(16.1) The Truth is... (★)

208 4 1
                                    

(16.1) The Truth Is...

(GREY to GERARD; GERARD’s just listening to the story.)

"Ang ganda talaga ng mga bituin no?" Sabi ko nun kay Laurren. Nakatingala lang ako sa langit nun. I’m a big fan of the night sky and the stars, as you know. She answered, "hm," and then she nodded.

"Ang ganda pa ng location ng bahay nyo. Katapat ng polaris. Hinding-hindi ka mawawala." Oha, ang galing ko pa magtagalog, no? Buti nalang talaga hindi tayo nawalan ng koneksyon. It helped.

"Ganun?" Sabi niya. Saka ko inexplain yung tungkol sa pagiging instant compass ng polaris because it’s the star pointing north.

There was silence after that. Tapos tumingin na ako sa kanya. "Ren..."

"Oh?"

 

 

"May dapat kang malaman," sabi ko. Para pang napako ang mga mata namin sa isa’t-isa. After that moment, she invited me inside their house and said it was getting cold. But I think maybe she knew that we will have a long discussion. So I went with her.

Sa loob ng bahay... "Saglit ha. Magp-prepare ako ng makakain natin," sabi niya. Medyo tinamaan ako ng hiya kaya naisip kong mag-offer ng tulong.

"Hindi ka marunong magluto di ba?" Ah—naisip kita, Xav. Kasi hindi ka marunong magluto. Ewan ko nga kung paano ka nakakasurvive dito sa Manila e. Well, back to the story. I insisted on helping her.

Ang nangyari pa nga e ako ang nagluto para sa aming dalawa. Pigil siya ng pigil sa'kin kasi ang alam niya, hindi ako marunong. Eh ikaw yun Xav. (Tumatawa na si Xav, tila tinatawanan ang sarili at sinuntok ako ng bahagya.)

Sa dining table naman, gulat na gulat siya. "Paanong—?" Ngumiti lang ako. Dapat na nga siguro niyang malaman ang totoo.

Sinimulan niyang tikman yung niluto ko. Tapos napakain na siya. I have good cooking skills, you know? "Ang sarap mo na magluto ha. San ka natuto?"

"Sa states." Because mom’s too busy with herself so I took care of myself.

"Oh? Tumira ka dun? I never knew that..." Hindi siya makapaniwala. She was too into my cooking that her cheeks are like, blowing up when she spoke.

"Dun ako nakatira."

"Pero—" Tapos narinig namin na medyo may kumakalampag sa bubong. Umuulan na pala. Ah—summer rain. Kaya pala maginaw. She deicided to lend me her umbrella since I have no other belongings that I brought with me, so probably she thought I have no umbrella to survive the rain.

"Tuloy tayo,” she started after that short commercial. “Pero panong nandito ka? Paano yun? Bumabalik-balik ka dun? Or nagstay ka lang ng isang taon dito?"

"Hindi, Laurren."

"Eh ano pala? Ang gulo... Explain mo kasi para malinaw sakin." Tingin ko naiisip na rin niya yung dumalaw ka run tas napansin niyang hindi ka marunong magluto. Tapos ngayon naman, biglang napasok yung US. Napansin ko nun na hinintuan na niya yung pagkain niya. Nakita ko rin yung facial expression niya—gulong-gulo siya.

 

"Sige, Laurren... ito yung dapat mong malaman na sinasabi ko kanina. Makinig kang mabuti...” Huminga muna ako ng malalim. And then came the shock of her life.

               

“Hindi ako si Gerard."

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon