tok*tok*tok*"Ate Girl, mag-breakfast ka na. Bumaba ka na dyan."- tawag sakin ni Daddy
"Opo daddy palabas na, mauna nalang po kayo susunod na ako."- sagot ko naman kay daddy
Nga pala, dalawang araw na kaming hindi nagkita ni JM, hindi muna ako nagpakita sa kanya at kapag hinahanap nya ako pinapasabi ko sa mga kaibigan ko na absent ako. Ayoko muna kasi syang makita simula nung araw na nag-away kami.
Friday na ngayon, at sa wakas Saturday na bukas. Hayyyy! Makapag-pahinga na rin ako.
"Mom, dad alis na po ako."- pagpapaalam ko kina mommy at daddy
"Oh, sige mag-ingat ka. Babye"- sabi ni mommy sakin
Andito na ako ngayon sa harap ng gate ng school namin. Papasok na sana ako ng may biglang tumabi sakin. Yung mga barkada kong shunga!
"Papasok ka na agad? Ayun yung Prince Charming mo oh, nakaupo may hinihintay ata, akala ko ba iniiwasan mo?"- sabi ni Ann
"Wala na yun, dalawang araw na ang nakalilipas."- sabi ko naman
"Na-miss mo kasi eh."- sagot naman ni Roxie
"Hindi ah, gusto ko lang kasi kalimutan yung away namin. Ayoko kasing may tampuhan na namamagitan sa aming dalawa."- sabi ko sa kanila
"Oh paano, pasok na tayo?"- sabi ni Ann
"Tara!"- sabay naming sabi ni Roxie
Papasok na kaming tatlo sa Campus. Napansin namin na papalapit samin si JM at sumabay na rin. Hindi ko sya pinansin kahit na magkatabi kami. Naglakad pa rin kami ng naglakad. Tinanong ni Ann si JM kung bakit sya may dalang gitara, at sinagot naman sya ni Jm na may kakantahan daw sila ng mga kaibigan nya.
Malapit na kami sa classroom namin at pinauna nya sa pagpasok sina Roxie at Ann sa loob.
"Ica, please sorry. Hindi ko sinasadyang pagsabihan ka ng ganun. Please sorry na, patawarin mo na ako."- sabi nya
Lumuhod sya sa harap ko ng ikinagugulat ko.
"JM, tumayo ka dyan. Oo na pinapatawad na kita."- sabi ko sa kanya habang pinapatayo sya
"Sigurado ka?"- sabi nya
"Oo, kaya tumayo ka na dyan, nakakahiya eh."- sagot ko naman sa kanya, at sa ngayon ay tumayo na rin sya at niyakap nya ako.
"Thank you Ica. Thank you so much."- sabay yakap nya sakin ng paiyak at hinalikan ako sa noo
"But promise me, you will not do it again."- sabi ko sa kanya
"I promised."- then he hugged me tightly
"So, friends."- sabi ko sa kanya
"Best friends..... I love you"- sabi nya tapos hindi na sa noo ko nya ako hinalikan sa ngayon sa ilong ko na naman.
I let him go inside their classroom, since the class will get started 2 minutes from now. Hindi ako makapaniwala sa ginawa nya at sa sinabi nya sakin. Parang hindi pakikipagkaibigan ang pagtrato nya parang isang Girlfriend eh as in syota.
Since Friday ngayon walang teacher masyado ang pumapasok ngayon. Marami kasi kaming vacant time kapag Friday. Nagtext sya sakin at tinanong kung vacant ba namin kaya nagreply ako ng Oo.
"Jess, hinahanap ka."- sabi ni Bert sakin
"Kanino?"- tanong ko
"Di ko kilala eh."- sagot ni Bert
Hindi ko na kinulit si Bert alam ko na kung sino yun, sino pa ba maghahanap sakin galing sa ibang room eh, wala akong kaibigan dito. Kabago-bago ko lang. Lumabas na ako sa room namin at hindi ko sya nakita.
