Dream

1.1K 32 0
                                    

Last day ko na at bukas ng madaling araw aalis na ako papuntang State. Malalayo na ako sa pamilya ko at matutupad ko na ang pangarap ko. Ang bilis ng panahon parang kahapon lang naiyak kami dahil sa balita sakin at ngayon naman ay ang araw na aalis upang tuparin ang mga pangarap ko.

Nakatingala lang sa magandang ulap ang dalaga habang nakapikit ang mga mata at dinadama ang simoy ng hangin magaganda ang kinang ng bituin sa kalangitan. Minulat nya ang mga mata at may luhang pumatak sa pisngi nya. Tahimik lang syang naiyak, na parang takot na may makakita sa mga luha nya. Hinihintay nya lang ang sundo nya at lilisanin na nya ang lugar na kinalakihan nya, ang lugar na kalahati ng pagkatao nya pero maliban sa mga ito may isa pa rin syang rason kung bakit sobra syang nalulungkot. Ang lalaking dalawang linggo hindi nagparamdam sa kanya ang lalaking nangangalang Gio Spiel. Ang lalaking mahal nya.

Mahal mo ba talaga ako? O isa lang itong laro? Nasan ka ba? Bakit hindi ka nagpaparamdam? Nakalimutan mo na ba ako?

"Ang ganda ng panahon pero bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa?" Napantingin ako kay ate at ngumiti ng pilit

"Ate ganito rin ba ang nararamdman mo nung iniwan mo kami at pumuntang ibang bansa?" At nung panahong hindi ka pinigilan ng mahal mo sa pag alis? Gusto nyang idagdag ngunit mas minabuti nyang sa sarili nya na lamang iyon. Umupo ito sa tabi ko habang hinihimas ang tyan nya. Halata na ang pinagbubuntis nya ngunit hindi pa rin nawawala dito ang ganda ng katawan.

"Mas malungkot pa dyan dahil dumagdag ang pagiging heart broken ko at pag iwan sa pamilya ko pero kahit ganun hindi ko maiwasang ma-excite at matuwa dahil matutupad na ang pangarap natin" naiiyak na sabi nito. Parehas pala ang nararamdaman namin ni ate, magkapatid nga talaga kami.

"Tama ka ate hindi ko maiwasang ma-excite at matuwa dahil matutupad na ang pangarap ko at pangarap mo sakin" hinawakan nito ang pisngi ko at pinunasan ang luha gamit ang hintuturo.

"Ang ganda ng singsing na ibinigay sayo ni kuya" bulalas ko na mapansin ang singsing nya na kulay light pink na may kulay silver dahil sa design nito na nakaukit ang pangalan ni kuya Ramel na asawa na ngayon ni ate.

"Bagay na bagay sa kamay ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kami ang nagkatuluyan eh patay na patay yun sayo." ngumiti lang ako

"Huwag kang mag alala ate ikaw naman ang bumuhay sa patay nyang puso at ikaw na ang buhay nito." namula ang pisngi nya sa sinabi ko

"I know right. Sa ganda ba nitong ate mo. Sino ang hindi mahuhumaling at maaakit." pagmamayabang nito at ngumiti pa ng nakakaakit na ikinatawa ko

"Hay ang asawa ko talaga GGSS talaga." kumento ni kuya na bigla bigla na lang yumayakap sa likod ni ate napailing na lang ako, maglalambingan na naman ang dalawang ito.

"Maiwan ko na kayo dyan" akmang tatayo ako ng pigilan nila ako pareho

"Love nagmamadali ka ba? Wala pa ang sundo mo bat aalis ka na?" Tanong ni kuya Ramel

"You know the reason" sagot ko at iniwan sila na may ngiti sa labi.

Hangga't maari gusto ko munang mapag isa para masanay na ang pakiramdam ko para sa oras na pumunta ako sa ibang bansa kahit na alam kong may posibilidad na bisitahin ako nila ate at kuya dun ayoko pa ring umasa. Ipinanganak tayong mag isa at pwede rin tayong mabuhay na mag isa. Pero hindi ko alam sa sarili kung bakit ayaw ko ng idea na yun lalo na pumapasok sa isip ko ang lalaking gustong gusto kong makita bago ako umalis pero mukhang malabo mangyari yun. Ano ba ako sa kanya? Isa lang akong kapatid ng modelo nya na sinabihan nyang gusto ako.

Naudlot ulit ang pagmumuni ko dahil sa DEMONYONG nagtakip ng mata ko. Kailan ba ako magkakaroon ng quality time yung ako lang?

"Hulaan mo kung sino ito?" Parang batang sabi nito napaface palm naman ako. Seryoso pahuhula nya sakin kung sino sya? Ano to gaguhan? Eh boses nya pa lang alam ko na

LLS2: Magisch {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon