Jade
"What the?!!!" I burst out and irritated. Tama bang tinawagan ko I asked myself, it's only quarter past 10 in the evening. Yes medyo late na pero makulit kasi si Ama dapat bukas may balita na ako tungkol sa Althea na to, na antukin pa rin para sa akin. Lasing ba siya?pinagkamalan pa niya akong ano???!!!
I'm Jade, hindi Jane!!Matawagan nga ulit, sabi ni Ama mabait daw, baka hindi naman si Althea yon..Hay! Hindi ako matatahimik, matawagan nga ulit..,dialing, after mga 6 rings may sumagot
"H-hello?" Alanganing sagot sa kabilang linya, mukhang ibang boses pero nagtanong pa rin ako "Is this Althea?"
tahimik muna ng ilang saglit bago sumagot "Ahm sorry miss pero tulog na kasi si Althea, kaibigan niya ito?" Medyo kumalma naman ako pero sinagot ko pa rin. "Pakisabi sa kaibigan mong mukhang lasing na lasing at pinagkamalan pa talaga niya akong ka one-night stand niya ha, na nasa akin ang panyo niyang pinahiram niya sa Lola ko, at pinapasuli niya. Ngayon, tutal, panyo lang naman ito at balewala lang sa kanya. If she wants to take this thing back, she can call me. If not which for sure she won't and I hope she really won't call back, itatapon ko na lang."hindi ko na siya hinintay na magsalita at ibinaba ko na ang phone.
Grrrr, lintik lang walang ganti, sana nga wag ka ng tumawag.
- - -
AltheaI woke up late with the smell of black coffee and pancake. Si Batchi andito sa condo, yes, if I'm so wasted dito na ako sa condo umuuwi, mas malapit sa office kahit na late magising. "Una, may meeting ka ng 1pm pero pinakisuyo ko na kay Mr. Alvaro kasama ng secretary mo kaya solve ka na don.
Pangalawa, maligo ka na at pa linis mo tong condo mo na bukod sa mukhang kweba na amoy suka mo pa.Ang pangatlo at sa tingin ko pinaka mahalaga, yong ginawa mo kagabing kahihiyan, ayusin mo kung hindi lagot ka kay Lola."bungad ni Batchi pag abot ng kape sa akin.
"Kagabi?anong ginawa ko?kanino?"takang tanong ko.
"Tsong, tumawag Apo ni Lola, yong nameet mo sa airport kamakailan lang, remember hinatid pa natin sa bahay nila?" Tumango ako
" o ngayon?" Sunod kong tanong. She looked at me with poker face and said "oh ngayon anong gagawin mo?binastos mo kaya?"
And with that naalala ko na..."oh shoot, pinagkamalan ko siyang??"
Batchi nodded with big eyes rolling.
"sinigawan ko pa!"
Batchi made another nod this time with a thumbs up, and sarcastic look.
"Apo ni Lola?!"
And Batchi nods again with the right thumb slashing her throat.
"Lagot ka kay Lola pag nagsumbong yon"
I stopped and look at Batchi unconvinced.
"Pano mo nalaman na apo nga siya ni Lola!? She rolled her eyes and said "she called again last night at medyo ay hindi medyo, galit talaga kaso kumalma ng nalaman na hindi na ikaw ang kausap niya. kung gusto mo daw makuha ang panyo mo tawagan mo siya pero kung ayaw mo tutal panyo lang naman yon kaya expected na niya na dka na daw tatawag pa" litanya ni Batchi.
"Hindi lang basta panyo yon Batch." I said with a soft but rather lonely voice.
"Ilang araw ko na ring hinihintay tawag ni Lola para mabawi ko yong panyo" I didn't realize na parang may namumuo ng luha sa mata ko.
"Galing yon sa isang isang matandang babae na nakasakayan ko sa jeep, sabi niya habang inaabot niya sa akin na takpan ko daw ilong ko pag na papadaan sa mausok na lugar para d ako ubuhin o kaya gawing pampunas pagka tapos ko maghugas o kung may dumi ako sa mukha o kung may pawis o dumi ang mata o kamay ko," dko napapansin garalgal na ang boses ko
"Pero and dko na naitanong bakit niya nasabi na wag ko gagamitin pampunas ng luha ko ang panyo. Hindi na ako nagkaron ng chance na itanong dahil hindi na ulit kami nagkita. Lumipat na kami ng tirahan kaya nahinto na rin ako school na pinapasukan ko."
Tuluyan na akong napaiyak ng maalala ko yon, "sabi niya pa itago ko lang daw yon at isipin ko na may nagmamalasakit sa akin at hindi ako nag iisa hindi ko na siya masyadong maalala batch, yong mukha niya basta ang alam ko mukha siyang maamo" I said trying to control my tears.
"Bakit ganito ako lagi pag naiisip ko yon. Siguro dahil naalala ko sa kanya ang nanay ko, napaka swerte ng kasma niyang bata dahil kahit kasama niya pa ang yaya niya at hindi man ang nanay niya andon naman ang Lola niya. Saglit lang yon Batch at more than 15 years ng nakalipas. Pero pag hawak ko yong panyo ramdam ko pagmamalasakit niya sa akin hanggang ngayon."
Lumapit si Batchi at niyakap ako "kaya nga lagi ka sa Home for the aged diba nagbabakasakali at higit sa lahat napamahal ka na sa grannies natin doon" dagdag niya na may kasamang ngiti. Tango lang ako "ewan ko batch naalala ko kasi si Lola at masya akong nakakasama ko sila" I said trying to be cool again to change the mood.
"Go na tawagan mo na yong Apo at ng mabawi mo ng panyo mo" pagkumbinsi ni Batchi and to lighten up the moment too,
At Kahit abot abot ang hiya ko I decided to call Jane, Jane nga ba? That's what I heard she said last night. Bahala na. Then I stopped in the middle of dialing the number.
Si Lola na lang kaya twagan ko sa bahay nila?. Sira, balik ko sa sarili ko, magtataka yon baka lalo pang maraming itanong. Hay naku, sabi ng wag sasagot sa tawag pag wasted eh, tsk tsk sermon ko sa sarili, well bukod kay Batchi siyempre, kailangan ko sagutin dahil nagwawala siya pag dko sinagot.
"Hoy Tsong! Ano na?!twagan mo na" pag gising ni Batchi sa diwa ko. "Oo na, oo na eto na po" sagot ko.
"Mamya na lang kain muna tayo."palusot ko pero nagiipon muna ako ng lakas ng loob bago tumawag, Mamya na lang pag alos ni Batchi para iwas asar ako dahil sigurado kntiyaw lang aabutin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Always, My Jade
FanfictionPardon for the wrong grammars, spelling, and all. First time and not a professional writer here. Completed: October 5, 2016 Credit to the owner of the pic.