Chapter 13

70 3 4
                                        

Charrie's POV

"Charrie anuena? Antok na akoo"

"Ah Joy mauna na kayo nila Xy at Lejan,susunod nalang ako."-sabi ko habang nakatanaw sa labas ng shop

"Sigurado ka Hyung? Gabi na,baka mapano ka sa daan."-tanong sakin ni Joy

"Okay lang,susunod din ako agad." matapos ang ilang minutong pamimilit ko sa kanila e napapayag ko din sila na maunang umuwi. Habang ako naiwan dito sa loob ng shop.

10:05. Dapat ganitong oras nakasarado na to pero hindi ngayon,may hinihintay ako.

Apat na araw..

Apat na araw na rin ang lumipas simula ng magpost si Jimin ng picture niya sa loob ng shop ko. Apat na araw na pero di parin ako makamove on. Tangina kasi.

Bias ko sa Bangtan.

Nagpunta sa shop ko.

Nang hindi ko alam.

SINONG HINDI MAGWAWALA DUN LIEK ITS MAH CHENS TU SI MAH HASBAND KASO NASAYANG FOK.

Okay kakalma na..

Eto ako ngayon,nakatutok sa phone ko. Tambay ako sa twitter account ng BTS ngayon,sa apat na  araw na lumipas ganito lagi ang ganap sa buhay ko. Stalk sa account nila kasi baka magpost ulit si Jimin kaso nabigo ako,nagpopost yung ibang members pero si Jimin hindi pa.

Sa loob din ng apat na araw na pagbabakasakali kong pumunta ulit siya dito e kasabay ko din ang mga Co-Army's ko na maghintay sa kanya dito pero nabigo ulit ako,kami.

Siguro nga di na babalik si Jimin dito,alam na din kasi ng ibang fans na pumupunta siya dito kaya naman siguro naisip niya na pag pumunta ulit siya dito ay pagkaguluhan siya.

Napabunyong hininga nalang ako. Sayang talaga.

Napadako ang tingin ko sa wall clock,10:30 na pala.Siguro dapat magsara na ko ng shop. Wala na rin naman akong mga customers e.

Sinimulan kong ligpitin yung mga kalat na nasa ibabaw ng counter,bahagya akong yumuko para ilagay ang ibang mg equipments dito sa loob ng cabinet. Kasalukuyan akong nakatalungko at inaayos yung mga gamit sa loob ng cabinet ng biglang tumunog ang bell na nasa pinto. May customer? Ang kaso closed na ang shop ko ah.

Nakalimutan ko palang baliktarin yung sign na nasa pinto,kaya siguro napagkamalang open parin tong shop. Tumayo ako ng diretso at sinalubong ang customer.

"I'm sorry but we're--------"

Napako ako sa kinatatayuan ko,iyong buhok niya kasi,style ng pananamit niya,pati yung pangangatawan niya. Kilalang kilala ko.

Siya yung isa sa mga regular customer namin. Yung lalaking laging nakaitim at may pink na scarf.

Saktong umilaw yung phone ko na nasa ibabaw ng counter,nagtext pala si Hyung.

'Hyung di ka pa uuwi?'

Magrereply pa sana ako kaso aksidente kong napindot ang back button ,nawala ang message sa screen at doon bumungad sa akin yung picture ni Jimin.

Yung picture niya na kinuhanan dito sa loob mismo ng shop ko. Napatitig ako dito,tapos dito sa lalaki sa harapan ko. Tapos sa picture ulit,tapos sa lalaki ulit.

Paulit ulit ..hanggang sa may marealize ako.

"Jimin oppa?"






So That I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon