(5) Enchanted to be with you (★)

287 6 2
                                    

(5) Enchanted to be with you

(REN)

8PM narin. Pumasok na ko sa bahay. Kahahatid lang sa'kin ni Gerard eh. Haaay. Grabe! Nakakahiya mang aminin (dahil may boyfriend na ako) pero ang GWAPO niya. Promise! Ay. Ang landi ko lang? May boyfriend na nga, nag-e-echos pa ng pogi. Kakaloka ako.

Dumiretso agad ako sa kusina at nagsimula na akong mag-init sa microwave oven ng ulam na nailuto ko kahapon. Naglagay narin ako ng konting kanin sa isang plato. Naglagay muna ako ng tubig na maiiinom sa baso saka ako umupo sa upuan sa may mesa.

Pero, totoo lang. Gwapo siya. Siyempre, hindi joke yan. Alam mo yung kinikilig ka kahit may bf ka na? Pwede ba yun? Eto naman kasing si Gerard eh. Alam mo yun, para kasing ang perfect niyang tao. Yung mata niya, medyo singkit, pero maganda at itim na itim, kitang-kita kahit may salamin siya. Though wala naman siyang salamin madalas. Ngayon ko nga lang nakita yun eh. Pero mukhang mas bagay sa kanya. Hindi siya gaanong maputi pero super attractive talaga. Yung build-up ng katawan niya eh hindi sobra, at hindi din kulang. Yung… tama lang. At yung pabango niya. Ohhhhhh – it smells like heaven. Ngayon lang ako naka-amoy ng ganung klaseng pabango. Mukhang mamahalin.

Wow, stalker lang? Siyempre, hindi. Naobserbahan ko lang kanina nung magkasama kami. Isa akong magaling na observer noh.

Pero yun nga. Hindi pwede ‘to.

Asa, Ren! May bf ka na, ui. Sinampal-sampal ko ang sarili ko para gisingin ang diwa ko sa katotohanang hindi naman ako single para kiligin sa ibang lalake.

Sinimulan ko nang kunin ang ininit ko at inilapag ito sa mesa. Kakain na sana ako nang nagring ang telepono.

Parang sinasabi niyang... Tama na ang pagpapantasya sa isang napakagwapong nilalang.

"Hi, Ren, wazzup?" Sabi sa kabilang linya.

 

"Kung maka-90s lang, girl? Gabi na po, miss Chen. Matutulog na po ako pagkatapos ng konting pagkain. And that is my answer to your ‘wazzup?' Wazzup wazzup ka pa kasi."

"Ay? May period? Rob is finding you kaya. Sabi mo daw pupunta ka ng bookstore, pero hindi ka nagpasundo…"

OMYGerard. Oo nga, nakalimutan ko siyang i-text! Kill me now. "Ah… Ano kasi. Oi, Chen. Manahimik ka ha. Sa'yo ko lang sasabihin ‘to." Siyempre, wag na akong umasa. Bukas, alam na ‘to nila Air at Ola.

"Ano yun?"

 

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon