Tatlong araw na lang ang natitirang araw ng pagta-trabaho nya kay Hades at sa ilang linggong nagdaan parang hindi sya nagtrabaho kundi nagbabakasyon dahil ganun ang nararamdaman nya at masaya sya dahil may nagiging progreso sa kanila ni Gico pero hindi parin nito naiiwasan ang magselos 'kuno' hanggang hindi nya parin nasasabi dito ang nararamdaman nya because she hates rejection at isa pa ayaw nyang masaktan lalo na't mukhang wala ring gusto sa kanya ang binata.
Mas gusto nya pang maging nega kesa maging assuming dahil mas masakit mag-assume kesa mag isip ng mga bagay na nega atleast dun hindi ka na gaano masasaktan sa kahahantungan dahil alam mong ganun nga ang kakalabasan. Expect the Un-expection.
Ngayon naglalakad sya patungong opisina ni Hades dahil may kailangan silang pag usapang importanteng bagay. Binati sya ng mga empleyadong nakakasalamuha nya. Magkabusiness-partner ito at ang kanyang pinsang demonyo
Speaking of that devil kamusta na kaya yun?
"Where is your boss?" Tanong ko sa secretary ni Hades
"Nasa opisina nya po Ma'm. Bakit po? May appointment po ba kayo kay sir?" Umiling ako sabay sabing
"May kailangan lang kaming pag usapan. Ciao!" Akmang pipihitin nya ang doorknob ng pigilan sya ng sekretarya
"Huwag po Ma'm bilin po kasi ni sir huwag silang iistorbohin"
"Sila? May kasama sya? Babae o lalaki?" Namutla ito sa tanong nya
"Naku Ma'm girlfriend po ba kayo ni sir?" Hindi sya naka-imik dahil hindi sya makapaniwalang pinagkamalan syang girlfriend nung ewan na yun
"Babae po kasi ang kasama ni sir akala ko nga po iyon ang girlfriend nya dahil sya po ang kauna unahang babaeng dinala at mukhang kinidnap pa ni sir dahil bibit nya po ito ng parang sako habang nagwawala" natawa sya naipinagtaka ng kausap, lalo syang nakaramdam ng curiousty ngunit tila nakilala na nya agad ang babaeng kasama ng kaibigan.
"Anong pangalan nung babae?"
"Naku Ma'm huwag po kayong magalit sa kinwento ko, bilang girlfriend po ni sir kailangan nyo pong malaman ang pinaggagawa ng nobyo nyo" tumango na lang sya kahit na gusto na nyang sumuka dahil pinagkamalan syang nobya ng binata.
"Core yun po ang pangalan na narinig ko kanina" bigla syang napangsi mukhang hindi ko na kailangan pang maging cupid para sa mga ito dahil kumikilos na pala ang binata.
Umalis na sya sa opisina ng kaibigan. Nakatungo lang sya habang naglalakad wala syang maisip na gawin at gustong puntahan, parang biglang naging blanko ang isip nya.
Napaangat sya ng tingin ng makitang may sapatos na nakaharang sa daan nya
"G-gico? Anong ginagawa mo dito?"
"Hmm..... stalking you?" Namula ang pisngi ko. Bwusit talaga ang lalaking ito bumabanat ng wala sa oras.
"Ahmm..... Love, wala ka bang balak pumunta sa bahay nyo?" Hindi ko inaasahan na tatanungin nya sakin yan
"*sigh* Actually napag isipan ko na yan"
"Anong sagot? Oo o hindi?"
"Hindi pa. Huwag ka munang re-react e-explain ko sayo kung bakit hindi ang sagot ko"
"Nasa isip ko kasi puntahan sila kaya lang.... ang konti ng araw na magkakasama kami kaya naisip ko magbabakasyon ako ng dalawang lingo, tatlo or baka isang buwan para magkaroon talaga kami ng family bonding miss na miss ko na rin kasi sila"
"Maganda yang idea mo kaya lang kalian?" nagkibit balikat ako
"I don't know either. Basta ang alam ko mangyayari yun" pareho silang nagkatinginan ng sabay tumunog ang selpon nila
BINABASA MO ANG
LLS2: Magisch {Completed}
RomanceUmiikot lang sa pagkuha ng litrato ang buhay nya at tanging si Lovelily Lovell ang nag iisa nyang subject. Gusto nyang pasikatin ang dalaga dahil parang kapatid na ang turing nya dito kaya ng malaman nya na umuwi ito ng pilipinas sinundan nya ito at...
