2 weeks Later...
Roxie's POV
I was about to call Jess when someone called me and it's Jessica.
"Hello? Jess? Tatawagan na sana kita kaso naunahan mo ko. Haha." Sabi ko
"Roxie.. Ahh.. Ano kasi.. Ahh.. " nauutal nyang sabi
"Hoyy, napano ka? Tanga ka ba? Ba't parang kinakabahan ka? May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya
"Roxie kasi.." sabi nya na nauutal pa rin
"Alam mo Jessica kung gaganyan ganyan ka lang papatayin ko na tal--"
"I'm going to London para dun mag'aral ng College." putol nya sa sinabi ko kanina. Wala akong nagawa kundi ang magtulala.
"Roxie? Still there?" tanong nya sa kabilang linya.
"Ahh.. So, ako nalang ang maiiwan mag'isa dito? Akala ko ba napag'usapan na natin tong tatlo Jess na magsasama tayo sa iisang university sa College? Pero ano to? Palit'palitan ng ideya?" mahabang tanong ko sa kanya.
"No. Hindi ganun yun Roxie. I know Ann was already in Japan with her family pero di naman sa ganun yun. Nabigla nalang kasi ako nang biglang sabihin ni Daddy na na'enroll na nya ako dun and then Mommy show us our passports and tickets. Roxie, di naman sa iniiwan ka namin. Sadyang yun lang talaga ang gusto ng parents ko kaya sinunod ko nalang." paliwanag nya. Wala na rin naman akong magawa kundi ang intindihin sila dahil yun ang gusto ng magulang nila.
"So, kailan flight nyo?" I asked
"Sa, Friday na. Gusto ko sanang mamasyal kasama ka dahil alam kong tayong dalawa nalang dahil nakaalis na sina Ann. Roxie, 2days left bago kami makaalis so ano?" pag-aaya nya sakin. Wala na rin akong ibang magawa kundi ang pumayag nalang para naman makasama ko pa sya.
"Okay, pero bukas nalang Jess. I need to go to the University na papasukan ko para mag'enroll." I said to her
"Would you mind if I'll go with you?" tanong nya
"Okay" I said ended the call.
Jessica's POV
Andito na kami sa Mall ni Roxie at pinasyal ko sya pagkatapos nyang mag'enroll at libre ko lahat.
Konting araw nalang at aalis na kami going to London with Mom and Angelica. Kaya ayun si Yaya Dang, naiyak na dahil silang dalawa nalang ni Manong Mario ang maiiwan sa bahay.
But Mom decided na, patirahin na muna sina Dan at Ken dun with my cousin Anyssa para naman di rin malulungkot sina Yaya Dang.
5years lang kami sa London kaya naman mabilis'bilis lang yun.
"Roxie!" tawag ko sa bestfriend ko
"Yes?" sabi nya at lumapit ako tsaka humawak sa bisig nya.
"Let's have our dinner na? Sa'n mo gusto, libre ko pa din." sabi ko sa kanya
