“ Kaya mo yan Devon. Ano ka ba? Wag ka nga kabahan! Nothing wrong will happen..just try to blend in.. ” paulit ulit na sabi ni Devon sa sarili upang lumakas ang kanyang loob, 1st day nya yon sa college at sobrang kinkabahan sya. halos 15 minuto na sya sa may tapat ng entrance ng kanyang kanyang bagong eskwelahan ngunit di pa rin nya kayang pumasok. Pano ay wla syang kilala at kadarating lang din nya nung linggong yon sa maynila. Tubong Zamboanga sya at andun ang pamilya nya. Dangan lamang at nkatanggap sya ng scolarship sa Northbridge University at hindi nya matanggihan ang magandang oppurtunidad na yon. Kahit pa Hindi nya gusto ang buhay sa maynila masyadong magulo at maingay.
“what the heck!” naputol ang pagiisip nyang yon ng marinig ang komosyon malapit sa kanyang kinaroroonan tanaw na tanaw nya mula sa kinatatayuan ang isang magandang babae na may pagka tsinita at ubod ng puti, para itong dyosa ang ganda ganda din nitong panamit, napatingin sya sa sarili, hindi naman sya panget, katunayan marami nagsasabing maganda sya, pero ang simple simple nya, naka maong lang sya at violet na tshirt at rubbershoes hindi katulad ng babaeng ito parang artista sa ganda. nakasakay ang magandang babae sa isang pulang sports car at sinisigawan ang isang babaeng may suot ng makapal na salamin. Bigla tuloy syang natakot, ganoon ba ang mga tao dito, napaka mapride onting mali lang ay ganoon na kung magalit ito?.
Napansin nyang nais pang bumaba nito ng sasakyan ng harangan ito ng isang matangkad at gwapong lalaki, nakasuot ito ng gray na tshirt at itim na jacket, straight cut gray maong pants at putting leather shoes, ang linis linis at ang alialiwalas nitong tignan,pansin din nyang kahit nasa malayo ito na may lahi itong banyaga, titigan pa sana nya ito ng mabuti ng mapansin nyang nagsimula na itong maglakad papalayo.
Sana makita ko ulit sya! Tsk, ano ba naman yan first day pa lang nagkaroon ka na agad ng crush!? Sita nya sa sarili. At upang tuluyan nyang makalimutan ang mukha nito ay pumasok na sya st at lakas loob na syang naglakad papasok ng kanyang bagong eskwelahan.... This is it Devon! This is it! Just think positive!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Hallo! Bebe james!” dinig ni James na tawag sa kanya ng pamilyar na tinig. Oh no!! Ann again! Sobrang disappointed sya, unang araw ng kanyang ikatlong taon sa college at si Ann agad ang sasalubong sa kanya. Si Ann ang isa sa pinakasikat at pinakamagandang babae sa Northbridge University, at lantaran ang pagpapakita nito ng interes sa kanya ayon dito they would make a perfect couple kaya sila lang dapat ang magkatuluyan. Perfect couple?? nah!! I don't think sooo..
Paglingon nya ay nakasakay si Ann sa sasakyan nito at madahang bumubumtot sa kanya, “oh! Ann Hey! How areYou?” tanong nya dito kahit naman kase ayaw nya sa pagiging liberated at showy nito eh hindi pa rin nya kayang mambastos ng babae, He is a gentleman afterall,
“well, i'm fine, how bout you my bebe?” tanong nito, akmang tatayo ito sa pagkkakaupo nito sa driver's seat upang halikan sya, kaya nman humakbang sya papalikod upang maiwasan ang advances nito, halata nyang nayamot ito. Magsasalita pa sana ito ng biglang may babaeng nabunggo sya, inis na sinigawan at inaway ito ni Ann, na lalo lang nyang kina turn-off, napaka brat kase nito at sobra ding demanding. Baba pa sana ito ng pinigilan na nya ito at sinabihan ang babaeng nkabangga sa kanya na umalis na.
“James! What are you doing? I'm only protecting you!” galit na sabi nito, “protecting me? From whom? From that girl? He didn't even mean it! for goodness sake ann!” pikon na pikon na talaga sya dito. “b-but” nais pa sana nitong mangatwiran, “please Ann, leave me alone,” pakiusap nya dito. “Oh! Okay I'll leave you now, I'm gonna be late for my classes anyways,” saad nito, pero mali ata ito ng intindi sa sinabi nya. “ No, Ann, what I mean is Leave me alone, for good, stop acting as if we are together,coz we're totally not, I have told you before that i'm not into you.” sabi nya dito ayaw sana nyang diretsuhin ito at ayaw nya itong mapahiya pero talagang pinipilit sya nito, “NO James! I will never leave you alone, not until you will find a girl that's better than me, can't you see we could be a perfect couple? if you will only give me a chance.” Oh crap! Will this girl be able to loose her determination?? pffft.. “whatever Ann, but i'm telling you, I can never really like you” at nagsimula na syang maglakad papunta sa kanyang unang klase.
-----------------------------------------------------------
Lunch time, marami na din naging kakilala si devon, marami naman din pala ang mababait sa university na to hindi katulad ng una nyang akala, Pero ang naksundo nyang maigi ay si Fretzie, ito ang babaeng nakita nyang inaaway ng mgandang babae kanina, mabait si fretzie, matalino at maganda, natatakpan nga lang ng makapal na salamin nito ang mapupungay nitong mata kung kaya nman hindi napapansin ang taglay nitong ganda. Marami din silang pagkakaparehas, bagama't may kaya sa buhay ay npakasimple lamang nito at napakamapagkumbaba. Parehas din silang kukmukuha ng kursong Accountancy kaya nmn lagi na silang mgkakasama.
Habang kumakain sila ay napansin nyang papalapit sa table nila ang lalaking pinagmamasdan nya kanina, nakatingin ito sa gawi nya,at mukhang papalapit ito sa kanila, hindi lang mukhang papalapit sa kanila, tlagang sa mesa nila ito pupunta!! shocks! Magpapakilala ba sya sa akin? Hihingin ba nya number ko?? Bumilis ng bigla ang tibok ng puso nya....
============================
what do u think will happen next guys?? comment ur reaction regarding the first chapter and guess what will happen next..
BINABASA MO ANG
Mismatch (Completed + epilogue)
FanfictionAn ordinary rural girl with an impossible dream and a boy who has the world at his hands, a mismatch or a match made in heaven? Is it possible for two different people with different lives, to be together? Or are these things only happen in fairytal...