Guys, konting-konti nalang talaga, paalam story na. Finally matatapos ko na rin sa wakas. Hayy! After a year ng paggawa ng story nato matatapos na rin.
----------
Jessica's POV
"Jess, finally uuwi na rin tayo sa Pilipinas. Are you excited?" Roxie asked
"Excited naman, pero parang may kulang eh." sagot ko naman sa kanya
"Kulang? Ano'ng kulang? Pasalubong sa mga pinsan mo? Hayy nako tatlong beses mo nang na check." sagot naman ni Ann
"Hindi eh. Parang may mali. I mean parang may nakalimutan ako" sagot ko naman
"Ano ba yan? Hayys!" inip na sabi ni Ann
"Jess, okay ka lang? ipadala mo nalang kay Angelica yung mga gamit na nakalimutan mo. Uuwi na naman sya next month diba?" sabi ni John
"Oo nga naman. Jess, 5:38pm na, 7:30pm yung flight natin tandaan mo yan. Baka abutan pa tayo ng traffic tara na." sabi ni Roxie
Habang isa-isa naming ilagay sa kotse yung mga gamit namin lumapit sakin si Mommy tsaka nya ako niyakap. Ihahatid lang kami ni Daddy sa Airport para rin daw di na mag-aksaya ng pera pamasahe.
"John, ingatan mo'ng panganay namin ha? Tsaka tawagan nyo kami pagkarating nyo sa Pilipinas para di naman ako mag-alala." sabi ni Mommy kay John sabay kindat pa
"Opo Tita, iingatan ko po anak nyo."sagot nya naman
Sumakay na kami sa kotse at nagpaalam na kina Mommy at Angelica. Habang nasa byahe kami, nagtataka ako dahil isa-isa silang tatlong nakahawak sa cellphone nila tsaka magtitinginan na para bang may tinatago kaya tinanong ko sila.
"Excuse me lang ha? Parang naa-out of place na ako sa inyo eh. Kanina pa kasi kayo." Iritadong tanong ko sa kanila
"Hayaan mo na anak, baka naman naglalaro lang." sabi naman ni Daddy
"Di eh, parang there's something wrong kasi Dad eh. Like they keep some secrets?" sabi ko naman
"Don't worry, wala lang yan." Sagot naman ni Daddy
Kaya wala na ako'ng nagawa kundi ang tumahimik at natulog nalang ng sandali.
Pagkarating namin sa Airport ay isa-isa kaming nagpaalam kay Daddy dahil sakto namang 7:00pm kaming nakarating dito dahil sa traffic.
"Oh anak, mag-iingat ka dun ha? Call us when you get there. Wala pa naman ang Mommy mo dun." Sabi ni Daddy sakin
"Don't worry Dad, my cousins, bestfriend, and John are there so there's nothing to worry about. Tsaka, sabi ni Mommy tatawagan ko lang po yung Nanny natin na Yaya Dang raw yung pangalan so there's nothing to worry na talaga."
"And besides Tito, pupuntahan ko naman po lagi si Jessica dun araw-araw." Sabi ni John
"Salamat John." Sabi ni Daddy tsaka nya ito niyakap
"Ah paano po yan Tito. Malapit na po mag 7:30 baka malate po kami. Ingat po kayo, kami na po bahala kay Jessica. Don't worry po." Sabi ni Roxie
"Oh sya sge, mag-ingat kayo ha? Bye anak."
"Bye Dad."
"John.." tawag ni Daddy kay John tapos nakikipagtitigan na para bang nag-uusap gamit ang mga mata.
After 5 hours ng byahe nakarating kami ditto sa Pilipinas ng 12:00pm (Philippine time). Grabe nakakapagod ha, sobra. Pilipinas nga naman talaga to ang init eh.
