Andito na kami sa Carenderia kung saan kami kakain. Naghanap ako ng mauupuan namin at sya naman yung bumili ng pagkain.
"Oh, ito sayo oh."- sya sabay bigay sakin ng pagkain na binili nya
"Salamat."- sabi ko naman sa kanya
Kumain lang kami ng kumain at pagkatapos namin kumain ay umalis na kami at nagsipag-balikan sa classroom.
Bago nya ako hinatid sa classroom namin ay may hiningi syang pabor. Pwede ba raw nyang kunin yung number ko dahil kung gusto nya raw lumabas kasama ako ma'text nya lang ako agad. At syempre pumayag lola nyo.
"Oh, paano? Pasok na ak--"- naputol yung sasabihin ko ng bigla nya akong niyakap ng mahigpit at bumulong ng:
"Ikaw at Ako lang ang pwedeng magkasama." Tapos hinigpitan nya pa yung yakap nya and then he kissed me on my forehead.
"Ahhh, JM."- pagputol ko ng moment kasi alam ko marami nang nakatingin sa'min.
"Bakit?"- sabay kawala nya sa yakap
"Pumasok ka na malapit na mag 1:00 pm."- sabi ko sa kanya
"Sige, susunduin kita dito mamaya pagkatapos ng klase namin ah? Sabay tayo uuwi."- sabi nya.
"Sige, bye."- sabi ko naman, at ang ikinagugulat ko ay hinalikan na naman nya yung noo ko tsaka nagpaalam.
Parang kami noh? Pero magkaibigan lang talaga kami, siguro ganyan lng talaga sya ka'sweet sa mga taong malapit sa kanya.
"Jesssssss!"- sigaw ni Ann
"Ano?"- ikinagugulat kong tanong
"Yung totoo? Magkaibigan kayo o magka-ibigan?"- tanong ni Ann sa'kin na sya namang dahilan sa pagngisi ko
"Magkaibigan lang kami. Walang malisya please." Sabi ko
"Iba na kasi yung pagtrato nya sayo. Para kayong couple."- sabi ni Ann
"Nabigla nga ako eh, kasi ang alam ko magkaibigan lang kami, pero parang iba yung pagtrato nya?"- sabi ko
"Oo nga, niyakap ka pa nga nya eh tapos hinalikan sa noo."- singit ni Alyanna
"Nakita mo?"- tanong ko
"Hindi lang si Alyanna."- sabi ni Alexa
"Pati na rin kami!"- sigaw nina Ann, Roxie at Dina
"Hala? Sigurado kayo?"- tanong ko ulit
"Oo, kasi una nyan galing kaming Canteen para bumili ng kahit na ano. Nakita namin kayong dalawa na papuntang classroom kaya agad kaming sumunod dala pa nga nya yung bag mo eh. Kaya nung malapit na kayo sa classroom, huminto kami at inabangan kayo kasi bigla ka nyang hinila tapos niyakap eh. May binulong pa nga yun eh."- mahabang paliwanag ni Alyanna
"Oo, nga. Teka ano ba binulong nya sayo?"- tanong ni Ann
"Sabi nya na, 'Ikaw at Ako lang ang pwedeng magkasama.' Yun lang."- sagot ko naman sa tanong ni Ann
"So ganun, hindi mo na kami pwedeng makasama kahit magpunta mn lang ng CR?"- tanong ni Roxie
"Pwede naman, alam nyo pwede naman tayong magkasama eh. Hindi nga ako naniniwala sa sinabi nya na kami lang ang pwedeng magkasama."- sagot ko naman
"Ayy, ang sama mo. Paniwalaan mo naman kahit paminsan minsan."- sabi ni Dina
"Ayoko, kasi baka umasa ako at masasaktan lang."- sagot ko naman