Two

63.6K 1.3K 33
                                    

Padabog akong bumalik sa opisina ko, ano bang problema ng taong 'yon? Hindi niya ba naiisip na kaya siya iniwan ng babaeng mahal niya dahil napakapangit ng ugali niya?

I angrily typed down his name on Google. I don't know why I did but I just really need to know kung sino bang kakalabanin ko.

Cube Calderazzo.

Saka lumabas ang ilang articles tungkol sa kanya. It amazed me na may Wikipedia article siya. I clicked on it. "Cyrus Chancellor "Cube" Calderrazo (born 28 October 1987)." It read. Ah, kaya pala Cube ang tawag niya sa sarili niya. He has three c's on his name. But still, pangit na pangalan kasing pangit ng ugali niya. Buti na lang pogi siya, at least nabawi sa mukha. What am I even thinking? Nakuha po talagang ma-attract sa kanya physically. Napairap ako sa kawalan saka nagpatuloy sa pagbabasa. "...is a Filipino business magnate, entrepreneur, investor, and philanthropist. He's the Vice Chairman, President, and Chief Operating Officer of Calderazzo Corporation. He also the Chairman of United Blocks Engineering and Architectural Firm. As of 2014, his net worth was estimated at $260 million."

Napapito ako sa nabasa ko. $260M, no wonder ganoon siya manakot. Ngayon ko lang narealize kung gaano kabigat ang sentensiya ko kapag hindi ko nagawa ang gusto niya. I gulped in distress, but on the other side kapag nagawa kong kumbinsihin ang Cynthia na iyon na balikan siya, imagine the big time clients I can score. All I need is for him to endorse my company and then wait for it to take its toll.

I hit on the back button para magbasa pa ng ibang articles tungkol sa kanya. Wala kasi sa Wikipedia ang tungkol kay Cynthia.

"Cube Calderazzo, one of the most eligible bachelors of the country."

"Calderazzo Corporation now the most earning company of the year."

Sumakit na ata mata ko kakabasa ng apilyedo niya pero hindi ko pa rin nahanap kung sino si Cynthia. If he's madly inlove with this woman sana naman may nakalagay sa internet na tungkol sa kanila lalo na't kilalang tao itong si Cube. Kaso wala, most eligible bachelor pa nga ang taong iyon. Halos lahat pa nga ng article laging may 'most' na word. He almost became synonymous to it.

Napasabunot ako sa sarili ko. "What am I gonna do?" Matagal akong nag-isip bago ko naisipang tawagin si Jess.

"Yes po Miss Amy?"

"Sinong humawak sa case ni Mr. Calderazzo? Ipatawag mo dito ngayon na." Tinanguan niya ako bago siya lumabas ng opisina ko.

Ilang sandal lang ang nakalipas at pumasok ang grupo nila Joey, Ange, Ken, Ode, at Fel. Nagtulakan pa nga sila kung sino ang unang lalapit sa akin. I guess I really looked pissed off. "Anong nangyari ba doon sa hinanda niyo para kay Mr. Calderazzo at ganoon na lang ang galit niya sa atin?"

Umupo si Joey sa harap ko, he was playing with his fingers while telling the story. "Hindi po kasi maganda ang kinalabasan Miss Amy. Nasampal po siya ni Ma'am Cynthia pagkatapos ng surprise sa kanya pero promise po kinausap namin si Sir Cube pero sabi niya sa amin okay lang daw. Hindi po namin alam kung anong kinakagalit niya ngayon."

Napabuntong hininga ako. Nasampal pala on public, malamang magagalit talaga 'yon. Lalo na sa katulad niya na mataas ang ego. "Kailan ito nangyari? Anong inihanda niyo para sa kanila?"

"Two weeks ago po." Si Fel. "We planned a flash mob para kay Ma'am Cynthia. Mahilig daw po kasi sa musical ang girlfriend niya. Hindi naman po kasi umangal o umalis si Ma'am Cynthia habang kasalukuyan ang mob, pero po ng nakita na niyang papalapit si Sir Cube doon nag-iba ang expression ng mukha niya. Nasampal niya po si Sir Cube sabay hampas din ng bouquet sa kanya bago siya nag-walk out."

I'm not even mad. He deserves it. Sana nga hindi lang iyon ang ginawa ng Cynthia na 'yon. Pwede niya rin pinabugbog ng mabawasan ang kayabangan ng taong 'yon sa katawan.

"Two weeks ago pa ngayon lang niya naisipang magreklamo dito." Bulong ko.

