(16.3) The Bro Code (★)

28 0 0
                                    

(16.3) The Bro Code

(GREY)

"That's what happened, Xav." Pagtatapos ko. Si Xav naman, nganga lang. Naiiisip niya siguro yung kasungitan ni Laurren.

Nagbukas muna siya ng isa pang lata ng beer bago sumagot. "So that means, kailangan ko rin siya makausap?"

Inabutan niya ako ng isang lata. Binuksan ko muna at uminom saka sumagot. "I guess? Hindi ko alam. Pero sa tingin ko... oo, dapat makausap mo siya. Para malinawan siya sa lahat."

Napasandal kami pareho sa couch. Kambal nga kami. "Pero pano? Baka galit yun satin."

"That's for sure. But we need to make it all clear to her. Kaya kailangan kausapin mo siya. If possible, yung magkasama tayo."

"Kailan naman?"

 

 

"Palipasin muna natin ang galit niya sa ngayon. I’ll fly back to Alabama, fix some papers and talk to mom, first. Siguro next week or the next week after that," pagpa-plano ko. Next week is not bad; maybe Laurren had already steamed off that time. I’ll just make sure I’ll return here within that span of time.

"Sige."

Tumayo ulit ako at kumuha ng apat na beer sa ref, at ng chichirya sa taas ng ref tapos dinala ko sa sala para mapagsaluhan namin. Tumingin ako sa orasang nakasabit sa isang dingding sa sala namin at napansin kong mag-aalas-tres na pala ng madaling araw. Grabe kami magbonding nitong si Xav ah.

"How's Eclaire?" Tanong ko pagkaupo ko. Inabutan ko naman siya ng isang lata ng beer at saka binuksan yung beer ko.

"Good enough. Date kanina," matipid niyang sagot. Isn’t he that happy?

"Wow. San naman?"

 

 

"Dun sa amusement park. Dun kami una naging close..." Napangiti si Xav matapos sabihin iyon. I think he likes Eclaire that much.

"That's great!"

"Yeah. I do hope gumaling na siya... " Ah—so that’s what’s bothering him kaya hindi siya makasagot ng masaya.

I’m not the kind of person who gives up easily so I encouraged my brother to still hope for Eclaire’s wellness. "Gagaling din siya. Wag kang mag-alala, Xav. I know gagaling siya.”

“Salamat bro.” Napangiti ulit siya.

Uminom ako pagkatapos. Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Narinig ko pa ang paghinga niya ng malalim. "Hindi na kita kakamustahin kay Ren." Natatawa pang sabi niya.

"Malamang. Nakwento ko na kanina eh," pagpipilosopo ko naman na sinabayan ko ng ngiti.

Biglang sumiryoso si Xav. "Pero bro, ayos lang yan."

Inubos ko na yung natitirang beer at binuksan yung isa pa. "Oh," Inabot ko sa kanya yung isa pa.

"Salamat." Uminom muna si Xav bago nag-open ng bagong topic. "Ano pala plano natin kay Ren?"

 

 

Napahinga ako ng malalim. Nung narinig ko yung pangalan ni Laurren, parang naubusan ng tibok yung puso ko. Alam ko namang nasaktan namin siya ni Xav, pero, paano naman yung prinoprotektahan namin? Napailing na lang ako. "Oo nga eh. Yun yung kanina ko pa iniisip. How do we deal with her now?"

Napabuntong-hininga din si Xav. Nararamdaman ko na kung gano kahirap ‘tong sitwasyong pinasok namin. "Bahala na, bro. Kaya mo yan—hindi--kaya natin to. Sa ngayon, lubusin muna natin ang mga panahon na magkasama tayo."

"Lasing ka na Xav.” Dinaan nalang naming sa tawanan ang kaseryosohan namin. “Ang cheesy mo!" Dugtong ko pa. Close talaga kami nito ni Xav, kahit magkalayo kami.

"Pagbigyan mo na ako. Minsan lang tayo nagkakasama. Kung bakit kasi kay bitter nina mama at papa sa isa't isa." Still quite heartbreaking to hear our mom and dad are not in good terms, pero yun nga, may mga bagay na dapat na lang naming tanggapin. Kasi ganun na talaga—hindi na sila magiging okay.

"Oo nga eh. Pero... wala naman kasi tayong choice noon. Bata palang tayo. Naging tug of war yung laban tapos nahila ako ni mama. Ikaw naman kay papa," pag-aalala ko.

"Hay, tama na nga yang drama na yan. Nakakasuya na.” He said. Alam kong masakit din kay Xav, sp O brushed the idea off my mind. “Basta bro, dapat makumbinsi mo si mama ha?"

"Oo. I'll try my very best."

 

 

"Well, that's my bro!"

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon