In love

1.5K 31 0
                                    

Laging magkasama si Love at Ramel at palaging malungkot ang mukha ng dalaga na laging napapansin ng binata. Hindi pa rin sila nagpapansinan ni Gico at hindi nya pa rin matukoy ang nadadama nya sa binata.

"Tapatin mo nga ako Love--" napatigil ang pag uusap nila ng tumunog ang ringtone ni Ramel

"Sige sagutin mo muna yan baka importante" nakikinig lang ako sa usapan nila na hindi ko marinig dahil mahina ang boses ng nasa kabilang linya at nagulat na lang ako ng sumigaw ito ng NEVER! Ano kayang pinag usapan nila?

"Sino yun?" Tanong ko pagtapos nyang ibaba ang selpon

"Bunsong kapatid ko." Nakabusangot na saad nito

"Si Cara? Bat ka naman sumigaw?" Ang alam ko kasi mahinahon sya kapag si Cara ang kausap at ito ang unang beses na narinig kong sinigawan nya si Cara pero bakit?

"Sabihan ba naman akong inlove kay Lily, she just my best friend" binigyan ko sya ng tingin, tingin na may kahulugan.

"Best friend nga lang ba? Alam mo kuya bagay kayo ni ate" panunukso ko sa kanya namula ang tenga nito. Isa sa nalaman ko tungkol sa kanya nitong nakaraang araw, namumula lagi ang tenga nya kapag inaasar ko sya kay ate Lily na pinagtataka ko

"Yung totoo kuya atin atin lang naman eh. May gusto ka ba kay ate?" Napansin kong natulala ito at natigilan

"Bago ko muna sagutin yang tanong mo may nararamdaman ka bang laging nakasunod sa atin?" Hinampas ko ang braso nya dahil sa pag iiba nya ng usapan

"Kuya naman alam mo namang takot ako sa multo tinatakot mo pa ako"

"Hindi iyon ang tinutukoy ko" napakunot ang noo ko

"Edi ano?"

"Tao"

"Teka kuya parang iniiba mo na ang usapan" napakamot ito sa batok

"Akala ko lulusot na pero seryoso meron talagang nasunod satin" lumingon lingon naman ako ngunit wala akong nakita

"At sino naman iyon? Impossible namang si ate dahil busy iyon palagi" ngumisi lang ito sa akin, ngising may gagawing kalokohan

"There's only a way to find out"

"Ano naman yun?" Nagtaka ako ng lumapit ito sa akin sobrang lapit konti na lang magdidikit na ang mga labi namin

"Kuya..." kinakabahang aniya

"Shh..... calm down wala akong gagawing masama--" bago pa ito makalapit sa akin nakita ko na lang itong nakahandusay sa sahig

"Kuya!!" Tili ko at akmang lalapitan ito ng may humila ng braso ko

"Calm down. I tould you may nakasunod nga sa atin" napatingin ako sa taong nanlilisik ang mata habang nakatingin sa kanya. Ibang iba ang Gico na nasa harap ko

"I-ico..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hinila nya ako nilingon ko si kuya Ramel na nakathumbs up pa sa akin. Ang lakas talaga ng tama ng isang iyon.

Nakahandusay lang ang binata na walang balak tumayo

"Gusto mo ba ang pwestong yan?" Rinig nya ang boses na masungit na si Lily bigla syang napangiti at dali daling tumayo upang yakapin ito. Nagulat sya sa ginawa ko at kahit rin ako nagulat pero wala akong pakialam namiss ko sya ng sobra. Palagi na lang nya kasama yung lalaking halatang may tama kay Love

"I miss you." niyakap nya ako pabalik at nakaramdam ako ng saya ng sinabi nyang namiss nya rin ako

"Pwede ka ng bumitaw." umiling ako at lalong siniksik ang ulo sa leeg nya, namiss ko ito yung ganito sya kalapit sakin pakiramdam ko inaagaw sya sakin.

LLS2: Magisch {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon