si Jade ang katabi ko kasi lumipat siya sa kwarto ni Ama kung nasaan ako. Kailangan kong habaan ang pangunawa dahil alam ko nahihirapan din si Jade, hindi madali ang pagbubuntis niya. May ilang beses din namin siyang dinala s hospital dahil sa biglaang pagsakit ng tiyan niya.

- - -

"Lovelove, can I use your car tomorrow?" lambing na tanong ni Jade habang nasa kwarto kami. Mama Amanda converted the other guest room para sa amin ni Jade, they don't want us to stay in Jade's room at the attic, mahirap na daw mataas kaya andito kami sa first floor ng mansion nila malapit sa room ni Ama kaya tuwang tuwa si Ama dahil nakakasama na ulit namin siya.

"Bakit Love, may sira ba ang kotse mo?" tanong ko habang nakayakap sa kanya at haplos haplos ang baby bump niya. Since malaki na ang tiyan ni Jade nakabackhug ako sa kanya kaht sa pagtulog habang pareho naming hawak hawak ang tiyan niya. Sometimes nasa tiyan niya ako at kinakantahan ko silang dalawa o kaya nagbabasa ng story bago matulog. Nakakatuwa naman at nakaka excite dahil nagrereact ang baby junior ko sa tiyan niya habang kumakanta ako o pag nag storytelling ako dahil nararamdaman namin na  sumisipa siya. And I don't missed a single moment of letting Jade know how much I love her. In a gentle way, I always let her feel that nothing's changed, this is to take away all the insecurities she has dala na rin ng pagbubuntis niya.

"Gusto ko lang maramdaman na lagi kita kasama kahit sa biyahe ko or kung may pupuntahan ako kung wala ka sa tabi ko." paglalambing niya.

"I'll take a leave then, hanggang sa makapanganak ka para kasama mo ako lagi." balik bulong ko sa kanya habang nilalambing ko siya and I felt her deep breath.

"No huwag na, Lovelove you've already given much of your time to me. Basta gusto ko lang sumakay sa car mo and besides hindi naman ako nagdadrive di ba?" sagot niya habang hawak hawak na niya ang kamay kong humahaplos sa baby bump niya. Nakisuyo ako kay Mang Gani na magdrive muna kay Jade pag hindi ako kasama at pag lalabas siya, pati si Yaya Sening ay napakiusapan kong samahan si Jade saan man pumunta kahit kasama pa si Ama o Mama Amanda. Hindi ko alam pero masyado akong protective ngayon sa mag ina ko lalo na pag lumalakad mag isa si Jade. "Ok, we'll be exchanging cars then, kasing amoy ko na ba ang kotse ko at pati yon gusto mo ng kasama?" birong tanong ko.

"Sort of." matamis na ngiti niyang sagot.

- - -

"Hello?"

"Anak, Nasaan ka? Si Jade sinugod sa ospital biglang sumakit ang tiyan eh. Andon na si Karen, kanina ka pa namin tinatawagan hindi ka namin macontact eh." Bungad ni Mama Amanda hindi agad ako nakapaglsalita.

"Manganganak na po si Jade!?" Tanong ko dahil hindi pa niya kabuwanan.

"Don't know Anak, magkita na lang tayo sa ospital." sambit lang ni Mama at matapos sabihin kung saang hospital ay nagpaalam na siya. Nagmamadali akong umalis sa site at tinawagan ko agad si Batchi. Halos hindi ko na alam kung gaano kabilis kong pina takbo ang kotse ni Jade (dahil gamit niya ang kotse ko). Humahangos akong dumating sa hospital at nakita ko agad si Mama Amanda, kasama si Paul at Pearl.

Always, My JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon