Chapter 3

89 7 1
                                        

Joy's POV

"Pasta ,check!

Oil,check!

Ingredients para sa sauce, check!

Ano pa bang kulang?

Guys?
.
.
.
.
.
.
.
GUYSSSSS!!!!"

Napafacepalm nalang ako ng makita kong nagtatakbuhan na sila Xylee at Charrie sa mga aisle nitong supermarket,pinagtitinginan na sila ng ibang tao pero tuloy parin sila sa pagtakbo. Para silang mga bata.

"Hoy lalake,may kulang pa ba sa bibilhin natin?"

Kinuha naman sakin ni Lejan yung listahan at tinignan yon habang ngumangata ng stick-o,alam naman nya siguro kung may kulang pa since sa aming lahat sya ang maraming alam tungkol sa pagluluto. Cookery kasi ang course na kinuha nya para sa TLE namin samantalang kaming tatlo nila Xy at Charrie ay ICT. Wala kaming ibang alam kundi cables and wires.

"Kulang ka pa ng cheese."-sabi niya saka binalik yung listahan sakin

"Ah oo nga pala! Tara samahan mo ko kuha tayo ng cheese."

Sumunod naman sakin si Lejan sa pagkuha ng cheese,ng masigurado namin na okay na lahat ay pumunta na kami sa cashier.

"Asan na ba yung dalawa?"-bulong ko sa sarili ko dahil wala pa dito sila Charrie

Dinial ko yung number ni Charrie,pagkatapos ng ilang ring ay sinagot din nya agad.

"Hoy nandito na kami sa cashier! Asan na ba kayo?!"

"Papunta na kami Manang Joy! Cashier number ano ba?"-sagot sakin ni Charrie

"Number 5! Dalian nyo  hano!"

Pinutol ko na yung tawag at hinintay ko nalang sila habang hindi pa namin turn.

May ano nga ba ngayon at naggogrocery kami?

Mahigit two weeks na ang nakaraan mula ng maganap ang christmas party namin. At mamayang 12:00 am ay New Year na,nandito kami sa mall para bumili ng ingredients para sa ihahanda naming apat mamaya.

Plano naming magcelebrate ng magkakasama since hindi kami nagkitakita nung Pasko dahil lahat kami ay busy,fortunately pinayagan naman kaming lahat sa plano namin. Magsecelebrate kami sa bahay namin since nasa Cebu sila papa para doon magcelebrate kasama sila lola.

"Eyo wazzup!"

Biglang sumulpot sa likuran  namin ni Lejan si Xylee na may bitbit na dalawang garapon na puno ng gummy bears at gummy worms,at si Charrie na may hawak na isang supot ng kisses.

"Oo-kay?"-yan nalang ng nasabi ko sa kanilang dalawa,okay pa sana yung bitbit ni Charrie kaya lang yung kay Xylee?

"Para ka talagang bata!"-natatawang sabi ko kay Xylee,sabagay sa aming lahat sya ang pinakabata. Sya ang maknae ng Squad😁😁

"Favorite ko kaya to."-sabi niya saka nagpout

"Oo na,akin na yan."-tinawanan ko nalang sya at kinuha sa kanya yung mga garapon. Nilapag ko na yung sa counter since turn na namin .










"Kain muna tayo!~"

"San tayo kakain?"-tanong ko sa kanila. 1pm na kasi at hindi pa kami kumakain ng lunch since kakatapos lang naming mamili.

"Dun tayo sa KimBob!"-sabi ni Charrie habang pumapalakpak pa

"Sigurado ka ba Charrie? Puro Korean food don baka hindi natin magustuhan yung lasa."-tanong naman ni Xylee

So That I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon