Natuloy ngang umalis sila Max, Thea at Nick papuntang America. Isa sa mga nakasulat sa wishlist ni Max ang makasakay ng eroplano at makapunta ng ibang bansa. Natupad nga iyon pero di niya malaman kung matutuwa ba siya o hindi dahil sa mga pwede niyang matuklasan pa pagdating nila sa Mansion kung saan siya ipinanganak.
3pm, touchdown, Nevada.
Habang nakasakay sa kotse di maiwasang mamangha ni Max sa mga nadadaanang structures and views. Sandali niyang nakalimutan ang lungkot sa biyahe nila papuntang Mansion.
"Maxine hija, di ka ba nagugutom? " pag-aalala ng Tito niya dahil mula ng umalis sila nanatili lang siyang tahimik.
Tanging iling lang ang isinagot niya at ibinalik na ang tingin sa may bintana. Napabuntong hininga nalang si Nick at Thea.
Pagliko ng sasakyan, isang malaking gate ang agad na nakita ni Max. Sandali siyang napapikit at tatlong batang naghahabulan ang bigla niyang naalala.
"Okay ka lang ba Max??" agad na tanong ni Thea ng makitang biglang napayuko ang anak.
"Wala po to Ma, baka napagod lang ako sa biyahe." 😔
"Andito naman na tayo hija, makakapagpahinga ka na." sagot naman ng Tito niya.
Pagbaba nila ng kotse, halos malula si Max sa laki ng Mansion na nasa harap niya.
"Tito??" 😲😲
"Oo Maxine, ito ang tunay mong tahanan. Welcome back sa Cruz Mansion. Dito ka pinanganak, lumaki at nakatapos ng hanggang grade 7." 🙂
Di niya maiwasang lalong malungkot sa isiping malaki talaga ang nawawalang parte sa buhay niya at di niya alam pano ibabalik ang lahat ng iyon.
Pagpasok nila sa loob, lalo siyang namangha sa ayos mula labas hanggang loob. Nilibot siya ng Tito niya sa buong Mansion, pero isang kwarto doon ang pumukaw sa atensyon niya. Di niya maintindihan kung bakit parang familiar sa kanya ang kwartong iyon.
"Hmmm... Hmmmm... Hmmmm.. " isang ala-ala ang bumalik sa kanya, ang kantang panghele ng tunay niyang Mommy.
Nangiti naman si Nick. "Yan ang madalas ihumming ni Ate Janine sayo habang pinapatulog ka. At itong kwarto this has been your Nursery Room."
Biglang tumulo ang luha ni Max. Bigla siyang nakaramdam ng pangungulila sa mga tunay niyang magulang.
"Tito... gusto ko pong dalawin yung puntod nila Mommy at Daddy.. " 😥
"Sige hija, bukas ng umaga pupunta tayo doon. Sa ngayon magpahinga ka muna. Ipahahanda ka lang yung dinner natin."
"Salamat Tito. At Tito gusto ko pong magstay sa kwarto ng Mommy at Daddy, san po ba yun banda??" 😞
Pagkahatid sa kanya ni Nick sa kwarto ni Janine at Maxx, bumaba na din si Nick. Naiwang mag-isa si Max.
Saglit palang siya sa Mansion. Pero ramdam ni Max ang mabilis na pagbabalik ng mga ala-ala niya.
"Wala silang binago... ganito pa din ang itsura ng kwarto nila... " 😥 muling tumulo ang luha niya ng makita ang isang nakaframe na picture ng mga magulang. "Mom, Dad.. I'm sorry po.. ngayon lang ako nagkalakas ng loob na harapin ang nakaraan ko. Natatakot po kasi ako sa mga pwede kong malaman. Pero ngayon kahit ano pang malaman ko, haharapin ko lahat ng iyon. Pipilitin kong maalala yung araw na nawala lahat sakin." 😥😥
Nakatulog siya habang yakap yakap ang picture ng magulang.
And a dream brought her back to the past..
"Matthew sama ka na samin please?"😟
"Sige sasama nalang ako paghatid sa inyo sa airport."☺️
"Talaga? Sige! Sige!"😊
Pagsakay ng kotse. Masayang nakibonding si Matthew sa mag-anak.
"Naku, tyak na malulungkot si Max niyan pag nagkalayo kayo Matthew.
"Nagpromise naman po ako sa kanya Tita na susunod ako. Sabay kaming magaaral sa Griffith. Diba Max??"😊
"Promise mo yan ha. Aantayin kita. Pakakasalan mo pa ko."😍
"Kasal agad hija?? Magtapos muna kayo."😀 napakamot nalang ng ulo si Daddy Maxx.
Natawa nalang si Matthew at Mommy Janine. 😂
Maya-maya tumugtog ang paboritong kanta ng Cruz Family. Sabay-sabay silang kumanta. Nakijoin nadin si Matt.. Nasa gitna sila ng kasiyahan ng biglang...
"Hon bakit??" 😧
"Parang... biglang ayaw kumagat ng preno."😰😰
"Ano?! Anong gagawin natin??"😰😰
"Max, Matthew kumapit kayong mabuti."😰
Sinubukang ibunggo ni Maxx sa puno ang sasakyan pero biglang may nag-cut sa kanila kaya mabilis na umiwas si Maxx lalo siyang nawalan ng kontrol kaya nagpaikot ikot ang kotse hanggang mabunggo ng malakas sa isang poste.
Nawalan ng malay si Max at Matthew. Niyakap ng mahigpit ni Matt si Max. Pero sadyang malakas ang impact kaya halos nabalibag din sila kaya nabali ang braso ni Matt. Si Max naman ay nagkaron ng head injury.
Paggising ni Max nasa ospital na siya kasama si Mama Threa. Sumasakit pa din ang ulo niya. Pero ang masaklap wala na siyang maalala.
At dun na naputol ang panaginip niya. Hinihingal at lumuluha siyang napabalikwas ng bangon.
"Mommy.. Daddy.. naaalala ko na po. Naaalala ko na po lahat."😭 iniyak nalang ni Max lahat ng sakit na nanumbalik sa kanya.
Bukas haharapin na ni Maxine ang buhay na buo na siya. Hindi niya alam pano magsisimula ulit pero ang mahalaga ngayon kilala ni niya ang sarili niya.

YOU ARE READING
My Only Girl
FanficMatt is known for his "playboy" image. While Max is such a strong but innocent girl who will do everything to reach her dreams. What if their lives cross? Will there be a spark? Will love blossom? or a long, lost connection will be brought back? **t...