"Miss Amy sorry po talaga." Tugon ni Ken. I smiled at them. "Hindi niyo kasalanan. Hayaan niyo na, I got it covered." Sagot ko bago ko sila pinabalik sa kani-kanilang trabaho.

Hindi naman nila kasalanan na may saltik 'yong kliyenteng natapat sa kanila. Uutusan pa akong magpunta sa kanya bukas tapos wala siyang iniwan na address ng kompanya niya dito at saka siya kaya ang may kailangan sa akin. Sa dami ng iniisip ko nakalimutan ko pang tawagan si daddy. Hay nako talaga. Sana nakainom siya ng gamot. Pauwi na ako ng inabot sa akin ni Jess ang calling card ni Cube. "Miss Amy, iniwan po pala ito ni Mr. Calderazzo kanina."

Napatango na lang ako at napabulsa doon. Saka ko na siya iisipin, bukas ko na siya iisipin dahil ma-ba-badtrip lang ako sa kanya.

"Dy, andito na po ako." I bellowed habang nagtatanggal ng sapatos. Sumalubong naman sa akin si daddy na may malaking ngiti sa mukha. "Sabi mo tatawag ka sa akin Love pero hindi ka tumawag." Mapagtampong tugon niya. I smiled at him bago ko siya hinalikan sa pisngi.

"Sorry dy, naging busy kasi ako sa trabaho kanina."

Nasa hapag na kami ng ikwinento ko sa kanya ang mga nangyari sa opisina, tungkol sa pagrereklamo ng Cube na 'yon. Tinawanan nga lang ako ni daddy. "Love anak, marami ka nang pinagdaanan na problema. Alam kong kakayanin mo ang katiting na problema na 'yan." He said reassuringly. Daddy is my fresh air. Siya lang talaga ang kailangan ko para mag-restart ang buong sistema ko.

11 'o clock kinabukasan na ako nagpunta sa opisina ni Cyrus Chancellor a.k.a number-one-bwisit-ng-buhay-ko. I was greeted by a woman with a warm smile nang nakaabot ako sa floor niya.

"Hi, I'm here to see Mr. Calderazzo?" I muttered as I smile back at her.

"Do you have an appointment Ma'am?" Napailing ako. Wala naman talaga akong appointment sa kanya. Siya lang naman ang nagsabi na magpunta ako dito. Hindi ko nga malaman kung bakit ko siya sinunod. "Can I borrow a valid I.D. please?" She asked. I gave her my PRC ID.

"Ah, Miss Buendia. Sir Cube is expecting you. Please proceed on the first door after you take a right turn." Sambit niya sabay ngiti.

I took a deep breath ng nasa harap na ako ng pintuan na 'yon. Okay, here goes nothing. I knocked three times bago ko binuksan. He was sitting comfortably in his sofa habang nagbabasa ng magazine at umiinom ng kape. Wow, talk about chilling.

He raised his head and until our eyes locked. He still look goddamn gorgeous and I'm hating how I react to him. "Amorr, akala ko hindi mo na ako sisiputin. Anong oras na."

"11 'o clock bakit?" Sagot ko kahit na alam kong hindi tanong 'yon. He smirked sabay inom ulit ng kape niya.

"Please take any seat." He muttered. I took the single seater sofa infront of him.

"Anyway Amorr alam mo na ba ang gagawin mo? Have you thought of a plan to get Cynthia back?" He again asked as he flips the pages of the magazine he's holding. Hindi niya nga ako magawian ng tingin.

"Hindi ako makakagawa ng plano hangga't hindi mo ako binibigyan ng infos about her Chancellor." Napatigil siya sa pagbabasa at napatingin sa akin.

"Chancellor? So you did some research about me. That's cute." Sambit niya. I almost turned red, but I stomped down the building embarrassment.

"You gave my secretary your calling card, doon ko nabasa." Pagpapalusot ko.

He chuckled, "No Amorr, Cube ang pangalan ko sa card na 'yon. Kapag magpapalusot ka galingan mo naman." He teased. Hindi ako umiwas ng tingin pero wala na akong nasagot. Ibinaba niya ang magazine na siya pala ang front cover. Narcissistic dork. Napairap ako, gusto ko siyang inisin but everything backfires at me. Sumandal siya sa sofa at nagdekwatro. "Okay, what do you want to know?" Napabuntong hininga ako sabay labas ng cellphone at tablet ko. I'm really regretting this decision, ngayon palang.

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon