Lejan's POV
"Edible ba to?"
"Papatayin mo ba kami Xy?"
"Ano to uling?"
Napakamot nalang sa batok nya si Xylee na nakatayo sa harapan namin dahil sa mga sinabi nila Joy at Charrie..
Oo na pati na rin ako,sabihin nyo nagmamalinis ako.  ̄︿ ̄
"Eh ..hehe sorry na nasunog ko."-nakangiwing sabi niya habang tinatanggal ang suot niyang apron na may mantsa pa ng kung ano ano
Tinignan ko lang yung plato na may lamang sunog na ewankokunganongpagkainto.
"Hay nako,tara nalang sa mall! "-aya ni Joy habang nakatutok sa phone nya
Nagugutom na kaming lahat kaya wala kaming magawa kundi pumayag
Sabado ngayon kaya malaya kaming nakakagala. Si Xylee nga muntik pang di payagan,kung hindi lang namin ipinagpaalam sa lola nyang strikto.
Pagdating sa mall naghanap agad kami ng fast food na pwedeng kainan. Nagpalinga-linga kami sa mga fast food na magkakatabi lang ng mapansin kong wala na si Charrie sa tabi ko.
"Hoy! Asan si Charrie?!"-tanong ko kay Joy saka sya hinampas sa braso
"Aba gago! Masakit yun ah!"-sabi niya saka gumanti sakin ng hampas. Sorry sya dahil walang talab sakin yon haha.
"Ayon si Charrie ."-turo ni Xylee sa katapat naming fast food kung saan nakita namin doon si Charrie na nakapila na pala,saka siya naglakad papasok doon.
Nang makalayo si Xylee sa amin,agad na bumulong sakin si Joy.
"Ako lang ba o parang ang creepy ni Xy tuwing nananahimik sya?"-seryosong tanong nya sakin
"Alam mo,napapraning ka lang."-sabi ko saka ko itinulak yung noo nya palayo sakin gamitang hintuturo ko. Inirapan lang nya ako saka sumunod sa dalawa.
Hindi ko maiwasang mapangiwi ng bumungad agad sakin ang istatwa ng isang malaking obese na bubuyog sa entrance ng fast food,hindi sa ayaw ko dito pero sa lahat ng fast food,bakit Jollibee pa? Lakas makabata nito eh.
Agad hinanap ng ng mata ko yung tatalong babae,nakita ko sila sa isang table di kalayuan sa kinatatayuan ko. Nang makalapit ako sa kanila,nakita kong may sari-sarili na silang pagkain. At hindi man lang ako ipinag-order?!
Agad kong tinapik ang balikat ni Xylee na pinakamalapit sakin kaya naman napahinto sya sa pagkain ng spaghetti nya.
"Bakit hindi nyo ko ipinag-order?!"
"Nagtanong ka ba?"-simpleng tanong nya saka bumalik na sa pagkain
Napanganga nalang ako dahil sa isinagot nya sakin.
"Boom! Basag! Hahahaha!"-pinalisikan ko ng mata ang ngayo'y humahagalpak sa tawa na si Charrie at Joy na puso spaghetti sauce sa pisngi.
Dali-dali nalang akong naglakad at pumila sa may counter para umorder. Medyo maigsi lang ang pila kaya hindi ako ganong naghintay ng matagal.
"Whet'sh your horder shir?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi ng babae. Ano ba to? Ngongo o sadyang pabebe lang? Nakahalukipkip kong tinignan ang board na nasa taas para pumili kung anong order ko. Nang makapili ako,sinabi ko na din agad ang order ko sa babae na ngayon ay ngingiti-ngiti habang nakaharap sakin. Baliw ba to o ano?!
Habang hinihintay na maibigay ang order ko,narinig kong nag-uusap yung dalawang babae sa likuran ko.
"Ang cute naman nya!"

BINABASA MO ANG
So That I love You
FanfictionWhat will happen if you ever get a chance to meet your idol in person? Will you be close to him? Will you fall for him even more but not as a fan? Will he fall for you too? If ever.... will you be happy? Just find out