December 20, 20xx"Woooww!! Ang ganda naman!"
Yan agad ang sabi ng mga classmate namin pagpasok na pagpasok nila ng room. Bakit?
May mga snow flakes (na gawa sa styro malamang ) na nakasabit sa kisame ng room,may gift boxes na nasa bawat sulok ng classroom na parang ,may malaking christmas tree rin sa pinakagitna ng classroom na may iba't ibang design. Marami pang design pero hindi ko na iisa isahin pa dahil tinatamad ako😂😂
"Sinong nagdesign nito?"-tanong ng Class President namin na si Angelica
"Kami!"-sabi ni Lejan habang nakataas pa yung kamay
Tinignan lang sya ni Angelica na para bang hindi naniniwala.
Oo nga pala,kung nagtataka kayo kung may ano ba ngayon at may padesigna design pa kaming nalalaman ...
Christmas Party namin ngayon! WE LIKE TO PARTEEHH ~
"Charrie! Anong panregalo mo?"-tanong sakin ni Xylee habang may hawak hawak na box
"Hulaan mo~"-sabi ko sa kanya saka ko pinakita yung panregalo ko na syempre,balot na balot ng gift wrapper na may mukha ni Santa
"Nako baka naman picture frame lang yan!"-patawa tawang sabi ni Lejan
"Nako! Porket mamahalin yang panregalo mo eh gumaganyan ka na!"-sabi naman ni Joy kay Lejan sabay hampas pa sa balikat nya,sa aming apat kase si Lejan ang masasabi mo talagang 'ritskid'.
"Mamahalin ka jan? Panyong tig-bebente lang yan!"-sabi niya sabay hagis ng panregalo nya kay Joy
"Soo..." -mahabang sabi ni Xylee habang umuupo sa tabi ko "Anong panregalo mo?"
"Shirt lang brad."-sabi ko saka ko inabot sa kanya yung panregalo ko pinisil pisil nya naman yon pagkaabot ko agad sa kanya. In fairness naman sa panregalo ko,sa Bench ko pa yan binili!
"Patingin nga ng panregalo mo!"-sabi ko sabay agaw sa panregalo nya,mehehe ganun talaga pagkapaalam kuha agad😂😂
"Ano ba to?"-sabi ko saka ko pilit na sinisilip sa maliit na butas yung nasa loob ng wrapper. Actually paper bag pala,nakastapler lang .
"Teddy bear yan na Baymax."
"Beh baka stuff toy kamo?"-singit ni Joy,binigyan lang sya ni Xylee ng eyesmile habang napapakamot sa ulo nya. Kinukuto ata😂😂
----------------------------------
"Ang nabunot ko ay------------ SI XYLEE~"
"Thank you!"-sabi ni Xylee saka kinuha yung regalo nya galing sa classmate naming si Jhona
"Uy ano yan?"-sabay sabay naming sabi nila Joy at Lejan saka kami pumaligid kay Xylee
"Teka hindi pa bukas. Taeng tae ba guys? Nakadungaw na ba sya?"-sabi ni Xylee na agad nabatukan ni Joy
"Salahula mo Xy!"-tinawanan lang sya ni Xylee habang maingat na binubuksan yung regalo sa kamya ni Jhona
Para namang kumikislap yung mga mata naming apat ng makita namin yung regalo sa kanya,K-pop mask at BTS poster LANG naman yung nakuha nya.
Xylee ,how to be you? CHAROT😂 kontento na ko sa byutipur faceu ko no~
"Ayah nakakainggit! Naexcite tuloy ako sa regalo sakin!"-sabi ni Lejan
"Eto para kay Charrie."
Bigla namang nanlaki yung tenga ko na parang tenga ni Chanyeol ng mabanggit yung pangalan ko, Charrie daw e?

BINABASA MO ANG
So That I love You
FanfictionWhat will happen if you ever get a chance to meet your idol in person? Will you be close to him? Will you fall for him even more but not as a fan? Will he fall for you too? If ever.... will you be happy? Just find out