HAPPY BIRTHDAY CHAAAAAA~❤️🎂🍾
——
"Hyung!! Dalian mo nagigising na sya!!"
Dahan dahan kong idinilat ang mata ko pero agad ko din yong pinikit ng maramdam ko ang matinding sakit ng ulo. Shit lang hano perstaym ko makaexperience ng ganito. Sobrang sakit na feeling ko tinaga ako ng isang cannibal sa wrong turn sa ulo. Shet namarns.
Sinasabunutan ko na ang sarili ko sa sobtang sakit ng ulo ko ng maramdaman kong parang may hindi tama.
Dahan dahan ulit akong nagmulat ng paningin para tumingin sa paligid ko, noong una nanlalabo pa yung paningin ko pero ng luminaw na dun ko nakita ang pitong lalaking nakapalibot sakin dahilan para agad akong mapabangon.
Hindi ko alam kung hallucination ba to o ano pero nakikita ko ang BTS sa harap ko. Kitang kita ko rin ang pagkunot ng mga noo nila ng magsimula akong tumawa habang pinupukpok ang ulo ko. Nababaliw ka na ba Xylee?? Imposibleng nasa harapan mo yung BTS! Hang over lang to. Hang over lang to.
"Hyung adik yata yung babae."
"Ano ka ba Hoseok, hindi yan adik. Baliw yan!"
Nagsimula na silang magkagulo ng lumapit sakin si Taehyung. Naguguluhan parin ako kasi parang totoong totoo e.
"Ayos ka lang Xylee?"
Napatanga ako sa gwapo niyang mukha ng banggitin nya yung pangalan ko. Napakusot na ako ng mata saka sinimulang kurotin ang braso ko. NASASAKTAN AKO. GUYS THIS IS NOT A DRILL. NASA HARAPAN KO TALAGA ANG BTS!!!!
"Sabi sa inyo baliw yan e."
"Kim Seokjin..."
"Oo na tatahimik na Joonie!"
Sinubukan kong magsalita pero nagkautal-utal lang ako sa sobrang gulat habang tinuturo sila isa isa.
"Kalma ka lang---" sabi ni Taehyung na tinatapik tapik ako sa balikat habang nakangiti
"Paano ako kakalma?!"
"Genius ako pero di kita maintindihan, magkorean ka kaya o English?" Nakapameywang na sabi ni Yoongi na gulo gulo pa ang buhok at halatang kakagising lang. Gusto ko sanang kiligin sahil sa presensya nilang pito lalo na ng bias ko pero pinigilan ko muna ang kalandian ko. Ano bang nangyari kagabi?
"A-ah, may tanong sana ako..." mahinang sabi ko dahil na rin sa hiya. "...paano ba akong napunta rito?"
"AHHHHHHHH!!!!"
Napahiyaw ako ng makita ko ang itsura ko sa salamin. Gulo gulo ang buhok ko at ang putla putla pa ng mukha ko, mukha akong multo pero okay na din dahil wala naman akong muta o tulo laway. Pero kahit na! Kaharap ko ang mga idol ko kanina ng ganito ang itsura, nakakahiya!
Napapitlag ako ng may kumatok sa pinto ng banyo.
"Ayos ka lang ba dyan?"
Boses yun ni Jin kung hindi ako nagkakamali.
"O-oo!"
"Sige, nagluto ako para sa breakfast. Sumalo ka na samin."
"Salamat!"
Napatitig ako pabalik sa repleksyon ko sa salamin bago magsimulang maghilamos at mag ayos ng buhok. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nasa iisang bubong lang kami ng BTS kahit na nakwento na nila sakin kung paano akong napunta dito.
BINABASA MO ANG
So That I love You
FanfictionWhat will happen if you ever get a chance to meet your idol in person? Will you be close to him? Will you fall for him even more but not as a fan? Will he fall for you too? If ever.... will you be happy? Just find out