“I never had so much fun eating, ngayon lang.thanks Devon, I really hope we could do this more often.” naalala nya ang mga katagang iyon na binitawan ni James nung nagdinner silang dalawa, at katulad nya ay nag-enjoy din sya sa dinner na iyon. Simula noon ay lalong dumalas ang paglabas nila, ngunit kahit kailan ay wala itong nabanggit sa nararamdaman nito sa kanya, kung kaya naman hindi rin sya umasa, pero ngayon, pakiramdam nya ay napagtaksilan sya. Pano kang pagtataksilan eh, hindi naman kayo,sita ng isip nya. Pero hindi nya inaasahang sa loob ng isang buwang bakasyon ay magkakaroon na agad ito ng girlfriend, and the worse thing is, wala syang kaalam-alam tungkol doon.
“Devs! Okay ka lang?” tanong sa kanya ni Kyra ng makalabas na si James at ang kasama nitong babae, laking pasalamat nalamang niya at hindi na ito doon kumain at nagtake out nalamang ang mga ito ng coffee, kung hindi ay baka hindi nya na kayanin ang sakit nanararamdaman nya. “Hay nako! Para ka ding ewan magtanong eh noh? Malamang hindi sya okay!” sagot naman ni Chikara. Naguguluhang napatingin sya kay Yen at Fretzie, hindi naman kase nya sinasabi kila kyra at chikara ang damdamin kay James kaya naguguluhan sya sa mga reaksyon ng mga ito, mahinang umiling si yen at fretzie na tila sinasabing wlang silang sinasabi sa dalawang ito. “ano ba kayo, okay lang ako, bakit naman hindi ako magiging okay.” patuloy pa rin ang pagtanggi nya. “bruha ka talaga devs, nagawa mo pang tumanggi eh mangiyakngiyak ka nga dyan eh, tska matagal ka na namin buko ni Kyra noh?!?, obvious na obvious naman na love mo si James eh, kaya there’s no sense in denying it my friend.” sabi naman sa kanya ni chikara, Naluha nanaman sya, akala kasi nya ay napagtagumpayan nyang itago sa mga ito ang tunay nyang nararamdaman ngunit basang basa pala ng mga ito ang nararamdaman nya para kay James. siguro nga ganoon sya kaobvious, pero masisisi nya ba ang sarili kung ganoon talaga kalakas ang epekto ni james sa kanya.
“H-Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito, eh from the start naman alam ko naman na hindi talaga pwede maging kami ni James, sa umpisa pa lang hindi na ako umasa na magkakaroon ng chance na mapansin nya ako. Pero bakit ganoon ang sakit pa din?” pag-oopen -up nya sa mga ito, tama si Chikara there’s no sense in denying what she really feels, after all matalik na kaibigan na ang turing nya sa mga ito. “Talaga? Never kang umasa? Pwede ba yun? I don’t believe yun, siguro naman umasa ka kahit papaano, kase inlove diba laging ganoon, you always hope for the best.” sabi naman sa kanya ni Kyra. “totoo.. hindi na talaga ako umasa, alam ko naman kase ang kaibahan namin ni James, pinangarap ko ba na maging kami ni James? Oo.. syempre sinong hindi diba, Isa yun sa mga hopes and dreams ko pero umaasa ba akong matutupad yung dream ko na yun? Hindi, at matagal ko ng tanggap na si James ay mananatiling pangarap lang. Kaya hindi ko alam kung bakit ganito pa din kasakit.” malungkot nyang sabi, “Devon hindi masamang masaktan lalo na at mahal mo talag si James, hindi mo naman maalis sa sarili yun eh, you know what is the best thing to do? Love him hanggang sa makakaya mo, even if it hurts, ituloy mo lang, dalawang bagay lang ang kauuwian non, either, you will love him hanggang sa hindi kana masasaktan at wala ng matitira sayo kundi love na lang or masasaktan ka ng masasaktan hanggang sa makalimutan mo ng mahal mo pala sya.” pagpapayo sa kanya ni Yen, tama ito, wla naman talaga syang magagawa dahil matagal na nyang sinubukang kalimutan ito ngunit tila wala pa ring nangyari. “huh?!?! bakeeet?? girl ang martyr mo naman pag ganon, you are too beautiful para maghintay sa wala at magmahal ng taong hindi ka maapreciate, anjan naman si Sam,He’s sooo into you, I also have this hot cousin from US, and you are definitely his types,.” dagdag pa ni Kyra, alam nyang mahihirapan syang palitan si James sa kanyag isipan. “pasensya na huh? Pero hindi ko pa alam ang magiging desisyon ko.” “devon, hindi ka namin minamadali. Take yo our time.” pag aasure sa kanya ni yen. “hay naku ni! Mahaba pa ang panahon think and take as much time as you want, basta pagnahihirapan ka andito lang kame owkay??” sabi naman ni chikara ikangulat nya ang pagiging seryoso nito “Haaay.. Bhez, ang saklap naman nyang kalagayan mo.hindi ko na alam ang sasabihin ko” sabi sa kanya ni fretzie, bigla ay niyakap sya nito, fretzie may not be good in words katulad ni Yen, or kasing funny ni chikara or kasing outspoken ni kyra pero she sure knows how to make her feel better, at nagsunuran na ang ibang kaibigan nya sa pagyakap sa kanya nauwi tuloy iyon sa isang group hug, habang magkakayakap sila ay tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina pa nya pinipigil, mabuti na lang at may mga kaibigan sya tulad ng mga ito. Malas man sya sa una nyang pag-ibig, atleast may mga kaibigan naman sya na katulad ng mga ito, na laging syang handang damayan at gabayan.
Napagpasyahan nilang magkakaibigan na hindi na muna pumasok sa kanikanilang mga klase, kaya nagmall at nagshopping nalamang sila buong araw. Sabi kasi ng mga ito ay natatamad pa sila pumasok sa school, pero alam nyang nais lang ng mga ito na hindi muna nya makita si James o ang girlfriend nito. Kaya lihim na ipinagpasalamat nya ang ginawa ng mga kaibigan nya. Bumalik na lamang sila sa school ng ala singko na ng hapon para sa praktis ng sinag diwa,. Hiniling nyang hindi muna makita si James ng araw na iyon at mukhang tinupad naman ng diyos ang dasal nya dahil narinig nyang sabi ni bret na hindi daw aattend si James sa Praktis at hinabilan na lang dito ang mga directions sa music scoring dahil daw may party pa naattendan ito mamayang gabi.
Papraktisin na nila ang finale scene ng west Side Story, ito ang scene kung saan mamatay ang kanyang kasitahang si Tony at kakantahin nya ang ilang linya ng kantang somewhere, ito ang pinaka madamdaming act sa musical n iyon. “Hey gorgeous! Are you ready?” pilit syang ngumiti dito, ayaw nyang mahalata nito ang kanyang pinagdadaanan. “Okay na ba kayo??Act 4 scene 5 and.. action!
Humiga si Sam at umarteng tila naghihingalo, at hinawakan naman nya ito at ihiniga sa kanyang kandungan,
sam: l didn't believe hard enough. (naghihingalong sabi ni sam)
Devon: Loving is enough. (pagpapalakas ng loob nya dito, at naisip nya ang kalagayan nya, is loving really “JUST” enough?)
Sam: Not here.They won't let us be.
Devon: Then we'll get away.
Yeah, we can.
Sam : Yes.
Devon: We will.
Sam: Yes. (sa pagkakataong ito ay mahinangmahina na ang karakter ni sam kay umakting itong tila mamatay na.)
Devon:(singing) Hold my hand
and we're halfway there
Hold my hand
and l'll take you there
Somehow
Someday
Some--( habang umiiyak ay kinkanta nya ang linyang ito, at natigilan sya ng kunwa ay bawian na ng buhay si Sam.)
Habang kinakanta nya ang kanta ay hinahawakan nya ng mahigpit ang kamay nito, naalala nya ang pangarap nya dati na si James ang makasama sa Play na ito, ngunit hindi iyon nagkatotoo at mukhang impossible na din ang maging magkaibigan pa sila, dahil alam nya, hindi nya kaya, hindi nya kayang manatiling kaibigan lang nya. Narinig nyang sumigaw ng “cut” ang kanilang stage director at nagpalakpakan ang lahat. Binati at pinuri sya ng mga ito, makatotohanan daw ang acting nya.Mukhang tamang tama ang sakit na nararamdaman nya ng mga oras na iyon, dahil mukha talaga syang namatayan. Dahil yun talaga ang mga nararamdaman nya ng mga panahong iyon, dahil ramdam nyang namatay ang kanyang puso.
Samvon pic ===============>>
================ kamusta naman ang chapter na to?? emo much lang si devs.. ahehehe.. at dahil naeexcite na ako for anghelito ay binigyan ko ng moment ang samvon dito pero wait jau for ch 13 dahil bongga ang moment nila dun.. ahehehe.. =)
XOXO
BINABASA MO ANG
Mismatch (Completed + epilogue)
FanfictionAn ordinary rural girl with an impossible dream and a boy who has the world at his hands, a mismatch or a match made in heaven? Is it possible for two different people with different lives, to be together? Or are these things only happen in fairytal...