Chapter 17

26 0 0
                                        


Xylee

"Guys tonight is the night!!" masayang sigaw ni Lejan habang busy  kaming naglinis sa loob ng café. Ako na nagpupunas ng mga tables, si Charrie na nagwawalis ng sahig kasunod si Joy na nagma-mop at sya na nakahalumbaba lang sa counter. Hay nako tinatamad nanaman to for sure.

"Paano? Uwi muna tayo para magpalit?" tanong ko habang nagpupunas parin.

"Wag na siguro. Eto nalang isuot natin para di hassle." sagot naman ni Charrie na nakatapos na sa pagwawalis.

"Guys tara na!" aya ni Joy na nakasukbit na yung bag sa likod. Wow  excited si Lola mo HAHA.

"Teka lang!" sabi ko saka nagmamadaling pumunta sa bodega para ibalik yung basahan. Mabilisan kong kinuha yung bag ko at lumabas ng locker room. Paglabas ko lahat sila nakaready na.

"Wag ka mag-alala Xy! Soju lang naman ang iinomin natin. Sa tingin ko naman..." sabi ni Lejan sa papahinang boses sabay akbay sakin.





"Para kayong mga tanga! HAHA!"

Maingay na kaming apat dito sa loob ng tent. Marami ding tao dito na nag iinuman pero di gaya namin na maiingay. Saka kabila ng kaingayan naming apat, parang hindi na rin ako tinatablan ng hiya. Siguro dahil tinamaan na nga ako ng alcohol at sa ngayon alam kong sobrang pula na ng mukha ko. I mean hindi naman ito ang unang beses na nakatikim ako ng alak pero ito talag ang unang beses na uminom ako ng ganito karami.

Medyo nahihilo na ako pero keri lang. Patuloy kami sa pagkukwentuhan habang patuloy ako sa pagkain ng rice cake. Sinalinan ni Charrie yung shot glass namin apat saka tinaas yung kanya.

"Cheers para sa unang walwal ni Xylee!"

Natatawang akong nagtaas ng shot glass kasunod nila Joy at Lejan at sumali na rin. "Cheers!"

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan hanggang sa hindi na  namin namalayan ang oras at sa hindi inaasahan, biglang napunta sakin ang topic.

Lasing na kaming apat, ewan ko pero parang mas lasing pa kesa sakin 'tong sila Charrie samantalang mas may experience sila sa pag-inom. Nagsasalin ako ng panibagonh soju sa sarili kong shot glass ng magsalita si Charrie.

"Halam mo Shy, nagtataka lang ako. Paano mo napapayag yung lola mo na *hik* pumunta ka dito? *hik* E magpunta ka nga lang sha *hik* bahay namin na malapit lang sha inyo e nagdadalawang iship na yun!"

Napatingin ako kay Joy ng bigla syang tumawa ng malakas. Napainom ako agad dahil alam ko na ang kasunod. "Hindi naman sya pinayagan e HAHA!"

Kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni Charrie na halos di na makadilat. Napanguso din sya habang tumuturo kay Joy. "Anong ibig mong shabihin ha tandang Joy?"

"Tumakas lang kami! *hik*" sabi ng tatawa-tawang si Joy sabay kain ng fish cake.

Epekto ata ng alcohol dahil bigla nalang tumulo ang luha ko nang maalala ko nanaman yung araw na umalis ako sa bahay namin. Mabilis akong nagsalin ng soju saka straight na ininom yun. Gusto ko lang magpakawasted kahit ngayong araw lang.

"Anong pupunta ka ng Korea?! Alam mo ba kung anong pinagsasasabi mo ha?!" galit na galit na sigaw sakin ng lola ko matapos kong sabihin sa kanya ang plano naming magkakaibigan. Di ko naman sya masisisi dahil nakakabigla talaga lalo na at bukas na ang flight naming tatlo nila Joy at Lejan.

"Alam ko po ang sinasabi ko. Pero magandang oportunidad po itong inilatag ni Tita Myra sa harap ko 'la..."

"Pupwede ka namang mag-aral dito hindi ba?!" napayuko ako ng sabihin niya yun. Totoo naman kasi kaso.. "Hindi ko alam kung bakit pilit kang sumasama sa mga kabarkada mong yan! Sinasabi ko na nga ba at wala naman silang maidudulot sayo kung hindi ang magbulakbol! Ngayon naisipan niyo bang mag-ibang bansa para lang mag-aral?! Ano bang naiisip niyo ha?!"

"Hindi naman po kami nagbubulak—" napatigil ako sa pagsasalita ng sampalin niya ako. Pakiramdam ko namamanhid na ang kanang pisngi ko sa sobrang lakas. Nanatili lang akong nakayuko habang tuloy tuloy na umaagos ang luha ko.

"Bakit ba kating-kati ka nang lumayas sa bahay na to ha? Siguro—"

"Siguro ano?" sagot ko gamit ang pinakakalmado kong boses. Napakuyom ako ng kamao dahil ramdam kong nangingig ang buong katawan ko. "Hindi ako nagbubulakbol."

"Eh ano t—"

"Hindi bad influence sakin ang mga kaibigan ko 'la." sabi ko saka naglakas ng loob ng tumingin sa mga mata niya. "Consistent honor student ako. Sa tingin niyo ba kung bad influece sila, gagraduate ako ng grade 10 na may medal? At oo, matagal ko nang gustong umalis dito pero nagtitiis lang ako. Ngayong may mas magandang opportunity para sakin para makapag-aral sa magandang University, hindi ko na yun papalampasin pa. Hindi ba yun naman ang gusto niyo? Ang maging successful ako? Bakit pinipigilan niyo pa ako?"

Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko pero walang mga hikbing lumalabas sa bibig ko. Nakatitig parin ako sa galit na mukha ng babaeng syang nag-alaga sakin mula pagkabata.

"Ganon nalang yon? Matapos kitang alagaan mula noon iiwan mo nalang kami?" biglang naging blangko ang utak ko ng mga sandaling iyon. Bigla akong naguilty dahil sa mga sinabi ko pero sobrang dami ko nang naiponh hinanakit at gusto ko na marealize nila yun.

"Oo nga at inalagaan niyo ako pero araw-araw niyo namang pinaparamdam sakin na nagsisisi kayo kung bakit naging apo niyo pa ako..." sabi ko sabay punas ng luha saka ako bahagyang natawa habang unti-unting nagpaflashback yung mga sinasabi niya sakin noon.

"..oo nga at bata pa ako noon pero tandang tanda ko pa ng pagdudahan niyo kung tunay niyo ba akong apo. Alam ko ang kasalanang nagawa ni mama na naging dahilan kung bakit kami naging isang broken family pero lola hindi ko naman kasalanan yun! Alam ko nahirapan si papa at kayo pero mas nahirapan ako dahil wala man lang akong magulang na malapitan noong mg panahong yon!"

Mas lumala pa ang iyak ko ngayon, wala na akong pakialam kung anong itsura ko.

"Yung mga kaibigan ko na sabi niyo ay walang maidudulot sakin na mabuti, sila yung naging sandigan ko sa tuwing pakiramdam ko nag-iisa ako. Hindi ko kayo malapitan, ikaw at si papa. Sarili kong pamilya wala akong malapitan." natatawa kong pinunasan ang mga luha ko saka tumingin ulit sa kanya.

"Kakayanin ko to ng mag-isa dahil sa loob ng labing anim na taon, yon naman ang ginagawa ko."

Tumba na silang tatlo at ako nalang ang natitirang gising. Patuloy ako sa pag-inom ng Soju kahit na ilang bote na ang nakakalat sa table at paanan namin. Sa hindi ko malamang dahilan, bigla nalang akong nahlakad palabas ng tent. Dire-diretso lang ako kahit na hindi ko naman alam kung saan ako papunta. Sinubukan kong tignan kung anong oras na sa wristwatch ko pero naduduling nako sa kalasingan. Sa isang iglap bigla nalang akong nadapa sa gilid ng kalsada, mukhang may natisod akong matigas na bagay. Nakarinig ako ng ilang malalaking boses na parang nagkakagulo bago ako mawalan ng malay sa sobrang kalasingan.


——

Wala akong masyadong alam sa mga alcoholic drinks at never pa rin ako nakatikim ng soju pero based sa mga researches ko nakakalasing naman daw talaga sya..though may konting doubt pa ako dahil between 19%-25% lang daw ang alcohol content niya. Please enlighten me kung may alam kayo about soju. Thank you!

So That I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon