Chapter 15

21 1 2
                                    


Xylee

Pagdating namin sa café galing sa school ay agad na din kaming nagpalit uniform. White longsleeves na polo na nakatuck-in sa pencil cut na itim na palda. May apron din na brown na nakatali sa bewang namin. Hindi naman sobrang fit at sobrang iksi yung palda kaya komportable naman akong nakakagalaw.

Paglabas ng locker room ay agad kong kinuha yung basahan sa janitor room. Napansin ko kasi kanina na medyo madumi na yung mga salamin nitong café (as in glass wall oo).


"Hoy Xylee baka malipat na yang mukha mo sa salamin! Haha!"

Napanguso agad ako sa banat ni Lejan. Mabilis ko syang binigyan ng isang malutong na 'hayp ka'. Palibahasa konti lang ang customer kaya malakas ang loob na mag ingay e! Oo nga no?? Parang last week biglang dagsa yung mga tao dito tapos ngayon wala na ulit. Bakit kaya?

Humarap ulit ako sa salamin pero napatigil ako agad ng mapansing may tao sa harap ko. At hindi lang sya simpleng nakatayo, halos nakadikit na yung mukha niya sa salamin at tinititigan ako!


Omg.

Killer ba to? Dejk.

Nakasuot sila ng itim na tshirt at pants pati itim na rubber shoes. Baka luluksa? Blonde ang buhok niya at again, may suot siyang itim na facemask kaya naman mata lang niya ang nakita ko. Nagulat ako biglang magbago yung mata niya. Di kon nakikita yung mga labi niya pero alam kong nakangiti siya. Ewan ko din kung bakit pero napangiti nalang din ako sa harap niya habang hawak hawak yung pink na basahan.

Nagsimula siyang lumayo sa salamin, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa magsimula syang maglakad papasok dito sa café. Kaswal syang naglakad habang nakapamulsa papunta sa counter kung saan nandoon si Chaba na nakanganga. Bat ganon yun?

Nakatingin parin ako sa lalaking blonde habang nakatingala sya sa menu at pumipili ng order. Bakit ang gwapo niya sa anggulong yon?! Napatalikod ako agad ng bigla syang sumulyap sakin. Teka natatae ata ako! Tae bat ang bilis ng tibok ng puso ko?

Marahas akong umiling iling saka nagsimula na ulit magpunas ng salamin. Tae lang to. Kinakabahan lang ako baka lumabas. Jusqpo.

"Xylee!!"

"Oh?"

Mabilis akong humarap sa gawi ni Joy nang marinig ko ang tawag niya pero imbis na sya yung makita ko ay yung mukha nanaman nung lalaki kanina. Bat biglang uminit? >///////<

"I..uh..w-what can I do for you Sir?" nauutal kong sabi. Sobrang lapit ng mukha niya mula sa mukha ko na mukhang ineexamine ako na para bang isa akong rare specie ng kuting.

"Excuse me Sir, anything we can do for you?" humawak si Joy sa balikat ko at humarap din sa blonde na lalaki.  Agad naman siyang umiling iling saka dirediretsong naupo sa table na nasa likuran lang namin.

"Weird naman nun"

"O-oo nga!"

"Eh bat namumula ka?" mapang-asar niyang sabi saka ngumisi. "Haha! Tara na nga may magpapatulong lang ako sayo mag ayos nung decors natin!" at hinatak na niya ako palapit sa pader kung saan may mga decorations. Bago pa kami makarating dun ay nadaanan namin si Charrie na tulala at mukhang kinikilig mag isa pero nang makita niya kami ay bigla nalang syang parang nakabalik sa earth.

"Xylee! Halika iserve mo to daliiiii!" sabi iya sabay turo sa dalawang malaking paper bag na nasa tray.

"Eh pero tutulungan ko pa si ate Joy?"

"Hoy anong ate ha?!"

"Mamaya na yan! Eto muna!" Bago pako makaangal e nailagay na niya sa mga braso ko yung tray. "Order yan nung lalaking nakaitim. Dali na shoo!" napakunot noo ako ng itaboy niya ako na parang aso. Napanguso akong naglakad palapit sa table nung lalaki. Ewan ko din kung bakit pero habang palapit ako ng palapit sa kanya e parang gusto kong magwala at magtitili. Parang nakita lang si Taehyung e no? HAHA baliw Xylee imposible.

"Here's your order Sir. Enjoy!" nag-angat sya ng tingin mula sa phone niya papunta sakin. Napatakbo nalang ako pabalik sa locker room sa sobrang kaba at excitement (kahit di ko alam kung bakit). Bago ako makapasok ay narinig ko pa ang boses niya, medyo malalim ang boses niya na humiyaw ng "Kamsahamnida!".

Taehyung



"Hyung! Hyung!" nagtatakbo agad ako kay Jimin hyung pagpasok na pagpasok ko ng dorm.

"Oh nabili mo ba yung kape?" sabi niya habang nakatutok sa cellphone niya.


"Hyung! Cute! Babae!Kofiii!!"

"Ano ano??!"

"Hyung! Cute! Ba--" napahimas ako sa batok ng batukan ako ni Jimin Hyung. Hyung bakit?? T^T Kinuha niya yung dalawang paper bag na dala ko saka nagsisigaw.

"Foods!"

Sabay sabay nagbukasan ang mga pinto ng kwarto nila Hyung habang si Jin Hyung galing sa kusina at si Jungkook sa cr. Pinagkaguluhan nila agad yung dalawang paperbag at ang natira nalang ay isang frappe.


"Hokay Sheyyung! Ifagpatuloy mosh" tuloy tuloy na sabi ni Jimin Hyung habang ngumanguya ng sandwich. Bigla naman nanumbalik yung excitement ko nung maalala ko siya... si Xylee.






"Wow Hyung! Ang cute nga!"

"Alam mo mas bagay sa kanya yung pigtails!"

"Mahilig kaya sya sa snickers?"

Nagkumpulan silang anim habang hawak hawak ni Jin Hyung yung phone ko. Tinitignan nila yung stolen picture na kinuha ko kanina, picture ni Xylee na nakaside view pati nung nagpupunas siya ng salamin ng glass wall ng café. Unang umalis sa kumpulan si Yoongi Hyung na parang di interesado sa pinag uusapan ng iba.

So That I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon