Mag iisang linggo na ang binata sa poder ng mga Lovell. Masaya sya habang kasama ang mga ito ngunit wala pa rin syang nakukuhang magandang tanawin maliban sa isang babae na ngayon ay tinitingnan nya. Mabuti naman at sumunod sya sa sinabi ko.
May payong na itong dala habang nagpipitas ng mga prutas, maliit lang ang payong nito na nakasabit sa ulo. Hindi nya maiwasang ma-cute-tan sa dalaga kaya palihim nya itong kinukuhanan ng litrato at lahat puro stolen shot. Nang tapos nya itong kuhanan may naisip na kalokohan ang binata
Napatigil ako sa pagpitas ng may dalawang brasong yumakap sa bewang ko
"Ang sipag sipag naman ng asawa ko at maganda pa." kinalabutan ako sa paraan ng pananalita nito masyadong mapang akit at ang hininga nito naaamoy ko kahit na nasa tenga ko ang bibig nito
"Hmm.... ang bango bango parin kahit babad sa araw" mas lalo akong nangilabot ng maramdaman ko ang hininga nya sa leeg ko
"A-ano bang ginagawa mo?" Nauutal na tanong ko
"Ano na sa tingin mo ang ginagawa ko?" Mapang akit na tanong nya napalunok ako at siniko sya
"Umalis ka nga, ang init init na nga dadagdag ka pa" pinipilit kong maging inis ang boses kaya lang nabigo ako dahil para lang akong bumulong nanghihina ang mga tuhod ko sa mga hawak nya
"Hmm... are you want me to remove the heat that you're feeling?" Hindi ko alam kung ako lang ba ito o sadyang may iba pang meaning ang tinutukoy nito
"Bastos!" Dahil sa inis ko hinarap ko ito at wrong move dahil nagtama ang labi namin, tumagal ito ng 15 segundo bago ulit ako natauhan at tinulak sya palayo sakin. Ang first kiss ko nawala! Ang first kiss ko...
"Sweet lips I ever taste. Bye asawa ko nakuha ko na ang gusto ko" preskong aniya na parang walang nangyari, nakatulala lang ako sa likod nya habang hawak ang dibdib ko na sobrang lakas ng kabog nito. Anong ginagawa mo sakin Ico?
Ganun din ang binata kahit na pinakita nyang presko lang sya sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso nya. Ano ba itong nararamdaman ko?
Dahil sa nangyari buong maghapong hindi nagpansinan ang dalawa, tanging silang dalawa lang ang nasa bahay dahil lumuwas ng maynila ang ate nya habang ang magulang nya naman ay nasa isa pa nilang bahay
Nanghapon bumalik sa bahay ang dalaga at nagluto ng may naramdaman syang tao sa likod nya hindi na nya ito kailangan lingunin dahil kilala nya kung sino ito
"Tapos ka ng maligo?" Tanong ko habang hindi nalingon sa kanya hangga't maaari iiwasan kong magtama ang mga mata namin dahil may iba akong nararamdaman habang tinitingnan ang mata nyang mapang akit at hindi ko malaman kung anong gustong ipahiwatig
"Anong niluluto mo?" Ramdam ko ang hininga nya sa batok ko nakaramdam na naman ako ng kilabot at kakaibang pakiramdam na hindi ko matukoy
"Adobo at fried rice siningang ko yung kanin na natira kanina" nakahinga ako ng maluwag ng lumayo ito
"Ako na maghahanda ng lamesa" tumango na lang ako kahit na alam kong hindi nya ito nakita
"Father the son the holy spirit amen, lord maraming pong salamat sa araw n ito salamat sa kaligtasan namin at ng mga taong mahalaha sa buhay namim, salamat at binigyan nyo kami ng pagkain sa araw araw na ito ganun din sa mga taong malapit sa amin, patawad po sa aming kasalanan. Amen" pagmulat ko ng mata nakita kong nakatitig sakin ang binata
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Ngumiti lang ito tsaka umiling. Ang gwapo talaga nito kapag nangiti
"Tara let's eat mukhang masarap itong niluto mo" hindi lang mukha, dahil masarap talaga yan
BINABASA MO ANG
LLS2: Magisch {Completed}
RomanceUmiikot lang sa pagkuha ng litrato ang buhay nya at tanging si Lovelily Lovell ang nag iisa nyang subject. Gusto nyang pasikatin ang dalaga dahil parang kapatid na ang turing nya dito kaya ng malaman nya na umuwi ito ng pilipinas sinundan nya ito at...