The First Meeting

155 0 0
                                    

Max's house

"First day, first sem. Grabe super excited na ako. Two years din inantay ko, bago ako naglakas loob mag-enroll. Buti nalang nakapasa ako sa exam, at dahil halos maperfect ko, inofferan ako ng 100% discount sa tuition fee, miscellaneous nalang babayaran ko. Malaking tulong kay mama yun, nacredit pa yung mga subject ko nung first and second year plus pwede pa akong magworking student." Masayang litanya sa isip ni Max habang nakaharap sa salamin.

"Max anak, bumaba ka na dyan baka malate ka pa niyan!" sigaw ng Mama niya habang inihahanda ang agahan nila.

"Opo Ma, pababa na po. Inaayos ko lang po bag ko." (*^_^*) "This is it Max! Kaya mo yan, you're just an hour closer to your dreams."

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Matt's house

Nang akyatin ng Mommy niya si Matt tulog na tulog pa ito at nakaheadset pa.

"Kaya naman pala di naririnig yung katok ko nakaheadset pa to." she turned off his phone.

[Dahil fave song ni Matt ang tumutugtog, nagising siya ng biglang patayin ng Mommy niya ang phone niya.]

"Mom! It's too early! Ano bang ginagawa mo dito?" nakapikit pa ring tanong niya.

"Early? Hijo, can't you see tirik na yung araw and you're still here lying! It's your first day at school, wag mong sasabihing tinatamad ka na naman." -_-

"WHAT?! First day?! Bat ngayon mo lang ako ginising Mom?!" dali-dali siyang tumayo, kumuha ng twalya at naligo.

Nangiti naman ang Mommy niya. She knows how her son loves the first week of school, but she didn't know the reason until now.

"Matt.. I really hope this time you'll be able to finish your third year. I saw your grades, ok naman pero when it comes to finals, di ka na pumapasok. Do you have the guts now to tell me the reason why you're doing this?" Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata ni Thea.

"Mom, you'll know it at the right time."

"Ok fine.. di kita pipilitin. Bilisan mo nalang dyan, and kumain ka kahit konti lang ha, niluto ko yung favorite mo."

"I will Mom, thanks!"

[After maligo, dali-daling siyang nagbihis at nagpagwapo. Binilisan din niyang kumain para makaalis agad.]

"Hijo, sandali! Di ka ba magpapahatid??"

"No Mom! This is my ritual every first week. Nakalimutan mo??"

"Okay, take care!" (^_^)

**************************************
Si Max naman nag-aabang na ng taxi ng mga sandaling iyon. Kahit sakto lang ang pera niya, napilitan siyang magtaxi nalang dahil malelate na siya sa klase.

"TAXI!! Para manong!!" (^_^) sasakay na sana siya ng biglang may isang lalaking sumulpot sa harap niya at inunahan siyang sumakay.

"Salamat Miss ha! (^-^) Sa Griffith Manong." sabay sara ng pinto.

Naiwang naghihimutok sa inis si Max.

"Kalma lang Max!! Baka naman kasi nagmamadali diba? Eh bat ako ba hindi! Badtrip! Malelate na ko!!" -_-!

Mabuti nalang may dumaan na jeep, napilitan nalang siyang magjeep kesa naman mag-antay ng taxi, rush hour pa naman.

"Naku pag nakita ko ulit yung lalaking sampal talaga ang abot niya saken."
<(`^')> sabay kapa sa bag chain niya. "Teka asan na yun?? Di pwedeng mawala yun, ang malas ko ata ngayon ah! Kasalanan to nung lalaking yun! Baka nasabit kanina." >o<

My Only GirlWhere stories live. Discover now