Cruz-Gonzales Group Of Companies

19 0 0
                                    

Maagang bumangon si Max. Di siya masyadong nakatulog. Magdamag niyang tinignan lahat ng photo albums sa kwarto ng parents niya. Muli niyang binalikan ang masasayang araw na kasama pa niya sila.

"O, ang aga mo naman nagising. Gutom ka na ba?"😧 busy si Thea na nagluluto ng biglang sumulpot sa likuran niya si Max.

"Naalala ko na po lahat Ma.. malaki talaga naitulong ng pagbalik ko dito sa Mansion."😢

Napatigil si Thea sa ginagawa at agad siyang niyakap.

"Sige lang anak iiyak mo lang. Atleast ngayon nabuo mo na yung pagkatao mo. Kailangan mo na ngayon harapin ang ngayon at future mo bilang Cruz."

"Ano pong ibig mong sabihin Ma??"

Siya namang pagdating ni Tito Nick.

"Panahon na para makilala ka ng Cruz-Gonzales Group of Companies. You're Maxine Angela Cruz. The only heir of all the businesses and properties na iniwan ng Daddy mo. It was all named after you."

"P-pero Tito.. di pa po ako handa.. kababalik ko lang.. tska di pa po ako nakakatapos ng pag-aaral."

"You don't have to worry about your studies. I will enroll you sa pinakamagandang university dito."

"Pero Tito.. ayoko pong dito magtapos. Nangako po kami ni Matt na sabay kaming magtatapos sa Griffith."

"Everything is different now hija. Our company needs you. And you need a good credential to handle such a huge company."

"P-pero..."

"Just do this for your parents."

That last words marked. Matagal na panahon din niyang nakalimutan ang tunay na magulang. At ngayon naguguluhan na siya dahil sa kagustuhang makabawi. Di maalis sa isip niyang masasaktan niya si Matt.

Pagkatapos kumain at mag-ayos. Tumuloy na sila sa puntod ng magulang ni Max.

Muling bumuhos ang luha niya ng makita sa unang pagkakataon ang libingan ng magulang.

"Hi Mom.. Dad.. Sorry po ngayon lang ako nakadalaw. Di ko naman po ginustong makalimot. Sa totoo lang, sobrang sakit po. Sobrang sakit na ang huling ala-ala niyo sakin ay yung araw na nawala kayo. Gusto ko pong bumawi. Kaya gagawin ko po ang lahat para mapangalagaan lahat ng ipinundar niyo para saken. Ayokong biguin kayo. Mahal na mahal ko po kayo."😭😭😭

Di na din mapigilang maluha ni Thea at Nick. Ramdam na ramdam nila ang lungkot na nadarama ni Max.

"Sana nandito ka Matt. Sana kasama kita ngayon. Kailangan kita."😢 sambit ni Max sa isip.

Si Matthew ng mga sandaling iyon ay tulalang nakaupo sa bench malapit sa gate.

"Bro, okay ka lang? Si Max no??" bungad ni Diego.

"Malakas yung pakiramdan kong may tinatago siya saken. Sa tingin ko hindi lang pagdalaw sa kamag-anak yung pag-alis nila. Dumaan ako kahapon sa bahay nila. Halos wala ng gamit. San ko siya hahanapin ngayon??"😟

"Hayaan mo muna siya.. baka naman may problema lang. Magpaparamdam din yun pag okay na siya. Magtatanong na lang din ako kay Moira."

Di pa rin maiwasang mag-alala ng sobra ni Matt.

Back to Maxine. After sa cemetery dumerecho na sila ng Griffith.

"GRIFFITH?! 😲 May Griffith din dito??"

"Oo Hija, at dito mo ipagpapatuloy ang pag-aaral mo."😉

"Talaga Tito??😊 Salamat naman."😁 napanatag na si Max na sa Griffith pa din siya magtatapos.

My Only GirlWhere stories live. Discover now