"Bakit ngayon lang kayo umuwi?" Mataray na tanong ni Lily sa dalawang taong hindi makatingin sa kanya, siniko ni Love si Gico at bumulong
"Ikaw nagpaliwanag tutal parang manager ka nya." napasimangot ang binata sa sinabi nito
"Bat ako? Sa ating dalawa ikaw ang mas malapit dahil ikaw ang kapatid at hindi nya ako manager." akmang bubulong ulit si Love ng sumabat ang ate nya
"Aba't nagawa nyo pang magbulungan sa harapan ko, ikaw Gico! Saan mo dinala ang kapatid ko?" Napangiti sa loob looban ang dalaga ng si Gico ang tinanong. Yes! Ligtas
"Sa bayan lang kami pumunta" tinaasan sya ng kilay nito na animo'y hindi naniniwala
"Ang lapit lapit lang ng bayan at naabutan pa kayo ng gabi, sabihin mo sakin ang totoo kundi malilintikan ka sakin" napakamot sa batok ang binata at napalihis ng tingin
"Ang totoo kasi nyan...." nahihiyang aniya nito
"Nakatulog ang kapatid mo siguro dala ng sobrang pagod at hindi ko naman alam ang daan pabalik dito kaya naligaw kami, ako lang pala dahil tulog si Love" namumula ang pisngi nya tanda ng pagkahiya, nanlaki ang mata ng magkapatid at nagkatitigan
Tiningnan ni Lily ng makahulugan si Love, tulala pa rin si Love sa sinabi ng binata hindi sya makapaniwalang gagawin ito ng binata sa kanya gayong dalawang araw pa lang sila magkakilala
"Seryoso ka? Ginawa mo talaga yun?" Mahinang tanong nya dito
"Yes I do that, I don't have a heart to wake you up when tiredness is all written in your face" sincere na aniya
"*ehem*ehem* mukha may hindi ako nalalaman, pero kung ano man yun malalaman ko rin sa ngayon palalagpasin ko ito dahil nagustuhan ko ang paliwanag mo Gico" hindi naiwasan ng dalaga ang sumabat
"Ganun? Nagustuhan lang ang paliwanag tapos na, paano naman kung hindi mo nagustuhan pero totoo?"
"*chuckle* mukhang may pinakain ka sa kapatid ko at naging totoo ngayon sa sarili. Alam mo Love.... ang mabuti pa pumunta ka na sa kwarto ng makapagpahinga ka na talaga ng ayos, mukhang naalog ang pagkatao, utak, katawan at puso mo" ibinulong lang nito ang huli
"Ok po ate" labag sa kalooban na aniya, nilingon ko muna si Gico bago pumasok sa kwarto
Nakakainis naman si ate! May gusto pa akong itanong at magpasalamat kay Ico
Naiwan sa salas si Gico at Lily, tulog na ang magulang nila ng dumating sila ni Love.
"Ikaw ha... may sweet side ka pala" panunukso ng dalaga nanatiling poker face ang reaction ng binata
"Natahimik ka? May nalalalaman ka pa dyan serious serious face. Musta ang date nyo ng kapatid ko? Naka-base ka na ba? Or home run? Hahaha just kidding"
"Hindi nakakatawang biro yun, pwede ba bigyan mo mg respeto ang kapatid mo di porket nagustuhan sya ng taong mahal mo pwede mo na syang ganyanin. Kilala kita Lily kunwaring mabait pero nasa loob ang kulo" at iniwan nyang tulala ang dalaga
KINABUKASAN
Tinanghali ng gising si Love na ngayon lang ulit nangyari. Nagmamadali syang kumilos at bumaba
"Oh anak mabuti naman at nakapagpahinga ka ng maayos, ok lang ba ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni itay
"Ok lang po ako itay huwag po kayo masyadong OA dinaig nyo pa si inay kung mag alala" natatawang aniya
"Bunso kung alam mo lang kung gaano ka-OA itong inay mo kanina, anong oras na daw kasi tulog ka pa"
"Sorry po inay napasarap po kasi ang tulog ko"
BINABASA MO ANG
LLS2: Magisch {Completed}
RomanceUmiikot lang sa pagkuha ng litrato ang buhay nya at tanging si Lovelily Lovell ang nag iisa nyang subject. Gusto nyang pasikatin ang dalaga dahil parang kapatid na ang turing nya dito kaya ng malaman nya na umuwi ito ng pilipinas sinundan nya ito at...