Ten

53K 1.1K 52
                                    

I suddenly felt dizzy from the tension. Napahapo ako sa noo ko. "Dy what is he doing there?" My voice was foggy. Hindi ako makapagisip ng tama saka ko napansin na kanina pa pala ako tinititigan ni Chance na may bakas ng alala sa mukha.

"Anak, he's outside the whole day. He said he just needs to talk to you." Paliwanag ni daddy. Kahit na! Parang hindi alam ni dy ang ginawa sa akin ng taong 'yan! Kamuntikan pa nga nanaman siyang atekihin sa puso noon. Tumaas ang init sa ulo ko.

Hindi ako nakasagot. Talk? After months of not doing anything he suddenly wanted to talk? Wow, screw him! "Amy, please." I heard Cael's voice but it was faint. Pabulong na nga, mahina pa.

Matagal akong nakatingin sa telepono. Ano bang sasabihin ko sa kanya? Gusto kong malaman ang rason niya kung bakit hindi niya pinaglaban ang mayroon kami noon pero ayoko rin siyang makita. Natatakot ako na kapag nangyari 'yon, rurupok lang ako.

"Dad, may gusto ka bang ipabili bago kami umuwi diyan ni Love?" Pagkatapos marinig ni Chance ang mga bagay na hindi niya dapat marinig bigla siyang nagsalita. Napatingin ako sa kanya.

"Chance, nandiyan ka rin pala. Wala naman hijo. Magpupunta ka ngayon dito?"

Of course he's not. "Hindi dy, he was about-"

"Opo dad. Pupunta ako diyan ngayon." He said cutting me off. He was glaring at me. Bakit nanaman siya galit?! Siya nga itong pakilamero siya pa itong galit?!

"Chance wag na-"

"No. Sasama ako pauwi. Ayoko ng magtalo tayo." He said with finality.

I heard someone sighing from the telephone. Hindi ko alam kung si dy 'yon o si Cael. "Alright. We will be seeing you both home. Hijo, drive safely lalo na't kasabay mong umuwi ang anak ko."

I saw a winning smile on Chance's face before answering. "Opo naman dad. I won't let anything happen to her."

Matagal kaming nagtitigan. "Chance ano ba talaga ang balak mo? You can't just intrude whenever you like to." I said, clearly irritated. Bakit ba ang hilig niyang pakialaman ang mga bagay na dapat naman hindi? But when I tried fishing some infos about him, he succesfully shut me off.

Hindi siya sumagot. He just got up, fixed his suit, then grabbed my bag from the table. "Where are your car keys?" Tanong niya sa akin.

I furrowed my eyebrows together, scowlimg at his bossy-ness. "Bakit? Akin na ang bag ko." Tugon ko sabay akmang agaw sa kanya ngunit itinaas niya iyon. At kahit nakaheels na ako, hindi ko maabot dahil sa tangkad niya.

"Car keys Love." He said as he open his palm. I sighed heavily before I fished them in my pocket and put it in his hands. He grinned, he leaned down and snatch a peck on my forehead. "Good. I will be driving. Sabi ni dad kaya 'wag ka ng kokontra okay?" He said as if he was talking to a kid.

Tinitigan ko siya ng masama habang nakasapo sa noo ko. Nauna siyang nagpunta sa pinto, samantalang ako naiwan at napako kung saan niya ako iniwan. Naguguluhan na kasi ako sa mga nangyayari.

He was about to open the door then he took another glance at me. He sighed, before treading back to where I was. He laced his hand on mine before grinning. "You're wearing it." Pansin niya sa bracelet na binigay niya sa akin. I wasn't able to answer. Nagwewelga na ang milyung-milyong paru-paro sa tiyan ko.

Napatayo agad si Jess nang narinig niyang bumukas ang pinto, "Miss Amy, tumawag po pala si-" Hindi niya naituloy dahil si Chance ang una niyang nakita.

"Who called?" Tanong ni Chance dahil nagmistulang pipi na itong si Jess.

"S-si Mr. Lacusan po." Sagot ni Jess. Saka ako nilingon ni Chance, "You know someone named Lacusan?"

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon