(15) The Story behind Gelaire.
(GERARD)
"Eclaire." Sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwartong tinutuluyan niya. Hingal na hingal pa ako. Galing pa kasi ako ng bahay at late akong nagising. Araw-araw ko kasing pinupuntahan si Eclaire dito sa ospital para bantayan siya. Malayo pa nga ‘to sa town na tinitirahan namin. Malayo sa school, malayo sa bahay ng mga barkada niya. Pero dinadayo ko para sa kanya.
"Oh, Gerard." Bati naman niya sakin.
Nilapitan ko siya. "Sorry, na-late ako. Kamusta ka?" Ang sabi ko naman habang hinahaplos yung mukha niya.
Ngumiti siya sakin. "Okay lang. Eto, maayos naman. Hindi naman masungit yung mga nurse na nag-aalaga sa’kin, diba?" Yung ngiting yan talaga. The best. I’d do anything for that one smile. I’d even risk everything for it.
"Thank God at okay ka." Umupo ako sa tabi niya. Naluluha na si Eclaire. Kanina lang nakangiti siya ah?
"Ayoko pa mamatay, Gerard. Ayoko pa."
"Hindi ka naman mamamatay ah." Mangiti-ngiti ko pang sabi sa kanya. Minsan kasi lakas mag-overthink ng babaeng ‘to e.
"Oo na... OA ko lang. Pero ayoko namang mabulag habang-buhay... Paano ko na makikita ang mga kaibigan ko? Paano ko na makikita ang paligid ko? Paano na kita makikita?" Seryoso siya sa sitwasyon niya. Ginagawa ko pang joke.
"Magkakaroon din ng donor, Air. Maghintay lang tayo, okay?" Kailangan ko patibayin ang loob niya... Sa mga ganitong pagkakataon, dapat hindi siya pinanghihinaan ng loob.
"Hay. Tama na nga ang dramang 'to." Nagpahid siya ng namuong mga luha sa mata niya tapos ngumiti.
"Yan! It's better that way." Kinurot ko ang pisngi niya. Hinampas naman niya ko bilang ganti. At least nakangiti siya. Mas okay talaga pag nakangiti siya.
Niyakap ko siya.
"Thank you."
Pero di nagtagal, kumalag siya mula sa pagkakayakap namin. "Ah... Gerard."
BINABASA MO ANG
A Written Love Story -- For the Hundredth Time
Teen Fiction[FILIPINO; Currently rebuilding] "Fate doesn't always decide who you'll end up with." (c) 2010-2011