Thirty

44.5K 924 26
                                    

Hindi ko na alam ang naging estado ng relasyon namin ni Chancellor pagkatapos ng gabing iyon. Sa bahay pa rin naman siya umuuwi, pero hindi na siya natutulog sa kwarto ko. Nagkikita kami pero hindi kami naguusap. Magsabay sa hapag hindi na nga namin magawang dalawa. Nahihirapan na ako. I tried talking to him pero lagi niya lang akong tinatalikuran.

"Chance mahal, kain ka muna bago ka aalis." I croaked when I saw him fixing his tie while going down the stairs. Ilang araw na, hindi ko pa rin maabot ang pride niya.

"Hindi ako gutom." Maikling sagot niya bago siya lumabas ng bahay. I heard his car fading away from the distance. Napahimas ako sa tiyan ko, trying so hard not to cry.

"Di bale baby, pagod lang ata ang daddy mo. Kakausapin din tayo nun soon. At kapag nangyari yun, I will tell him about you. I know he will be excited and happy." Pero alam ko sinasabi ko lang iyon para palakasin din ang loob ko. Because little by little, I know Chance is slowly slipping away from me. But who am I kidding? Diba sinulot ko lang din naman siya kay Cynthia? Kung mayroong may karapatan sa kanya, si Cynthia iyon.

Dumaan ako sa ospital bandang tanghali, si Tito Matt nanaman ang nadatnan ko doon. Kasama niya yung asawa niya. Nagmano ako bago ako umupo sa tabi ni dy.

"Hi dy, mabait ka ba habang wala ako?" He brought his hands on my cheeks and gently stoked it.

"Mukhang umiyak ka. Anong nangyari?"

"Ha? W-wala naman dy." I answered in fake innocence. Hindi nagiwas ng tingin si daddy.

"Bakit hindi na kayo sabay bumibisita ng boyfriend mo dito? May nangyari ba na hindi ko nalalaman?"

I shook my head after a brief hesitation. Hindi na niya dapat malaman ang tungkol sa alitan namin ni Chance. I am 29, kaya ko ng ayusin kung ano man ang problema ko. I can't go running to my dady whenever I fall to my knees.

My visit was cut short ng dumating na si Tita Wilma at as usual she  was still ranting sa katigasan ng ulo ng daddy ko. Pati nga ako nadamay na sa sermon niya. Nagmamadali rin akong umuwi dahil balak kong ipagluto ang mahal ko ng pagkain, sabi nga nila. A way to a man's heart is through his stomach, baka lang naman kasi humupa na ang problema namin kapag ginawa ko iyon.

I cooked Chance his favourite Sinigang na Sugpo ng nakauwi ako ng bandang six. He usually gets home at seven or seven thirty. I prepared our dinner extra special, pagod na rin ako sa away namin. I miss his warmth at night. Yung mga akap niya, pati rin ang goodnight and goodmorning kisses namin sa isa't-isa. I miss him. All of him. Lalo na ngayon, magkaka-baby na kami. Kailangan na niyang malaman kasi lagi naman niyang bukambibig ang pagkakaroon namin ng anak.

Nakapalumbaba ako sa kitchen island, naghihintay pa rin sa paguwi ng baby daddy ko. It was already 11 pm at wala pa rin siya, malamig na lahat ng niluto ko.

I was about to throw it away ng nakita kong may nag-flash na ilaw sa labas ng bahay. Kasunod nun ang pagbukas at pagsara ng gate namin. I hopped until I was infront of the door, jumbling my mind for words. Anong una kong sasabihin sa kanya? Aayain ko na ba siyang kumain? Pagpapahingahin muna ng sandal? Ano ba?

He was on his phone pagkapasok niya, sinalubong ko siya ng akap.  Nagulat siya ng nakita niya akong gising pa. But his eyes missed the gleam it has whenever he sees me. Ang lamig ng mga titig niya. "Bakit gising ka pa?" He asked in an uninteresting manner habang nagtatanggal siya ng sapatos.

Napakalas ako dahil nakakasulasok ang halong amoy ng alak, sigarilyo, at pabango ng babae sa damit niya. Napalunok ako, keeping my tears at bay. "S-saan ka galing?"

"Lumabas kami ni Cynthia." He answered with a shrug before he passed by me and threw himself on the sofa.

"Chancellor 'wag kang matulog kinakausap pa kita!" Mariin na sabi ko. Napahawak ako sa tiyan ko, anak sandali lang ha. Relax ka lang diyan, aayusin ni mommy ito.

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon