(16) My Brother's Keeper?
(GERARD)
Ako si Gerard Xavier Naz. Hindi kayo nagkakamali; hindi rin tayo bumabalik sa umpisa. Nagpapakilala lang uli ako. Hindi dalawa ang personality ko. Wala akong personality disorder, wala akong alter ego.
Dahil sa totoo lang, MAY KAMBAL AKO.
Kamukhang-kamukha ko siya. Sa ilong, sa labi, sa tenga—name it. Maliban na lang sa mata. Wala akong salamin, pero siya, meron. Halos pantay rin kami sa lahat ng bagay. Gwapo, matalino, maginoo, habulin ng chicks. Siyempre, hindi joke yang huli. Gwapo nga kami e. Yun nga lang, angat siya sa'kin pag kakayanan na ang usapan. Marunong siyang wag-waltz, ako hindi.
Naalala niyo noon? Yung class play nila na isinabak sa Arts Week? Sabi niya sakin mukhang amazed na amazed si Ren kasi yun nga—parang ibang tao daw siya. I mean ako. Na siya. Basta yun.
Kung ang iniisip niyo eh yung kakambal ko yung gumanap dun, hindi uli kayo nagkakamali. Pinapunta ko siya dun kasi I need to attend to Air. Nung sinundo ko kasi siya sa bahay nila nun, nakalupasay na siya sa may pinto, kaya isinugod ko na siya sa ospital. Dun nagsimula yung pagpapakita ng mga sintomas ng pagkabulag niya.
Ah—kung iniisip niyo namang pinaglalaruan ko lang si Ren, mali yun. Hindi ko pinagtripan si Ren. Gusto ko talaga siya. Ako naman talaga yung unang nakakita sa kanya at na-like at first sight. Pero... nung napalapit ako kay Eclaire, ayun. Bigla na lang na siya na ang gusto ko. Hindi ko maexplain kung pano... Pero ganun naman talaga diba? Sabi nila pag nakita mo na yung taong para sa’yo, parang wala ng iba sa paningin mo. At naramdaman ko yun sa kanya. Saka siguro talagang meant to be itong si Grey at Ren.
Oo nga pala, pansin niyo ba, ang tawag ko kay Ren ay Ren lang? Kung napansin niyong merong mga parteng Laurren ang tawag sa kanya—si kambal yun. Kami kasi ni Ren ang close. Ayan, tumatawa pa yung utak ko.
Si kambal, marunong din kumanta. Ako, hindi. Kung naaalala niyo pa yung mga unang parte kung saan akala ni Chen eh ako yun, pwes, yun na yun. Yung narinig ni Chen noon sa Lit hallway, siya yun. Yung kasama ni Ren after the Musicals competition, siya parin yun. Kasi nga hindi ako songer. Este singer. Eh kitams, pati tawag dun hindi ko alam. Pero siyempre, joke lang yan.
"Bro." Tawag ko pagkarating ko sa sala kung san naabutan ko siyang nakatambay at nanunuod ng TV. Kakagaling ko lang sa ospital.
"Oh Xav. Nandito ka na pala." Ah, nga pala. Meet Grey Xyler Naz. Ang aking dakilang kakambal. Well, he calls me by that name—Xav, pronounced as Save.
"Musta?" Tanong ko.
"Uuwi na ako sa States sa 30."
"Agad?" Umupo ako sa tabi niya. Bakit naman agad-agad? Paano na ba yung kay Ren?
"Hinahanap na ako ni mama eh." Magkaiba kami ng kinalakihan. Hiwalay ang parents namin, bata palang kami nun. Kinuha siya ni mama. Sa US na sila nanirahan mula nung divorce. Ako naman naiwan dito kay papa. Kaso wala dito sa bahay si papa, sa Baguio siya ngayon nakatira dahil may big project sila na nagstart nung nagsimula akong mag-college. Mahirap, kasi nalayo ako sa kakambal ko. Pero nakasurvive naman kami. Hindi kami nagkalimutan.
"Bakit? Sa September pa pasok mo ah?" Tanong ko uli. Ang aga pa e, April palang oh. Miss na miss naman na ata siya ni mama.
"Yeah. But I already skipped school for almost a year. Delayed na ako."
Tumayo ako uli at dumiretso sa ref para kumuha ng maiinom namin. Mga anim na lata ng beer. Mahaba-habang usapan pa ‘to. Pagbalik ko, inabot ko na sa kanya yung isang lata na agad naman niyang binuksan. Inilapag ko na yung iba sa mesa sa tapat namin. Binuksan ko muna yung beer ko bago ako nagsalita uli. "Eh bakit kasi hindi ka nalang dito? I-request mo kay mama. Matanda na rin tayo."
"I will. Don't worry... Yan ang unang bagay na aasikasuhin ko pagbalik ko dun." Tuloy lang ang pagtungga niya sa beer niya. Problemado ata ang kambal ko ah?
"Kailangan talaga bumalik ka dun? Pano si Ren?" Sinimulan ko naman ang pag-inom ng sa’kin.
"I really need to go back. Mag-aayos pa ng papers, Xav. Well... Kung papayagan ako ni mama na mag-stay nalang dito, edi I'll be here next month. No worries for Ren." Monotonous ang boses niya. Mukhang may pinagdadaanan nga siya.
"Alam na ba niya yang pag-alis mo?" Tanong ko. Napansin kong medyo natulala siya nung sinabi ko yun. Habang hinihintay ko yung sagot niya, tinungga ko muna yung beer ko.
"Sinabi ko na... Pati yung tungkol satin."
"Wha--? Anong reaction niya?" Anak ng! Muntik ko nang maibuga yung beer!
BINABASA MO ANG
A Written Love Story -- For the Hundredth Time
Teen Fiction[FILIPINO; Currently rebuilding] "Fate doesn't always decide who you'll end up with." (c) 2010-2011