(6) The Confession and Some Acts of Chivalry. (★)

274 7 1
                                    

(6) The Confession and Some Acts of Chivalry.

(G)

Nagiging close na kami ni Ren. Ayos di ba? Well. Hiniram ko pala yung libro niya ng For the Hundredth Time. Balak ko sana siya bigyan siya ng personal message sa loob. Nakakataba kasi ng puso. Nakakilala ako ng fan. At crush ko pa. Parang ewan lang.

Teka, ano daw? CRUSH talaga? O sige na, pagbigyan niyo na ako.

Kasa-kasama ko ang mga babaeng ‘to every weekend, gumagala. Pero, hindi naman naaabala ang mga pag-aaral namin. Heto nga, kakatapos lang ng Preliminaries namin. Ambilis din ng paglipas ng panahon – August na. Isang buwan na lang, -ber months na. Magpapasko na naman.

Pero kung kailan naman kami naging close ng mga ‘to, lalo na kay Ren, saka naman may nangyaring hindi ko talaga inaasahan.

Isang Linggo ng hapon, two weeks after the preliminaries, nakasalubong ko si Chen sa department store. Bibili sana ako nun ng gift wrap. Naisipan ko kasing ibalot ko pa yung libro ni Ren para mas cute.

Iniisip ko kung papansinin ko si Chen, pero ang rude naman kung hindi, di ba? "Hi, Chen!" Bati ko sa kanya.

"Hi, Gerard! Andito ka pala!"

"Ay hinde, nandun ako." Sabay turo sa likuran ko. “Baka statwa ko lang ‘tong nakikita mo.” Tumawa na naman ang utak ko. Tss. Nakikiuso na naman kasi ako. Buti nalang tumawa din si Chen, pero siyempre, alam na, dahil sa ehem ehem... AKIN.

"Bakit ka andito?" tanong niya pagtapos tumawa.

"May bibilhin lang ako." Tumingin-tingin ako sa paligid. Medyo na-o-awkward-an na ako sa sitwasyon namin. Ewan ko, basta awkward. Pero, tinuloy ko parin ang usapan habang naglalakad-lakad na kami. "Ikaw ba?"

"Ah, eto. Bumibili ng panregalo." Nakita ko nga yung basket na dala niya, punong-puno na pala ng mga kung anu-anong regalo. Nakita ko na ata ang tunay na Santa. At tumawa na naman ang wild kong imahinasyon.

Sa totoo lang, ang aga niya mamili. Sayang naman kung magkakaroon pa ng sale sa November o early December. Well, malay ko ba kung ganito siya kaagap at ayaw niyang makipagsiksikan pag Christmas Rush.

Gayunpaman, dahil gentleman ako, naisip kong buhatin ang basket na dala niya. "Samahan na kita. Gift wrap din lang ang bibilhin ko." Ewan ko kung bakit ko ginawa yun, pero gentleman nga siguro ako kaya, sige, papanindigan ko na. Mabait naman ako eh.

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon