Chapter 8

56 5 0
                                    

Charrie's POV

"Charrie anak..sigurado ka bang hindi ka magpapaalam sa mga kaibigan mo?"

Napahinto ako sa pag-aayos ko ng mga gamit ko sa maleta ng itanong sakin yon ni Mama..bumuntong hininga nalang ako saka nagpatuloy sa pag-aayos.

"Hindi na Ma. Baka hindi ako makaalis pag nagpaalam ako."-nakangiting sabi ko

Sakto namang umilaw yung phone ko dahil may nagmessage.

Joy

Yah! Hyung! May practice daw tayo para sa ceremony ng completion natin. Wag kang magpapalate ha?

Pinatay ko nalang yung phone ko at hindi na nagreply.

Mamaya luluwas na kami papuntang Manila (dahil nasa probinsya nga kami),bukas ng 5 am ang flight ko.

At bukas rin yung completion (JHS) na dapat kasama ako. Unfortunately hindi na ko makakaattend,hindi nila alam na bukas na yung flight ko.

Hindi ko talaga pinaalam dahil baka pumunta din sila sa airport,ayoko naman na aalis na nga ako tapos yung luhaang mukha pa nila yung huli kong makikita. Lalo na yung mukha ni Lejan habang umiiyak ( ̄^ ̄)

Fast forward
5 am

"Passengers for flight **** Manila to Seoul ....."

"Ma bitaw na. Tinatawag na kami oh."-sabi ko habang tinatanggal yung kapit ni Mama sa braso ko

"Nak ingat ka dun ha?"-sabi nya na mangiyak ngiyak pa. Aba. Bat sya iiyak? Mamamatay na ba ko? •^•

"Nga pala Charrie,yung anak nga pala naming si Lee Hyun ang susundo sayo sa airport."-singit ni Tita Jane

"Thank you po. Aalis na po ako."-sabi ko saka nagbow. Tumalikod na ko at nagsimulang kaladkalarin yung maleta ko palayo.

Hindi ako iiyak.

Hindi talaga.

Hindi---- punyemas.

Dali dali kong kinuskos yung mata ko bago pa man tumulo yung namuong luha ko. Ang dami kong maiiwan...

Pagkasakay sa eroplano,ginuide agad ako ng isang flight attendant at tinulungan akong ilagay yung mga gamit ko sa compartment sa itaas. Umupo na rin ako sa upuan ko which is katabi lang ng bintana.

Nagsimula ng magsalita sa harap yung stewardess kung ano yung mga dapat gawin in case of emergency ng makompleto na lahat ng passengers.

Tumitig lang ako sa labas ng bintana hanggang sa maramdaman kong lumilipad na tong eroplano.

Tinitigan ko bawat ulap. Kung pano to gumalaw sa tuwing tatamaan yon ng eroplano.

Tama ba yung desisyon ko?...

Lejan's POV

7:30 am

"Diamond,umayos na kayo ng linya. 30 minutes nalang magsisimula na ang program."

Napatingin ako sa dalawang kasama ko . Si Xylee tulala habang si Joy kanina pa tinatawagan si Charrie.

Alam kong nararamdaman din nila yung nararamdaman ko. Yung kaba. Yung takot. Yung takot na baka totoo yung kutob naming tatlo. Yung dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa si Charrie.

So That I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon