Hindi makatulog ng ayos si Gico bukod sa namamahay sya, hindi sya sanay sa papag matulog. Lahat na ng pwesto para makatulog sya ay ginawa na nya pero wala paring epekto. Nang nakadama na ng pagod ang katawan sariling pumikit ang mata nya at sa wakas nakatulog na rin sya.
Maagang nagising si Love. Sa kanilang pamilya sya palagi ang nagigising ng maaga at nakilos. Pagod ang mga magulang nya sa trabaho sa shop nila, dun dinadala ang mga prutas na pinipitas nya. Ang nanay nya at ate ang nagbabantay dun habang sila ng tatay nya ay sa bukid, sya ang nagpipitas at ang tatay nya ang nagtatanim
"Good morning" dahil bagong gising pa lang sya blanko pa ang proseso ng utak nya in short parang tulog pa rin sya
"Good morning din" at dere-deretso sya sa kusina upang magluto
Madali nya lang napagsabay sabay ang tatlong klaseng niluluto nya bukod sa sanay na sya marami pa syang gagawin
"Ang bilis mo pa lang magluto" kumento ng binata na kanina pa sya pinagmamasdan
"Kuya? Gising ka na agad. Ang aga nyo pong magising"
"Hindi kasi ako makatulog hindi rin ako sanay sa hinihigaan ko at isa pa binati kita ng good morning sumagot ka rin sakin kaya akala ko alam mo ng gising ako" pinamulahan ng pisngi ang dalaga
"Sorry po blanko lang po ang isip ko pagbagong gising. At sorry po kung hindi kayo nakatulog dahil sa sahig po kayo natulog" nahihiyang paumanhin nya
"Hahaha. Niedlich! Ok naman ako sa higaan ko and don't be shy when I'm around naiiling din tuloy ako. Makikipag kilala ulit ako ng porma para hindi tayo magka-ilangan" nahihiyang tumango ang dalaga
"Sige po"
"At isa pa yang po huwag ka masyadong po ng po sakin at huwag mo rin akong tawaging kuya, Ico na lang ang itawag mo sakin"
"Ico? Pero matanda po kayo sakin sabi po kasi nila inay gumalang sa nakakatanda at isa pa po hindi ko po maaalis ang paggamit ng po sa inyo nakasanayan ko na rin po kasi yun" napakamot na lang sa batok ang binata
"Hindi naman ako matanda dalawang taon lang ang itinanda ko sa inyo" paliwanag nito
"Pero kakasabi nyo lang po na 2 taon ang ITINANDA nyo sakin ibig pong sabihin matanda pa rin po kayo sakin" nasapok na ng binata ang noo. Grabe mas matigas pa ang ulo nito kesa sa ate nya
"Ok ok. Basta call me Ico no more kuya and less the word po"
"Ok po" hay grabe ang kulit talaga
"Ikaw pala ang naghahanda ng almusal nyo. Palagi mo ba itong ginagawa?" pag iiba nya ng usapan
"Opo-este oo ako lang kasi ang nagigising ng maaga sa aming apat at sa tanghalian at hapunan si ate ang nakatoka"
"Love.." biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Ano itong nadadama ako? piping tanong ng dalaga sa sarili
"Ang sweet naman ng pangalan mo. Love, love, love teka bat namumula ang pisngi mo?" Napatalikod sya sa binata
"Wala, dyan ka na muna, aalis lang ako" narinig nya pang tiniwag sya ng binata pero hindi nya ito nilingon
Bakit nararamdaman ko na naman ulit ito? Akala ko kahapon dahil lang to sa pagod pero ano ito? Wala pang alam sa pag ibig ang dalaga hindi nya pa kasi ito nararamdaman pero alam nya ang ibig sabihin nito at alam nya ring hindi pag ibig ang nadadama nya
Hindi sya nagsusuot ng panaklob tuwing napitas sya ng prutas kaya babad na babd ang katawan nya sa initan buong maghapon. Pawisan ang dalaga ng maabutan sya ng binata. Napalunok ito sa nasaksihan kahit na taklob ang katawan at hita nito hindi maitatanggi ang lakas ng sex appeal nito. Hawak hawak nya ang camera dahil napagdesisyonan nyang manguha ng litrato habang nandito sya at mukhang may una na syang subject.
BINABASA MO ANG
LLS2: Magisch {Completed}
RomanceUmiikot lang sa pagkuha ng litrato ang buhay nya at tanging si Lovelily Lovell ang nag iisa nyang subject. Gusto nyang pasikatin ang dalaga dahil parang kapatid na ang turing nya dito kaya ng malaman nya na umuwi ito ng pilipinas sinundan nya ito at...