I woke up early morning to do my daily routine. Since it was Monday and it's my First Day of Class in the University where I should study now, I should not be late. See, ang bait ko noh? Syempre kasi First Day of Class pa lang kasi.
Natapos na akong maligo at magbihis, bumaba na ako papuntang kusina para mag'breakfast. Syempre, kailangan busog para energetic sa school.
"Anak, halika na dito. Kumain ka na. Di pa ba gumising kapatid mo?"- Mommy
"Hindi pa po."- sagot ko kay Mommy
"Oh, sige halika na dito."- Mommy
Siya ang Mommy ko, si Mommy Julia. Wala kasi si Daddy kasi nasa ibang bansa kami lang apat ang nakatira dito sa bahay. Ako, si Angelica, si Mommy, at ang Yaya namin, si Yaya Dang. Matagal na nagtatrabaho si Yaya Dang sa'min, bago pa lang ako ipinanganak.
Andito na ako sa University na papasukan ko. Grabe, maraming mga magaganda at gwapo sa University kaso lang parang plastik yung mga babae, tsaka yung mga lalaki naman parang mga chicksboy. Since Catholic School to'ng University na pinapasukan ko, ang mga studyante na mga plastik, nagmamaang-maangan na lang na mabait.
Papunta na ako sa magiging classroom ko ng may nakabangga akong lalaki. Infernes gwapo sya, at OMGieee!!! Ang tangos ng ilong, nahihiya ako sa ilong ko ah.
"Miss, are you okay?"- Boy
"Yes, I'm fine. Excuse me."- pahiya kong sagot tapos umalis.
Grabeee! Ang tangos talaga ng ilong nya, pero parang magkamukha sila ng second ex-boyfriend ko. Move On na nga Jessica!
Hayy, sa wakas andito na ako sa classroom ko. Salamat naman, at makapagpahinga ako ng maluwag dito, aircon pa naman.
Lumabas ako ng classroom ko kasi parang nilakasan yung aircon di ko kinaya, di gaya ng aircon sa bahay na mahina lang.
Paglabas ko ng classroom, nakita ko ulit yung lalaking nakabunggo ko, parang may hinahanap. Kaya di ko nalang sya pinansin o tinitingnan, baka sabihin pa na stalker ako or something churva.
"Miss."- Boy
"Me?"- tanong ko sa kanya
"Yes, you."- Boy
"What can I do for you?"- tanong ko ulit sa kanya
"Sayo ba 'to?"- Boy, sabay hawak sa Handkerchief kong kulay pink.
"Yes, its mine. Where did you get it?"- Sabi ko sakanya
"Nahulog yan kanina nung nagkabunggoan tayo."- Boy
"Ahh, ganun ba? Salamat ha?"- sabi ko sakanya
"Walang anuman."- Boy
Parang wala lang sakin yung oras na yun na nagka-usap kami. Ayaw ko kayang ipapahalata na may gusto na ako sa kanya, baka ano pa gagawin nun baka gagawin nya rin yung ginawa sakin ng first ex-boyfriend ko!
Natapos na ang first period class namin, at pumunta na ako sa Canteen upang bumili ng snacks.
"OUCH!"- sabi ko sabay hawak sa braso ko
"Sorry, miss."- Boy
"HUH?! You again?!"- sabay naming sabi.
"Sa dinami-rami ba namang tao, bakit laging ikaw?"- sabi ko
"Okay, sorry ulit. Last na talaga to."-Boy
Pumasok na ako sa Canteen para bumili ng snacks. Hindi ko maalis sa isip ko yung nangyari, yung first and second bangga version namin. Oh diba? May version pa.
Natapos na akong bumili ng snack ko, at bumalik na ako sa classroom namin kasi after rin kasi nito may scheduled class kami. Oh diba? Ang bilis? Wala pa ngang 1week?
"ARAAYYYYY!"- pagalit kong sabi
"Hala?!"- Boy
"Ikaw na naman?! Ano ba problema mo? Lagi mo nalang akong binunggo?! Akala ko ba last na yun?!"- galit kong sabi sa kanya, parang na turn off na ako sa mga kilos nya ah.
"Sorry, talaga."- Boy
"Pangatlong beses na eh, lagi mo nalang akong binunggo."- sabi ko
"Kaya nga sorry, okay ganito, kung magkabungguan tayo ulit, hindi ko na kasalanan yun, kasalanan na nating dalawa yun kasi, hindi ko naman sinasadya na bungguin ka eh, sadyang ipinagbunggo lang talaga tayo. Gets mo?"- Boy
"Bakit ano sa tingin mo hindi ko gets?"- Sabi ko sakanya na parang galit
"Okay, so deal?"- Boy
"Deal!"- masungit na sabi ko sa kanya at nag-shake hands kami as a sign of deal, oo tama kayo ng basa nag-shake hands kami. Ang lambot ng kamay sobra.
Andito na ako sa room namin, at hindi ko parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina, parang mag-GF/BF na nag-aaway. Kinikilig ako dun ha? Sobra! Ayieeee lang no? Hahaha!
***End of Chapter 1 First Day of Class***
A/N: Comment your questions if you want. Don't forget to Vote :)