Chapter 16

20 1 0
                                        

Charrie

"Charrie saan ako nagkulang? Naging mabuting kaibigan ako sayo diba? Paano mo nagawa sakin to?"

"J-Joy..."

"'Wag mo akong hawakan Charrie..nasaktan mo na ako. Sobra-- Aray! Hayp ka Lejan!" sabi ni Joy na hihimas himas sa braso niyang hinampas ni Lejan.

"Napaka oa mo kasi" napahampas nalang ako sa noo habang nagtatalo silang dalawa samantalang si Xylee ay nakanganga parin at hindi na naituloy ang pagnguya sa tteokboki niya.

Kakauwi lang namin galing ng café, kasalukuyan kaming naghahapunan ng maisipan kong sabihin sa kanila yung mga nangyari one week ago at heto na nga si Joy nagpapaka-oa. Di ko naman sya masisisi dahil si Taehyung at Jimin yun as in miyembro ng BTS.

Patuloy lang sa pagtatalo si Joy at Lejan pero natigil din sila ng tawagin ko si Xylee na sa wakas ay nakabalik na dito sa Earth.

"Saka Xy, tingin ko si Taehyung yung nakita mo kanina."

Napakunot naman agad noo niya. "Sino dun Cha?"

"Yung blonde na naka all black na damit at face mask!"  natigilan siya sandali pero agad din tumawa. Mukha syang natatae HAHA!

"I-Imposible! Bat naman makikipagtitigan sakin si Taehyung?!"

"Baka nacute-an sayo bebe Xy!" sabat ni Joy na nagpapula sa pisngi ni Xylee. Napatakip siya ng mukha saka biglang kumaripas ng takbo papasok sa kwarto niya.

Naiwan naman kaming tatlo na magkakaharap sa mesa at nagtatawanan.

"Pero di nga Charrie, babawi ka talaga samin dahil di mo sinabi agad." nakangising sabi ni Joy habang nagtataas baba yung isang kilay niya.

"Oo na oo na.." napapailing ako habang nakangiti. Alam ko na kung paanong bawi ang gusto niya.

Kinabukasan lahat kami maagang nagising at dahil nga may oras pa, napagdesisyunan kong magluto ng matino-tinong umagahan dahil nitong mga nakaraang araw halos puro instant ramen kami.

Naunang maupo sa tapat ng lamesa si Lejan habang si Xylee ay naghihilamos dito sa tabi ko at si Joy naman ay nasa cr. Kumuha ako ng tatlong itlog at binate yung tatlo, plano kong gawing malasado yung isa dahil yun ang favorite ni Xy. Plano ko din magluto ng hotdog na si Lejan naman ang may gusto. Pagkatapos niready ko na yung kanin na plano kong isangag.

"Woooow ang bango!!" sabi ni Joy sabay takbo palapit sakin para panuorin yung ginagawa ko.

"Syempre ako nagluto~" sagot ko naman sa kanya saka nag pogi sign.

"Nako mukhang bumabawi ka na hyung ah!" biro niya na tinawanan ko lang.

"Guys sino may gusto ng kape?" tanong ni Xy na agad naman naming sinagot lahat ng 'ako'. Nang matapos na akong magluto ay sinimulan ko ng maghain. Tinulungan naman ako agad ni Joy habang dinadala naman ni Xylee yung mga kape sa tabi ng mga plato namin.

Habang kumakain patuloy kami sa pagkukwentuhan at syempre sa part 2 ng pang-aasar namin kay Xy at dun sa lalaki na posibleng si Kim Taehyung ng Bangtan Sonyeondan.

"Ah guys, mag overtime kaya tayo mamaya? Baka may chance na makita natin ang BTS!"

"Oo ngaaaaaaaaa!!"

"Alam niyo ang aga aga ang ingay niyo.." sabi ng epal na si Lejan. Nako kunwari pa tong si Lejan e gustong gusto niya rin naman makita ang BTS.

Matapos naming kumain ay isa isa na kaming naligo habang si Lejan naiwan para maghugas ng mga pinagkainan. Quarter to 7 na nang magpunta kami sa bus stop na malapit lang sa bahay namin, malapit lang din naman ang Seo-In mula rito siguro mga 10 minutes na biyahe lang.

Kakaupo lang namin sa kanya kanya naming upuan ng dumating ang una naming teacher para sa araw na to.

Lejan

"Hindi pa ba tayo uuwi?" nahihikab kong tanong sa tatlong babaeng nakaabang sa pinto nitong café. Alas diyes na rin at dapat sarado na tong café pero nagdesisyon silang tatlo na mag overtime para tignan kung dadating nga ba ulit ang ilang member ng BTS.

Inaantok na napadukdok ako sa counter ng hindi man lang nila ako sagutin pero napabangon din ako agad ng maalala ko yung sinabi ni Charrie kaninang umaga.

"Cha diba sabi mo babawi ka samin?"

"Oo..." sumagot sya pero nakatutok naman sa pintuan. Si Xylee na nawalan na ata ng pag-asa e tinatamad na tumayo saka nagsimulang magmop ng sahig.

"Tara walwal?" Sabay sabay silang napatingin sakin saka napahiyaw ng 'HA?'

"E pero may pasok tayo bukas?" sabi ni Joy na umaangal pero nangingiti naman.

"Oo nga oo nga!"

Natawa ako dahil kay Joy at Charrie. Alam ko naman na umiinom na sila at syempre ganon din ako kaya naman natatawa nalang ako ngayong umaangal pa sila.

"Hindi ko naman sinabi na ngayon na e. Friday na sa isang araw e. May malapit lang na tent sa bahay natin diba?" tukoy ko dun sa malalaking tent na naglalabasan kapag gabi na. Yung madalas tinatambayan ng mga bida sa mga kdrama?😂

"Tara!"

"Kayo nalang siguro guys.." mahinang sabi ni Xylee na patuloy sa pagma-mop ng sahig. Hindi nga pala umiinom si Xylee. Sabagay under age pa naman talaga sya at sa aming apat, siya ang pinakabata. 16 palang kasi sya samantalang kami ni Joy pareho nang 18, si Charrie naman malapit na din maging legal.

"Alam mo Xy dapat minsan magchill ka din." pag-aya sa kanya ni Charrie sabay akbay sa kanya.

"Saka itry mo lang! Kung magugustuhan mo edi ulitin natin next time pero kung ayaw mo naman edi wag na." sabi naman ni Joy

"Oo nga Xy. Magsaya ka naman minsan, wala ka na sa Pilipinas. Tayong apat lang , dito sa Korea." pansin kong natigilan sya sa sinabi ko. Alam ko naman kasi kung bakit niya pinipigilan yung sarili niya kahit na halata namang gusto niya. Hindi naman namin gustong maging bad influence sa kanya, gusto lang namin maisip niya na may kalayaan na syang gumawa ng desisyon ngayon para sa sarili niya ng di dinidiktahan ng ibang tao.

"O-okay.. sasama ako"

Sorry sa short update🖖

So That I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon