(8) Flash Forward And it All started. (★)

267 4 0
                                    

(8) Flash Forward And it All started.

(G)

Nung mga sumunod na araw, wala pa kaming gaanong na-praktis. Naging busy kasi ang mga tao. Yung ibang instructors, grabe magpa-requirement. Hindi pa kasi ayos yung script. Pinaayos ni Ren yung script sa isang Yuca ang pangalan. Dahil wala pang sript, pinabasa muna ni Ren sa mga kaklase naming yung libro. Mas mapapadali daw kung alam na yung content. Nakapag-assign narin naman ng mga parts. Meron na ring mga nagaasikaso ng costumes, props, ganun. Malapit naring matapos ang mga yun. Praktis nalang kulang.

Nung Christmas break naman, wala naman masyadong nangyare samin ni Ren bukod sa magkatext lang at... yun lang talaga. Siyempre, kailangan mapag-usapan yung plano para sa Musical Competition. Hindi ko pa nakikita boyfriend nun... Sino kaya? Parang curious naman daw ako. Pero... Curious na talaga ako.

Eto na. Resume of classes na. Parang kailan lang, break palang. Sometimes, we just have to wake up, stop dreaming, and head to school. Sa ayaw at sa gusto natin.

As usual, dahil nakasanayan na rin ng ibang mga instructors, walang masyadong ginagawa pag ganitong resume, lalo na't ang huling araw sa school last year eh exams – preliminaries for the second semester. Pero sa English class, it’s different.

Papasok palang ako sa room nun, nakita kong nagdidistribute na si Ren ng mga papel. Yun na siguro yung napag-usapan naming flow. Pati narin siguro yung mga linya na kakantahin nila... Nilapitan ko si Ren para tulungan siya. Gentleman ako! Wag na kayong umangal, tanggapin niyo nalang.

 

"Hi, there." Bati ko.

"Hello." Kinuha ko na yung ibang papers sa kamay niya at nagsimulang magdistribute sa mga katauhan.

"Musta Christmas break? Ay... nga pala. I have something for you." I smiled, and I hope it's the greatest smile she ever saw. "Ibibigay ko mamaya." Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to kahit alam kong pinapakumplikado ko lang lahat ng bagay, pero... hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. It’s too hard to just neglect these feelings, lalo na’t habang tumatagal, lumalalim.

"Oh. It's fine... Ikaw ba? Nako sorry ha... wala akong gift sa'yo. I was running short. Alam mo na, pag break, walang allowance." She smiled, and I guess her smiles were the greatest I ever saw. Nag-umpisa na akong mag-daydream ng mga magagandang bagay na pwedeng mangyari kung magkakatuluyan kami ni Ren. "Uh, Gerard?" She called. Oh. Did I just daydream-ed in front of her and everyone else?

"Ay. Oh... I'm so sorry. Ah. Yeah. Ok lang yan." I just winked at her, so to compensate... The tricks of a really handsome guy.

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon