(10) You and I and Everything in Between
(G)
The practices for the musical play are happening everyday after the script’s released. Mga isang o dalawang oras pag may bakante sa school. Yung mga props, tapos narin lahat. Ang galing nga e. Kitang-kita ang cooperation ng mga kaklase namin. Mas naging close pa kami ni Ren. May gusto na kaya siya sa'kin? Talagang ang lakas ng apog ko? May boyfriend na yung tao.
One late Friday afternoon, I approached her nung nakita ko siyang nakatambay sa school park. There was something I needed to tell her. "Ren." Nge. Hindi ako sinasagot. "Ren!" Wala pa rin? Ay, anak ng nilasing na hipon. Ui, masarap yun!
Naka-earphones pala si Ren.
"Ahh—" Yes. Nagtanggal na siya ng earphones.
"Oh! Gerard. Ikaw pala. Upo ka." Umupo ako sa tabi niya. "Thanks."
"So... musta yung kasal scene? Ikaw in-charge dun di ba?" Tanong nya. Shocks, buti nalang natanong niya. Yun din ang balak kong tanungin e.
"Ah. Oo. Maayos naman siya... Pero, I'm just doubting kung maganda ba yung idea ko ng set-up." Hindi ko alam kung ruma-rason ba ako o ano, pero, totoo namang medyo hindi ako kumportable sa ideya ko. Lalake ako, at hindi naman ako wedding planner. Kahit pa sabihin niyong nanunuod ako ng chick flicks, kulang yun. Kung bakit kasi ako pa naisipan nito ni Ren na ilagay na mentor sa scene na yun. Pwede namang siya nalang? Pero siyempre, joke lang yun.
Humarap siya sakin. "Pano ba yan? Share your ideas. Baka mapalalim pa natin."
"Ah... ang hirap explain eh. Yung sa may bandang scene ni Marius at Cosette yung medyo nahirapan ako." Napakamot ako ng ulo. Sa totoo lang, hindi ko alam ang mga ginagawa ko. Parang lutang ako e. Hindi talaga ako confident sa naisip ko. Baka ako pa magpatalo sa klase namin.
"Sige. Tulungan kita. Pano ba yang idea mo? "
"Mahirap explain eh." Promise. Mahirap talaga. Maniwala nalang kayo.
"O sige. Sample na lang."
Medyo sumaya yung utak ko. Ewan ko ba, abnormal e. Siguro naisip ko na pwede ko namang i-demonstrate, pero hinintay ko na manggaling sa kanya. Naisip ko rin na pwede kong idagdag ‘to sa moments namin ni Ren. Bihira lang kami magkasama ng ganito e. "Better. You stand there. Kunware ikaw si Cosette. Ako si Marius."
BINABASA MO ANG
A Written Love Story -- For the Hundredth Time
Teen Fiction[FILIPINO; Currently rebuilding] "Fate doesn't always decide who you'll end up with." (c) 2010-2011