(12.1) We could... Love. (★)

210 4 4
                                    

(12.1) We could... Love.

 

(REN)

"That is so great, Gerard. Good job!" Niyakap ko siya. He deserved that. Binigay niya yung makakaya niya para sa klase, at feeling ko talagang pinaghandaan niya ‘to kahit biglaan.

"Thank you, miss Laurren." Ngumiti naman siya pagka-kalas naming sa isa’t isa. God. I think I'd give up forever for this one smile.

 

Ayokong lamunin na naman ako ng mga iniisip ko kaya naisipan kong magbukas ng topic. "Pano mo ginawa yun?" Tanong ko. Nakakunot ang noo ko, pero nakangiti. Punung-puno ako ng pagka-mangha sa taong ‘to. Kakaiba siya ngayon. At ang bilis niyang nagkabisa ng script. Naguguluhan talaga ako sa waltz. Hindi ko ineexpect na kaya niyang gawin yun. In just a matter of weeks? May kinalaman kaya ‘to sa pagkawala ni Hiro at Shayne ngayon? Kasi imposible naman talaga na napag-aralan niya ng ganun kabilis yung script at yung waltz! Big deal ‘to sakin.

"Ang alin? Yung waltz?" Nagbabasa na siya ngayon ng utak? Well, siguro, given na yun. Dun lang naman talaga siya namroblema noon eh. Pero hindi lang yun e. Lahat yun. Gusto ko sana siyang tanungin ng lahat ng tanong na bumabagabag sa’kin, pero baka mainis lang siya. "Ah... Oo," sagot ko.

 

"I persevered. I kept convincing myself that I got to try. Kaya kahit limited lang ang time kanina, I tried to keep it all in my mind."

"Pero nung tinuruan kita dati—"

 

 

"Doesn't matter anymore, Ren. I survived. We survived. Di ba sabi ko naman sa'yo kaya natin to?" He winked at me.

May tinatago ka ba, Gerard? Pero... O sige na nga. Pagbigyan na. Na-satisfy naman ako ng performance mo e. "You're right... Thank you, Gerard."

"You'll always be welcome."

Habang naglalakad sila pabalik sa pwesto ng klase namin, napahinto ako sa backstage dahil napapaisip talaga ako. Nagtataka parin ako. Why does he have glasses nung binabasa niya yung script? Eh hindi nagsusuot ng salamin yun pag nagbabasa siya ng script noon. Weird. Biglang lumabo ang mata? And I thought... he can't sing. Halos ako lagi ang kasama niya kanina. Ako rin ang madalas niyang kasama sa scenes with songs. Naririnig ko siya. Ang ganda pa ng pagkanta niya sa soliloquy niya.

May kinwento sakin si Chen dati about sa isang guy na kumakanta sa Lit department at akala niya si Gerard yun kasi pareho daw ng boses. Eh sabi naman ni Gerard, hindi daw siya yun. What? Baka naman siya talaga yun at hindi lang talaga siya umamin sa kanila. Saka, first time kong narinig siyang kumanta kanina. Malay ko ba kung ano ba talaga nangyari noon.

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon