John's POV
We are here at the Hospital because Ica will gave birth to our twins. Yes you read it right, TWINS. We're having TWINS.
At first I don't believe what the doctor says about the baby. But, honestly I really want to cry.
"John, coffee?" tanong ni Roxie na kasama si Earl
"Thank you." sabi ko sa kanya tsaka kinuha yung coffee
"You know what bro, don't worry about Jess. We know that she's brave. Kaya nya yun." sabi ni Earl
"Yes, tama si Earl, John. You don't have to worry. Malakas si Jessica at alam kong kayang kaya nya yun." Pag-sang ayon nya sa asawa nya
"I know, pero di ko naman talaga mapigilan ang mag-alala eh." sagot ko
"It's normal. And besides, this is the best Christmas gift you receive. Five more days left para magpasko. Oh diba? Ang swerte mo, ang swerte nyo dahil twins pa." sabi ni Roxie
Nahinto kami sa pag-uusap nang lumabas ang doctor sa loob ng delivery room at tinanong sya ni Roxie if kumusta na si Jessica.
"The patient was so brave. And the baby? They're healthy. Napakalusog ng twins, manang mana sa Mommy." sabi ng doctor at umalis
Pero bago pa sya makalayo ay may sinabi ulit sya.
"Before I forgot you have a girl and a boy twins Mr. Manuel. Congratulations." sabi nya tsaka umalis
It's a boy and a girl. I heard it right? So ibig sabihin, magkakaroon agad ako ng anak na babae at lalaki?
"Congrats bro, babae at lalaki nagiging anak mo."
"Thank you bro. Di ako makapaniwala sa narinig ko bro."
Makalipas ang ilang minuto ay inilipat na si Jessica sa private room upang makapag-pahinga ng maayos.
"Kuya kumusta si ate?" tanong ni Angelica
"She's okay." tanging sagot ko
"How about the baby?" tanong nya ulit
"They're healthy twins. Namana ni Jessica yung mata sa kambal, habang yung ilong tsaka labi namana naman sakin." sagot ko sa kanya
"Really? I guess they're perfect. Pwede ko ba silang makita?"
"Ahh, yeah nasa Nursery. Samahan na kita"
"Eh sinong magbabantay kay ate?"
"Hintayin na muna natin si Roxie may binili lang."
"Wag na kuya, ako nalang ang pupunta. I'll ask the nurse nalang." sabi nya tsaka lumabas ng kwarto at umalis
Umupo ako sa tabi ng hinihigaan ni Jessica tsaka hinaplos ang buhok nya. Hindi ko aakalaing mangyari to saming dalawa. Ang magkaroon ng pamilya, at mamuhay ng masaya.
Pagdating ni Roxie ay sya namang pagpasok ng nurse sa kwarto.
Nakita kong nagising si Jessica tsaka ko sya tinanong kung okay lang sya.
"Maam, Sir? Maitanong ko lang po kung anong pangalan ng twins?" tanong ng Nurse
"Ang sa lalaki, Luis Angelo Manuel." sagot ko
"At sa babae naman, Louie Angela Manuel." sagot ni Jessica
"Kayo napo ang magsulat Sir, para maitama po yung spelling." sabi ng Nurse sakin tsaka binigah ang form.
Pagkatapos kong maisulat ang pangalan ng kambal ay binigay ko sa Nurse ang form tsaka ito umalis. Pero bago pa ito makalabas ay may tinanong ako sa kanya.
"Nurse? Pwede bang dalhin dito ang kambal?" tanong ko
"Yes po sir." sagot nya tsaka umalis
**
KINABUKASAN
Tinutulungan akl ni Angelica na ayusin ang gamit ni Jessica para makalabas na kami sa Hospital at sa bahay na magpahinga.
Kalong nya ang anak nya'ng lalaki tsaka yung babae naman kalong ni Mommy.
"Anak ano nga ulit pangalan ng kambal?" tanong ni Mommy kay Jessica
"Luis Angelo at Louie Angela po." sagot ni Jessica
"Paano naging Louie ang babae anak? Eh diba pangalan ng lalaki yun?" tanong nya
"Mom!" suway ni Angelica
"Tama naman eh." sagot nya
"Mom, alam mo may babae rin naman nagngangalang Louie, di lang yun para sa lalaki." sagot ni Jessica
"Tama ba yun John?" tanong nya sakin
"Yes Mom." sagot ko sa kanya
**
Gabi na ng makarating kami dito sa bahay, at sabi ni Angelica dito na muna sya pansamantala dahil gusto nyang makasama ang mga pamangkin nya.
Inayos namin ni Angelica ang kwarto ng kambal tsaka namin sila pinagpahinga.
"Ate, sa guest room nalang ako matutulog, uuwi lang ako bukas para kukuha ng konting masusuot tsaka babalik dito para tulungan ka magbantay." sabi ni Angelica kay Jessica tsaka pumasok sa guest room.
Inaya ko nang pumasok si Jessica sa kwarto para makapagpahinga dahil kanina pa sya papalit-palit sa pagkalong ng kambal.
"John?" tawag nya sa pangalan ko habang nakayakap sakin
"Hmm?"
"Thank you." sabi nya
"For what?" tanong ko
"For being a perfect husband and a perfect dad sa pamilya natin."
"Ica, it's my responsibility to take care of you. Promise ko naman yun sayo diba?" sabi ko sa kanya
"Yes, I know. I just can't believe na umabot tayo sa ganito. Noon magkaibigan lang tayo, pero ngayon bumubuo na tayo ng pamilya." sabi nya
"Ito talaga ang fate natin na binigay ng panginoon. Ang maging isang pamilya, isang mabuting pamilya. Kaya ipinapangako ko sa inyo na magiging mabuti akong haligi ng tahanan para sa inyo. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko kayo iiwan." paliwanag ko sa kanya
"Ipinapangako ko rin sayo na maging isang mabuti rin akong ilaw ng tahanan sa pamilyan ito. At kahit anong mangyari, hinding-hindi ko rin kayo iiwan." sagot nya
"Mahal na mahal kita Ica."
"Mahal na mahal rin kita John."
And they live happily ever after...
E N D
