Thirty Two

41.7K 838 14
                                    

"Amy, I know may trabaho kang hindi maiwan pero..Si Kuya Enrique kasi, hindi papayag na maiiwan ka dito sa Pinas mag-isa." Tita said in exasperation when she dragged me outside dy's room.

Hindi lang naman ang trabaho ko ang hindi ko maiwan, pati ang boyfriend ko, ang tatay ng baby ko.

"Pwede naman namin siyang ipa-sedate para maibiyahe namin ang daddy mo. Yun nga lang kailangan namin ang consent mo dahil ikaw ang next of keen na nilagay niya. Amy..Kailangan ng daddy mo ang operation na ito." She said almost pleading. I know it needs to be done as soon as possible. Matagal ko na siyang sinasabihan ng patungkol dito.

"Sige Tita, kakausapin ko rin ang boyfriend ko. Pero definitely sasama ako." I said, finally deciding.

Kahit na alam kong magpupumilit yun sumama, Chance can't afford to leave his company now dahil paumpisa pa lang ang partnership nila ng mga Geron. I can endure the distance. Kakayanin ko para sa amin ng magiging baby namin. Sandali lang naman iyon, hindi rin namin mamalayan na natapos na pala ang mga oras na magkalayo kami.

Nagmadali akong magpunta sa venue ng kasal nila Rosa at JR. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako pupunta, nagpa-RSVP pa man din ako.

"Miss Amy! Akala ko hindi ka na magpupunta!" Tiling-impit ni Rosa ng nakita niya ako. Mukhang tapos na rin ang seremonya ng reception niya dahil kumakain na lang ang mga tao.

"Sorry na late ako. Nasa hospital kasi ang dad ko, dumaan pa kasi ako roon." I said apologetic.

Her eyes went into circles of concern. "Oh my! How is he?"

"Okay naman siya. Stable na." I answered with a smile. Napatango siya at bahagyang nag-relax ng narinig niya ang sagot ko. Saka kami nilapitan ng asawa niya.

"Miss Amethyst, buti na lang at nakadalo ka. Kanina ka pa hinahanap nitong si Rosalyn." Sambit ni JR sabay haliksa gilid ng ulo ng asawa niya.

I was about to answer but a beautiful baby girl approached us. May anak na kasi dati si Rosa sa una niyang boyfriend, as told by JR. Una hindi niya matanggap dahil itinago rin sa kanya iyon ni Rosa, thinking nab aka hiwalayan siya ni JR kapag nalaman niyang naanakan na siya ng iba. But JR loves her too much to do that. Naghiwalay sila, but her husband sought the help of my company and here they are now.

"Ang cute naman ng anak mo Rosa." Puri ko ng buhat niya ni JR ang bata. She's 2 years old already I think.

"Anak namin." Pagtatama ni JR sa akin ng may ngiti.

I smiled back at him as I play with their daughter's hand. Sana maging kasing cute ng batang ito ang magiging anak namin ni Chance. I don't mind kung sino man ang maging kamukha niya sa amin, hindi rin ako namimili kung lalake ba o babae. Basta lumaki siya sa ng masigla at may masayang buong pamilya okay na sa akin. Pamilyang katulad ng kay Chance.

After the reception, I went straight sa OB. Buti na lang at may nag-OB sa mga naging classmate ko nung nasa post-grad ako. Kaya kampante naman ako sa kanya at sa kakayahan niya.

I requested her to do the ultrasound for me instead of a Tech. Hindi naman sa wala akong kampante sa Ultrasound Tech niya sa clinic pero gusto ko kasing basahin niya agad ang resulta habang na-u-ultrasound ako. Excited na rin kasi akong puntahan si Chance at ipaalam sa kanya.

"Amy! Sino ba namang magaakala na magpupunta ka dito sa clinic ko?" She said with a smile as she guides me to lay down.

Natawa na lang ako, "Para mo namang sinabing tatanda akong dalaga at hindi magkakaanak."

She let out a laugh too. "Hindi naman... Sige pakitaas ang shirt at pakibuksan ang butones ng pants." Sinunod ko naman siya.

Sa totoo lang, kabang-kaba ako ngayon. Sigurado naman ang may laman na ang sinapupunan ko pero iba pa rin ang feeling na maco-confirm ko na talaga ngayon.

Naglagay na siya ng gel sa tiyan ko at sa puson ko. "Nag-PT ka na ba?" Muling tanong sa akin ni Donna habang inaayos niya ang settings ng machine sa harap niya.

"Oo, tatlo. Positive naman, pero I want to make sure rin kasi. At para malaman ko na rin ang lagay ng baby ko." Sagot ko.

Nginitian niya lang ako saka niya pinasada sa tiyan at puson ko ang parang scanner ng bar code. Nakatingin na ako sa screen habang siya ay patuloy na humahagod sa puson ko.

"Pakibaba pa ng kaonti ang garter ng panty mo Amy." Utos niya. Kinakabahan ako dahil parang limang minuto na ay wala pa rin siyang nakikita.

Hanggang sa maya-maya ngumiti na siya. "Ayan. Nakasiksik pala siya sa gilid." Masaya niyang tugon habang nakatingin sa screen.

My eyes watered when I saw a little oblong shape on the screen. Hi baby! I said on the back of my head.

"Relax lang Amy ha. Ime-measure lang natin ang baby mo. May idea ka ba kung ilang linggo ka ng buntis?" Tanong niya sa akin habang nakatuon lang ang pansin niya sa monitor.

"Hindi Dons e."

"Okay lang. Malalaman natin. Okay ito na." I heard some strange beeping. Saka ako inabutan ng tissue ni Donna para mapunasan ko na ang gel sa bandang tiyan ko.

"Your baby is four weeks and 2 days old. Mukha rin namang healthy siya at normal ang size niya." Sambit niya sabay abot sa akin ang printout ng ultrasound ko.

Niresetahan na niya ako ng vitamins, may iba pa siyang paalala tulad ng pagiging maingat ko sa pagbangon. Dapat daw patagilid na ako bumabangon dahil mapupwersa na raw ang baby ko.

"A healthy mommy means a healthy baby. Sana maisama mo na ang daddy ng baby mo sa susunod na check up niyo. We'll see kung maririnig na natin ang heartbeat ng baby niyo."

Masaya akong lumabas ng clinic at nagtungo sa sasakyan ko. Humihimas himas pa nga ako sa tiyan ko habang nagmamaneho. Four weeks and two days! Ibig sabihin isang buwan na rin pala kami ni Chance.

Mas lalo akong naexcite na makita siya. Maybe aayain ko na lang siya na sumama sa akin sa US. Para sabay naming marinig ang unang pintig ng puso ng anak namin. At masamahan niya ako sa iba ko pang check up. Masubaybayan niya ang paglaki ng tiyan ko. Mapagusapan na namin ang pagbuo ng pamilya. At maraming-marami pa. Sana lang maisasantabi niya ang trabaho niya. I know he would do it not only for me. But also for our growing baby.

Chance mahal you're going to be a father!

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon