(14.1) What She Really Needs To Know. (★)

43 1 0
                                    

AN: Another rip-off. This one's from chapter 14. Sorry, I just had to do this.

-----------------------

(14.1) What She Really Needs To Know.

(Ren)

Pag-uwi ko ng bahay, mga 6PM narin, dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Binuksan ko kaagad yung laptop ko, yung blog ko. Pinaalalahanan ko yung sarili ko na tama ang ginawa ko. Pero nung naisip ko na hindi tama yung paraan ng pagtatapos namin ni Rob, isinara ko na yung laptop at humiga nalang. Kailangan kong gawan ng paraan ang bagay na yun. Hindi ko alam kung paano, pero kailangan kong makausap ulit si Rob.

Sinubukan kong tawagan siya, pero cannot be reached na. Kilala ko ang taong ‘to e. Alam kong seryoso siya sa pag-alis niya. Kaya alam kong gagawin niya talaga. Hindi kaya babalik na yun ng Baguio? Matagal na siyang hindi nakauwi dun e. Simula kasi ng high school andito na siya sa Maynila. Tapos narin ang sem na ‘to, kaya malamang magbabakasyon siya dun. O lilipat na siya ng school? Wag naman!

Natulog nalang ako kasi sumasakit narin ang ulo ko.

Monday, 8AM. Aba, ang haba ng tulog ko ah. Naisip kong mag-Twitter muna, since bakasyon naman. Mamaya nalang ako kakain, brunch nalang. Bumungad agad sa’kin ang tweet ni Schenley Evangelista (oo, si Chen yan), mukhang happy na sa lovelife ang bruha! Naisip kong tignan ang profile ni Eclaire, pero walang tweet since February. Hindi na siya pumasok. Hindi ko naman siya nabibisita kasi wala siya sa kanila. Wala ring ibang tao sa bahay nila na mapagtatanungan ko; siya lang nakatira dun sa ngayon, parang ako. Malay ko din ba kung saang lupalop napunta yun? Malamang sa ospital, pero saang ospital? Ang dami kayang ospital dito sa Maynila. Hindi naman kasi niya sabihin kung saang ospital siya... Lokang yun. Tsk tsk. Ano na kayang nangyayari sa kanya? Si Reolla naman, mukhang nag-eenjoy sa ibang bansa. Ah, nakita ko rito sa profile niya na pumapasyal-pasyal siya sa iba’t ibang states ng Amerika. Maganda rin siguro kung magbakasyon ako dun para mabisita ko narin siya. Saka, pupuntahan ko narin sila mama sa Canada.

At hindi ko na din pala nakikita si Gerard.

               

---------

                Boring ang bakasyon ko. Lagi lang akong nakatambay sa bahay. Internet at TV lang ang buhay ko. Lumalabas-labas ako tuwing umaga para mag-exercise. Tuwing Sabado naman, nag-g-grocery. Minsan, nagpupunta si Chen, kaso nga lang, minsan lang. Lagi daw kasi sila nagdi-date nitong si Gabriel. Yaman ha?

                Nanunuod ako ngayong gabi sa salas ng Once Upon a Song (oo, Disney movie. Bakit ba?) nang nag-vibrate yung phone ko.

*1 text message received.*

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon