DAY 2
Busy si Love sa pagbabasa ng libro sa library ng lolo nya ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang pinsan nyang nakangisi ng nakakaloko. May kalokohan na naman itong gagawin. Walang duda.
"Kailangan mo?" Masungit na tanong nya
"Tawag ka ni Lolo kahapon ka pa daw nya hindi nakikita" pagkadating kasi nila kahapon wala ang lolo nya at kinabukasan pa ito dadating, maaga syang nakatulog kahapon pero tanghali na nakagising. Pagtapos nyang maligo dumeretso sya agad sa library upang maglibang. Tiniklop nya ang librong binabasa nauuna syang maglakad habang nakasunod sa kanya si Teufel
"Love." napatigil sya sa paglalakad ng marinig ang seryosong boses nito
"Bakit?" Tanong nya ng hindi lumilingon
"Hangga't maari huwag mo munang ipapaalam kay lolo na aalis ka"
"I already know that" at naglakad ulit sya
Sa kanilang tatlo alam nya at ramdam nya na sya ang paborito ng kanilang lolo sumunod ang kapatid at huli ang pinsan gawa na rin ng ugali nito na ayaw na ayaw ng matanda
Pagbaba nya sa hagdan napansin na agad sya ng lolo nya at masaya syang binati. Bakas na bakas ang saya sa mukha nito, sayang nakikita nya tuwing nagkakaharap sila.
"Good evening apo. Aba'y lalo ka atang gumaganda may nobyo ka na ba apo?" Natawa sya sa sinabi ng kanyang lolo at umiling
"Si lolo talaga napakabolero. Wala po akong nobyo." pinagsilbihan sya ng mga katulang ngunit kinuha nya sa mga ito ang mga dala.
"Ako na po, salamat po" magalang na sabi nya at ngumiti sa mga ito ngumiti rin pabalik ang mga katulong
"Mabuti naman alam mong binobola ka lang ni lolo asa namang maging maganda ka" nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa lalaking nakatayo sa likod ko. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Alam mo Teufel kung naiinggit ka dahil sinabihan ako ni lolo ng maganda pwede ka namang magrequest na sabihan ka rin nya ng maganda hindi yung ako yung pinopotarya mo. Selos lang teh.?" natawa sila dahil sa sinabi ko at sa reaksyon ng demonyo kong pinsan, namumula ang buong mukha at ang sama sama ng tingin sakin na binelatan ko na lang
"Ano ang gusto mong palabasan? Na bakla ako?" Napangisi ako dahil sa sinabi nya. Gotcha boy!
Ito ang isa sa gusto kong ugali nya, kapag napipikon sya sinasabi nya kung ano ang nasa isip at puso nya ng hindi nagdadalawang isip. Para lang syang nadulas at may sinabi ng isang sikreto na hindi nya namamalayan dahil ang atensyon nya ay nasa eksenang nadulas sya.
"Ikaw ang nagsabi nyan hindi ako" sabi ko habang nagsisimulang kumain
"You're died Love Lovell" I just shrug my shoulder and eat my lovely food. Today everything is LOVEly. And I want it to start to him. My lovely cousin.
Kanina ko pa sinisipat ang selpon ko kung nagtext na sya ngunit nabigo ulit ng makitang wala manlang katext-text kahit isang text o missed call. Nakabusangot nyang binaba ang selpon at patabog na kinuha ang libro
Maghapon akong nakakulong sa library at maghapon ko ring hindi nakikita ang aking pinakamamahal na pinsan. Note the sarcasm
Nakatutok lang ang atensyon ko sa article na binabasa. Its about a famous doctor who save many people in his young age and I want to meet him in person to say thank you because he save my lolo life. Nawala ang atensyon ko sa papel na hawak dahil sa paghulog ng isang bagay at alam ko kung sino ang may gawa nun
"Its seems like your late to annoy me"
"I never been late to annoy you my lovely cousin" I just roll my eyes in what he just said, naramdaman kong tumabi ito sakin
BINABASA MO ANG
LLS2: Magisch {Completed}
RomansaUmiikot lang sa pagkuha ng litrato ang buhay nya at tanging si Lovelily Lovell ang nag iisa nyang subject. Gusto nyang pasikatin ang dalaga dahil parang kapatid na ang turing nya dito kaya ng malaman nya na umuwi ito ng pilipinas sinundan nya ito at...