(1) For the Hundredth Time and A Leap of Faith (★)

548 11 7
                                    

(1) For the Hundredth Time and A Leap of Faith

Nakaupo ako sa aking napakalambot na higaan, hawak-hawak ang cellphone ko, isang hapon ng Linggo. Bestbud-bonding namin ni Chen ngayon. Naging hang-out na niya ang bahay ko at paborito niya ang kwarto ko. Pano, bukod sa malambot ang kutson ng higaan ko, meron pang window couch. Dun naman ang paborito niyang tambayan. Napakaganda kasi ng view mula dun – yung nakikita mo yung kalawakan na maraming bituin pag gabi? Nakaka-relax.

Nakita ni Chen mula sa kinauupuan niya sa window couch yung koleksyon ko ng libro ni Saccharine sa study table ko. May maliit na distansya na kina-kunot ng noo niya. Inilipat niya ang tingin sa drawer na katabi ng kama ko. Yung For the Hundredth Time, nakapatong doon. Napabuntong-hininga si Chen, sabay ngumiti. "Girl, lagi kong nakikita yang book cheverloo na yan. Ilang beses mo na ba ni-read yan, ha?" Tanong niya.

Ah, pasensya na. Yung bespren ko, conyo at maarte yan e. Medyo obvious naman sa pananalita niya, kasabay ng kumakalansing niyang mga bracelet at kung anu-anong abubot sa katawan. At oo, napakagaling din manamit niyan. Parang nagmomodel yan sa university araw-araw e, baklang babae ang peg.

                "Huh? Hmm. Third time. O siguro nakasampu na, hindi ko lang alam. Mahiya ka sa adik." Tumawa lang ako. Kasalukuyan kong katext ang boyfriend ko kaya naman di ko masyadong naaasikaso si Chen. Natahimik ang paligid samantalang ako, nakatuon parin ang pansin sa phone, nakangiti pa nga.

"Oo hiyang-hiya na ko. Anong pinaglalaban mo niyan?” Ewan ko kung bakit pero natawa nalang siya sa sinabi nya. Tapos, itinuloy pa niya, “so that makes it a favorite among all the books? Lahat talaga ng book niya kinokolekta mo?" Tanong niya at ramdam kong papalapit siya sakin.

"Well… Yes - for the first question," pansamantala akong tumigil sa pagtitext at humarap sa kanya para kausapin siya. "For the second question, nope. Siyam palang na libro niya ang meron ako. Sa pagkakaalam ko, 14 lahat. Coming yung pang-14. So I guess, kailangan ko pang bumili ng lima. Wala pang budget e. Saka madalas out-of-stock." Pagtutuloy ko.

"Yaman mo, teh!" Umupo siya harap ko saka nahiga. Ang lakas pa ng dagundong ng kama.

"Oo noh, basta si Saccharine." Napangiti ako pagkatapos kong mabanggit ang pangalan niya.

"Oh, ikaw na inlab sa otor." Nag-straightface siya, hindi ko alam kung pano niya nagagawa yun! Basta alam ko nalang pag naka-straightface siya. "Pero, maiba tayo. Ang sarap talaga sa feeling dun sa window couch mo... Nakakarelax!"

 

Binitawan ko muna ang phone ko at ipinatong sa drawer. Humiga ako sa tabi ni Chen, pareho kaming nakatingin sa kisame ko na pinuno ko ng sangkaterbang stars. "Eh kaya nga ko may ganyan eh, para pag stressed, may pang-relax! Duh?"

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon